Pansamantala
Walang bagay na permanente
Ibalik man ay hindi pwede
Lahat ay magbabago
Walang makakapigil nitoSiguro kailangan lang nating tanggapin
May mga bagay na hindi para sa atin
Kung meron mang mawawala
Siguradong may darating paAng lahat ay aabot sa isang punto
Na matatanaw niyo ang dulo
Kailangan lang handa tayo
Sa sakit na dulot nitoKaya habang nandiyan pa
Huwag hayaang makawala
Sulitin ang segundo na nararamdaman mo pa
Dahil ang lahat ay pansamantala
BINABASA MO ANG
Tula Para Sa Aking Mga Naging Sinta
PoetryMga salitang di mabigkas Kaya pilit na tumatakas Mga salitang di masabi Tinatago nalang sa paghikbi Mga salitang di magawa Aking idadaan sa tula Bunga ng pagmamahal at pag-iwan nila Lahat ng ito'y aking nailathala