Hannah
"Truth or dare? Klaseng laro naman 'yan! Eh pambata 'yun eh!" Daing ng isang lalaki kasama nila.
Tiningnan niya ito ng masama dahil sa tinuran nito.
Inismiran niya na lamang ito at ibinaling ulit ang atensyon sa iba pang mga kasama."Ano? Game? Bawal killjoy iikutin ko Na ha!" Saad nito sa mga kasama.
Napansin niyang parang hindi ito natutuwa sa larong gusto niya.
Pero may iilan ding sumangayon na sa dalaga.Tumigil ang pag-ikot ng bote at tumapat ito sa isang lalaki.
Nagpatuloy lang ang kanilang paglalaro.
Masaya naman ang lahat at nakisali na sa mga asaran, kantyawan at sigawan sa mga pinapagawa o tinatanong ng mga ito sa taong natatapatan ng bote.
Mag-isa lamang siyang babae sa grupong ito. At wala rin naman ito sa mga kasama.Hindi naman kasi siya naiilang sa mga ito.
Para bang isa na rin siya sa team kahit na babae siya.Subukan lang nilang maligaw ng landas makakatikim talaga sila.
Sa masayang larong ito ay sa iisang tao lamang nakatuon ang lahat ng atensyon ni Hannah. Ang dahilan kung bakit siya sumama sa field trip.
Si Kurt Andrew Pecson ang 'asawa daw kuno' niya'Natutuwa siya dahil sa simpleng larong ito ay nakikita niya itong tumatawa sa harap niya. At nakikipag-asaran sa mga kaibigan.
Kitang kita niya ang mga dimples nito habang tumatawa.
'Kahit sa pagtawa ay Ang gwapo niya talaga' saad ng isip niya.Flashback
"COACH SAMUEL" tawag ng dalaga sa lalaking Nasa kwarenta na.
Napalingon naman ang tinawag Na lalaki sa direksyon niya.
Lumapit si Hannah dito Na para bang sabik Na makita ito."Hooo! Kanina Pa kita gustong makausap coach" saad ng dalaga.
Pawang nagtaka naman ito sa sinabi ng dalaga.
"Bakit ano ba iyon' hija at gusto mo akong makausap?" Malumanay Na tanong nito Na may halong pagtataka.
Naging Instructor niya ito sa P.E kaya naman ay kilala Na niya ito.
Ito rin ang Coach ng basketball Team kung saan kasali si Kurt.
Nabalitaan niya kasing may field trip ang buong Team Para sa pagdiriwang ng pagkapanalo nito sa Championship. Kung kaya't napasugod agad SiyA sa gym at naabutan niya naman ito. Wala ngayong practice ang buong basketball team Dahil sa kakatapos plang ng Championship."Nabalitaan ko kasi Na may field trip ang buong Team gusto ko sanang sumama coach wala naman kasi akong gagawin sa weekend kaya I decided to come" masaya nitong paliwanag.
Narinig naman ng dalaga ang mahinang tawa ng dating Instructor.
"Ikaw talaga Ms. Suarez, para lang sa team ang trip Na ito kaya Hindi pw-"
"Hep! Sinabi ko lang po sainyo Na gusto Kong sumama Dahil kayo ang In charge sa trip Na ito. At wala akong paki Kong payag kayo O Hindi. Basta sasama ako. Kaya alam niyo Na coach huh? Count me in" matamis nitong saad sabay paalam dito.
May sasabihin Pa sana ito ngunit wala Na ring nagawa ang lalaki
----
Sabado ng umaga ay maagap si Hannah gumising.Isang simpleng black T-shirt at skinny jeans at puting converse shoes ang suot niya at isang malaking itim Na Backpack. Hindi Na rin SiyA nag ayos Dahil alam niyang natural Na siyang maganda! 'Pwe' nag ponytail Na lamang Siya at Solve Na!
YOU ARE READING
Ang Bruha Na Desperada
RomanceBruha, masamang ugali, walang budhi, baliw, Iyan ang pagkakakilala at sinasabi ng lahat kay Hannah Suarez. Isang malditang maganda iyon ang sabi niya. Malakas, walang nakakatalo at kinatatakutan ng lahat, ngunit bakit pag dating kay KURT ANDREW PECS...