Chapter 1

26 2 0
                                    

Naglalakad ako ngayon papasok ng skwelahan. Ito ang unang araw ng exam namin ngayon di ko alam kung bakit ako kinakabahan nakapag review naman ako kagabi

Weird.

Aakyatin ko na naman ang pagkahaba-habang hagdan papuntang 4th floor. Ewan ko ba, bakit may 4th floor 'tong skwelahan namin. Nakakapagod kayang akyatin para kang umaakyat ng bundok. Di bale sana kung may elevator. Ayos pa sana, kaso wala e. Hays.

Nang makarating ako sa 4th floor, naglakad na ako papuntang room 36 ang layo noh? Masyado kaseng malaki 'tong skwelahan. Public lang ito pero maraming nag aaral dito

Pumasok ako sa room namin at naghanap ng upuan. Kapag kase exam day kanya-kanya kaming hanap ng sariling pwesto di tulad ng alpabetically arrangement na ginawa samin ng aming guro

Pumwesto ako sa bandang kaliwa, sa may bintana. Masyado pang maaga kaya tatlo pa lang kaming nandito sa loob. Tumingin muna ako sa labas ng bintana. 5:34 am pa lang. Wala pa yung tatlo kong kaibigan. Late na naman ata sila.

Habang lumilipas ang oras, padami kami ng padami sa loob ng room pero, wala parin yung tatlo. Ano ba yan?! Asan na ba sila? Ang boring tuloy

"Good morning MM" bati sakin ng lalaki kong kaklase

"Good morning din" balik kong bati at saka ngumiti sa kanya. Ginantihan naman niya ako ng isang malaking ngiti.

"Yun oh! Dumadamoves si Kent HAHAHAHA" Panunukso sa kanya ng mga kaibigan niya. Ayan na naman sila. Mang aasar. Si kent ay may gusto sakin umamin siya no'ng 3rd day ng pasukan. Simula noon lagi na lang kaming tinutukso maski mga guro namin nakikisali. Mabait si kent, may itsura naman. Pero, ayakong pumasok sa mga relasyon masyadong maaga para diyan

"Hoy! Tumigil nga kayo ang aga aga e" saway niya sa mga kaibigan. Nginitian ko siya tapos umalis din siya sa aking harapan.

Makalipas ang ilang minuto....

"HELLO! GOOD MORNING CLASSMATE" Sigaw ng kaibigan kong si Nikka. Kasama niya sila Daniela at Jieselle. Ay sa wakas dumating din sila.

Binati din siya ng mga kaklase ko.

"Hi Mm, good morning" bati sakin ni daniela nang makalapit siya. Umupo silang dalawa ni jieselle sa gilid ko. Si nikka naman ay sa aking harapan

Nginitian ko na lang siya bilang pagtugon ko. "Bakit ang tagal niyo? Saan na naman kayo galing?" Tanong ko sa kanila. "Diyan sa tapat ng school. Ito kasing si nikka e bumili ng lipstick" sagot sakin ni jieselle

"Lipstick na naman nikka? Kabibili mo lang no'ng isang araw ah?" Si nikka ay mahilig sa mga make up. Maganda naman siya pero di siya kuntento sa mukha niya gusto niyang may nilalagay na kularete sa mukha. Si jieselle, siya ang pinaka matalino sa'ming apat parang magkatulad lang kami pero di ako masyadong matalino kagaya niya. Si daniela, siya naman ang kaibigan kong walang ginawa kundi mag boyfriend ng magboyfriend. Kada isang linggo ata bago boyfriend niyan

"Alam ko, pero bago kase 'to try mo ang ganda sa lips" inabot niya sakin ang lipstick na bagong bili niya.

"No, thanks" sagot ko sa kanyang pag alok

"Ay! Nikka wag mong alukin na maglipstick 'yan asa ka pang naglilipstick 'yan. Virgin na virgin pa labi niyan e" pang aasar sakin ni jieselle. Totoo 'yon, saaming apat ako lang hindi nag lalagay ng lipstick. Hindi kase ako sanay.

"Oo nga pala"

----

7:00 am. Dumating ang guro namin. At inumpisahan na namin ang pag sasagot.

----

Natapos na kami sa aming exam. Uwian na. Nagliligpit ako ng aking gamit nang biglang dumating ang iba ko pang mga kaibigan. Sina Allysa, Aira, Aaron, Casper, Axel, at Warren.

"Hello girls!" Bati samin ni Aaron nang makapasok sila sa Room

"Hi kuys" balik na bati sa kanya ng kanyang pinsan na si Nikka. Sina Aaron, Allysa, at Nikka ay magpipinsan

"Guys. May announcememt kami sa'nyo" Sabi ni Axel habang umaambang umakbay sakin. Umiwas ako kaya bumusangot ang kanyang mukha "Paakbay lang naman e" para siyang batang nagmamaktol hahaha ang cute

"Dude. Sabihin mo na yung announcement natin" Siniko siya ni Casper

"Oo nga. I'm so excited" Maarteng singit Aira. Kinuha niya ang bagong lipstick ni nikka at nilagay sa kanyang labi

"Oo na. Eto na. So girls. Diba birthday ko na sa makalawa?" Napaisip ako. Oo nga, kaarawan na niya

"Oh? Anong meron?" Sagot ko sa tanong niya. Wala akong pinapakitang emosyon sa kanila. Patuloy lang akong nag aayos ng gamit ko.

"Eto naman. Parang walang paki sakin" Malungkot na sabi ni Axel

"Wala naman talaga" singit ni Warren. Si Warren, kilala siya sa school namin. Isa siya sa mga player ng Basketball. Kasama niya sina Casper at Axel. Si Aaron, swimmer

Nakapabilog kami. Inaabangan namin ang announcement daw ni Axel patungkol sa kanyang kaarawan. Siguro magpapaparty na naman siya o kaya mag aaya na mag bar. Yun na kase ang nakagawian namin. Sa tuwing may nagbibirthday saming sampu

"Spill it. Masyadong pathrill e" Ani Daniela

"Bar na naman ba? O Party?" Masyang sabi ni Nikka. Mahilig talaga 'to sa mga ganyan

"Nope. Hindi bar, hindi party" Singit ni Aaron

"Edi ano?" Tanong ko sa kanila. Nakakainis kase ayaw pa nilang sabihin

"Swimming!!!" Sabay sabay na sigaw nila

"Exciting diba?" Ani Aira sabay ngiti. Katabi niya ang nobyong si Casper

"Libre mo ba?" Tanong ni Jieselle kay Axel

"Of course. Libre ko. Ano sama kayo?" Umakbay siya sakin tapos ngumiti. Ang mga ngiti niya ay parang tumutunaw sa'yo. Gwapo si Axel. Matangkad. Sikat din siyang player ng basketball tulad ni Warren. Malakas siya sa mga babae dito makita lang siya tumitili na ang mga babae. OA

"Ayiiee yung dalawa oh titigan" panunukso samin ni Nikka. Masyado na palang matagal na nakatitigan ko si Axel. Alam ko, ramdam ko na may gusto sakin si Axel hindi sa nag aasuming ako. Nakikita ko 'yon pati na rin ang mga kaibigan namin madalas din siyang nagpapahiwatig. Hindi ako manhid para 'di yon makita

Patuloy silang nanunukso samin "Tumigil nga kayo" Saway ko sa kanila. Nararamdaman kong namumula ang aking pisngi dahil sa hiya hindi ako sanay na ganito sila samin ni Axel

"Namumula ka" Turo sakin ni Daniela. Tinakpan ko ang aking mukha. Tumawa sila

"Huwag mong takpan. Ang cute mo" sabi ni Axel na dahilan para mas lalo pa kaming tuksuhin. Hinawakan niya ang kamay kong nakatakip sa'king mukha at tinanggal 'yon. Nakatitigan ko na naman siya. Nakita ko ang ngiti niyang nagpapatunaw sa'yo

"Ayyiiieee" Narinig ko ang malakas na sigawan sa labas. Nilingon ko 'yon at nakita kong nakatingin sila samin. Kaya mas lalong pumula ang aking pisngi

"Tama na 'yan. Tumigil na kayo" Saway sa kanila ni Axel. Siguro nararamdaman niyang nahihiya na 'ko. Hindi talaga ako sanay na ginaganto kami. Kaibigan ko si Axel. Aminado akong Nakakaattrach siya pero ayokong magkagusto sa kanya

Tumigil din ang katyawan wala na din ang mga tao sa labas kaya nagpatuloy kami sa pag uusap tungkol sa swimming na libre daw ni Axel

"So ano? Sama ka i mean kayo?" Tanong sakin ni Axel. Nakikita ko sa aking gilid ng mata na nakatingin siya sa'kin kaya tumingin na lang ako kay Daniela na siyang kaharap ko. Hindi na 'ko tumingin sa mga mata ni Axel na nakatingin sakin baka tuksuhin na naman nila kami

"Sama ako" sabi ni Nikka at nagtaas pa ng kamay. Sumunod si Daniela at Jieselle

"Ikaw Mm? Di ka ba sasama? Magtatampo 'yang si Axel mo" bahagyang namula na naman ang aking pisngi dahil sa sinabi ni Casper, 'Axel mo'

Tumingin ako kay Axel na hanggang ngayon ay nakatitig parin sakin. "Syempre sasama ako" masayang sabi ko habang nakatingin kay Axel. Umiwas siya ng tingin. Oh oh

Ngumiti na lang ako.

A/N: Waaaaah. Waley na waley ang unang chapter ko hehehe pasensya na. Babawi na lang ako sa chapter 2. Anong say niyo? Comment naman kayo hihihi. Thank you for reading Mwa!

Love at first sightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon