(LEONA'S POV)
Saglit lang kami sa Starbucks. Tapos umpisa na ng gig! Weeeeeeeeeeee! Iba talaga pag si Bamboo. Wooooooooooo! Ang daming youth na nanood. Lupet! Yung damang dama mo yung araw ng kalayaan? Ang kulit lang, kasama namin ni Caloy yung family niya manood at, may picture kami kasama si Bamboo my love! :P
Nag dinner kami sa Sambo Kojin. Grabe! Hindi ako makapag concentrate sa pagkain ko, laughtrip ang kulit kasi ni Ate Carla, panay ang selfie namin, groufie ba tawag dun? Tapos humirit si Tito Lito Fam-fie raw tawag sa selfie ng family. Haha. Napapailing na lang kami ni Caloy sa mga banat ng Daddy niya.
CALOY: Dad. Last mo na yan ah.
TITA LALLY: Ikaw talaga anak ang KJ mo. Hindi mo ba alam na gusto ng mga babae yung mga lalaking masayahin katulad ng Daddy mo.
ATE CARLA: Naku Ma, kung totoo po yon edi sana hindi sinagot ni Leona si Caloy kasi hindi siya marunong mag joke. Bugnutin pa.
*Tawanan
HAHA! TRUE! Lakas ng tawa ko after yon sabihin ni Ate Carla. Kaya nga nung high school lagi kong binubully si Caloy e. Ang tahimik kasi na parang ewan lang. Super opposite kami sa isa't isa. Kung ano yung iningay ko, yun naman yung tinahimik niya. Para siyang laging na sa loob ng library.
CALOY: Sinong sinagot nino? Hindi naman ako nanligaw.
Natahimik kaming lahat. Ang weird lang ng mga itsura nila tapos nakatingin pa sila sakin lahat. Luh?
TITO LITO: Totoo bang hindi ka niligawan ni Carlos?
Anong isasagot ko? Patay. Lintik tong Caloy na to, pakain kain na lang parang wala lang e. Ano baaa? May 8 hours nga kami diba? Tsk!
AKO: Po? Kasi po---
ATE CARLA: Kasi Dad, hindi po marunong manligaw yang si Caloy. Loser!
*Awkward Silence
Wew! Thank you sa pang aasar ni Ate Carla, medyo nakahinga ako ng maluwag. Pero hindi ko napigilang tumawa. HAHAHA.
CALOY: Kumain na lang tayo pwede? Tsaka wag niyo siyang tanungin ng tanungin, gutom siya baka hindi niya ma enjoy yung pagkain niya.
Tsssssss. Bugnuting bata. Nag sungit na siya.
Sa totoo lang, super na enjoy ko lahat ng moment na kasama ko yung family ni Caloy. Wala kaming ibang ginawa kundi tumawa at kumain, tapos si Ate Carla bully din e. Kakampi ko na talaga siya simula pa lang nung high school sa pambubully kay Carlos pero mabait siya, chicks pa.
*SM Center Las Piñas
(YSABELLIE'S POV)
Waaaaaaah! Fudge!!! Great show man! Buhay na buhay katawang lupa koooooooo! Pwede na kong ibaon six feet under the stars! O.A. ba? Emeygesh! Emeygesh!!! Shit! I can still feel it. Too much feels after the UDD GIG!!! Weeeeeeeeeee! ♥
MAKU: Okay ka lang? Pwedeng kumalma ka. Inhaleeee----
*Hampas sa braso ni Markus
YSABEL: Ano ba Maku! Sino bang kakalma! Kakatapos lang ng gig omyyyyyyyyyyyyyyyy! Ramdam ko pa rin yung hug ni Sir Paul Yap! Ayiiiiiiieeeeeeeee! He's so fluffy I'm gonna die!!! :P
MAKU: Lakas mo nga maka ninja moves e. Maniac ka pa rin hanggang ngayon. Yuck.
YSABEL: Whutda? Asa. Inggit ka lang.
MAKU: Ang ganda talaga ni Armi nuh?
YSABEL: Naman! Idol ko yun e.
Eto. Eto na naman ako sa after gig syndrome ko. Pero hindi ko mapigilan e. For real! Nakakabitin ba? Kwento ko na nga! HAHA.