Papunta ako ngayon sa locker ko at at aking kukuhanin ang aking mga libro, siguro meron nanaman siguro.Pagbukas na pagbukas ko ng locker ko, ayun! May tatlong rosas nanaman at isang bar ng chocolate.
Hi Camille! Sana magustuhan mo. Alam kong paborito mo yang tsokolate na yan pati na rin ang pink na rosas.
-Mr. Unknown ^____^Sino ba kasi talaga toh?! Lagi na lang syang naglalagay sa locker ko. Baka mag-ka diabetes na ako at maging flower shop na ang bahay nami dahil dito!
"Meron nanaman." Paglingon ko nakita ko si Josh at Charmaine.
"Sino kaya yan! Sana gwapo no bes!" Saad ni Charmaine.
"Baliw! Malay mo panget!" Saad ni Josh.
"Che! Panira ka talaga ng araw kahit kailan!" Saad ni Charmaine. Si Charmaine ang bestfriend ko at si Josh naman ang kapatid nya. Hindi kami masayadong close kaya hindi ko rin sya kinikibo minsan.
"Sa tingin mo sino yan Camille?" Tanong ni Josh.
"Ewan ko ba! Kita mong walang pangalan ehh!" I said at inirapan sya.
"Sungit mo naman!" Saad nya at kinindatan ako. Psh. Playboy.
"Sinong gusto mong nagbibigay nyan sayo?" Saad ni Charmaine.
"Sino pa ba? Edi si Marcus! Hayyy. Sana sya na lang ang nagbibigay sa akin nito! Sana may pagtingin sya sa akin kagaya ng pagtingin ko sa kanya." I said.
"Bes! Bakit sya pa! Kung sino pa ang playboy! Pwede namang si kuya na lang! Mas gwapo naman sya kaysa kay Marcus!" Pag-angal ni Charmaine.
"Oyy! Wag mo nga akong ireto dyan sa Kaibigan mong yan! Di ganyan ang mga type ko, pwede pang sina Rica na lang noh!" Saad ni Josh kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"Kuya!" Pinanlakihan ni Charmaine ng mata ang kuya nya. Haha.
"Sige una na ako. May klase pa kasi ako." Saad ko at binitbit ang librong kinuha ko sa aking locker.
"Bes! Akin na lang yung chocolate!" Pahabol ni Charmaine.
"Ohh ito na!" I said at iaabot ko na sana sa kanya ng biglang kinuha ni Josh.
"Camille, malay mo pinaghirapan yan ng nagbigay sayo. At ngayon ipapamigay mo na lang." Saad ni Josh at mukha na mang seryoso sya.
"Ay oo nga bes! Sige na!" Saad ni Charmaine at binalik sa akin ni Josh yung Chocolate kinuha ko naman. Nakaka-guilty ehh.
"Sige una na ako!" Sabi ko at naglakad na ng makasalubong ko si Marcus ang Campus Playboy kasama si Rica ang Campus Queen bee. At hawak nila ang kamay ng isa't isa.
"Wag mo silang tingnan kung nasasaktan ka." Saad ng isang lalaki sa likod ko at hinila ako palayo kila Marcus.
Hawak pa rin nya ang kamay ko hanggang makarating kami sa park. Walang tao dito dahil walang pasok ang mga elementary, ang mga highschool at college naman ay may mga prof na.
Di ko napigilang umiyak. Ang sakit. Matagal ko ng mahal si Marcus. Chilhood friend kami. Pero simula nung lumipat sila ay hindi na kami nag-kausap hanggang sa lumipat ako dito sa Rimmer University at nakita ko ulit sya. Kaso wala. Hindi nya na ako pinapansin.
Niyakap ako ni Josh at hinagod ang likod ko. "Wag ka ng umiyak! Lalo kang papangit nyan!" Biro nya, kaya napatawa ako habang may tumutulong luha sa mata ko.
"Salamat. May kabaitan pala ang isang tulad mo noh?" Saad ko at tinawanan sya.
"Syempre, ang mga gwapo ay mga pogi!" He said at nag-pogi sign.
YOU ARE READING
Mr. Unknown (One Shot Story)
Short StoryNagbibigay ng rosas, regalo, tsokolate at kung ano-ano pa. Hindi ko sya kilala, hindi ko pa sya nakikita, hindi ko nga alam kung paano nya ako nakilala. Sino sya. Sino ka nga ba talaga?