Point of View: Meca
napasimangot ako nang mag offline si perky baby shark, mukang papasok na siya. maabangan nga sa gate! kailangan hands on akong admirer ni perky baby shark hmm."hoy mecawayan!" tili ng prutas na si cherry kasama niya ang dalawa pang ulupong na di ko alam kung kaibigan ko o ano dahil sinuri lang naman nila ang buong pagkatao ko at tumawa ng pagkalakas lakas. mga talipandas!
hingal na hingal na lumapit ang mga talipandas sa gawi ko habang hawak nila ang mga tiyan nila. mga hayop kayo kabagin sana kayo.
"anong nakakatawa?" pagtatanong ko imbes na sagutin ako tumawa muna sila pagtapos ay do'n ako sinagot.
"seriously mecalog, 21st century na and you still wear that kind of blouses pa rin." maarteng ani ni airy, napatingin ako sa suot ko.
"anong problema?" nagtataka kong tanong binigyan nila ako ng "are you serious look?" binawian ko naman sila ng "i am meca, gago look".
"mecanton, lahat problema." komento ni ezra. inikutan niya ako habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.
"colorful flowery blouse partner with dark blue blazer, a skirt na abot hanggang binti and a long socks and then sandals. all of these are a problem." ezra said. kung wala lang ako may paniniwala sa buhay matagal ko ng tinanggalan ng ovaries etong mga to.
"hanep ka talaga mecawayan! wala ng mas babaduy pa sayo, lodi!" isa pa 'tong cherry na to bakit ba sila nandito.
"hoy mga talipandas! ano ba pake niyo sa suot ko bakit kayo ba mamomroblema, ako diba?" litanya ko pero hindi sila nakikinig sa akin sa malayo sila nakatanaw kita mo na kita mo na!
"hoy pakinggan niyo ko mga talipandas, pagtapos niyo ko lait-laitin?" gigil kong saad. ngunit di man lamang ako tinapunan ng tingin ng mga babaita.
"anakan mo ko, perzikiel!" grupo grupo ng mga babae sinisigaw 'yan nataranta ako kaya nilingon ko.
at tila ba nagkaroon ng slowmo ang nasa paligid ko at tanging siya lamang ang nakikita ko, nagkaroon ng cherry blossom ang kanina'y tinik na kapaligiran.
napasinghap ako ng napakamot ito sa magulo niyang buhok.
"perky…" bulong ko.
perzikiel byun the love of my life at ang apple of the eye ko. pinasadahan ko siya ng tingin. his messy hair, singkit na mata, his infamous rectangular smile.
"mga mare yung panty ko nalaglag yata." bulong ko sa mga katabi ko.
"kadiri ka mecawayan!" angil ni cherry.
"perky sis! here!" maarte at taas kilay na saad ni airy kay perky, napalingon sa gawi namin si perky at mga ka-mare ko para akong uod na di magkamayaw habang papalapit si perky.
taena! bakit ang lakas ng dating niya? paanong nagagawa niyang patibukin ang puso ko ng ganito kahit pakendeng-kendeng siya kung maglakad.
oho, bakla si perzikiel byun also known as perky baby shark.
"perky baby shark! palahi ako!" hiyaw ko sa kaniya at kumapit sa braso niya agad niya naman akong winasiwas.
"napaka dugyot mo, meca. wag ang baklang ito, okay?" ani nito, napangiti naman ako.
i'm going to tame this gay, no matter what.
BINABASA MO ANG
'wag ako | on-going
Humor"palahi." "'wag ako, gaga." in which a baduy girl keep bugging her gay crush. [baekhyun x yoona] started: 090217 ended: soon ©weirdcupcakesy, 2017