Disclaimer: I basically do not own the pictures for the book cover nor One Direction. So credits to the rightful owners. Thanks :)
© chubbyvegetable 2014
*****
Ginoo,
Kumusta ka na? Sigurado ngayon ay malaya kang naglalakbay tungo sa mga lugar na lagi mong naibabahagi sa akin noon pa lamang. Malaya kang inaabot ang entabladong ninanais mo. Malaya kang nakakatulong sa iba. Malaya ka, dahil wala na ako sa tabi mo.
Naalala mo pa ba ako? Hindi ko alam kung mas mabuting kalimutan mo na ako o manatili ako diyan sa memorya mo. Ang sakit isipin na wala na tayo. Wala na ang masayang tayo. Kung natatandaan mo, matalik tayong magkaibigan. Hindi mapaghiwalay at hindi iniiwan ang isa't isa. Tayo'y nagtatawanan, nagsasabihan ng sikreto at prinoprotektahan ang isa't isa. Madalas kitang sinasabihin na tigilan na ang labis na paggasta mo sa iyong pera. Madalas kitang kinukulit na pahalagahaan iyong mga regalo na binibigay ng mga tagahanga mo. Madalas kitang pinapagalitan lalo na kapag tumatakas ka ng madaling araw para sunduin ako sa trabaho ko. Ang kulit mo. Sa lahat ng mga iyon ang tanging tugon mo lang ay isang malokong ngiti at isang mainit na yakap. Leche ka.
Naalala mo pa ba kung paano tayo nagkakilala? Doon, sa payapang parke malapit sa bahay namin. Nasa proseso ako ng paghilom sa mga sugat na naiwan ng kasintahan ko. Wala akong masabihan ng nararamdaman ko. Kung sa mga kaibigan ko pagtatawanan nila ako. Lahat ng mga nakakasalimuha ko ay pawang peke lamang upang magmukha silang malinis at mabait. Kaysa naman kina Mama. Nahihiya kaya ako noh. At isa pa, ayaw kong problemahin din nila ang pesteng pag-ibig na iyan. Kaya sa parke ako pumunta. Patuloy ang pag-agos ng mga mainit na luha mula sa aking mata habang naka-upo sa ilalim ng malaking puno ng Acacia. Pagkaraan ng ilang minuto ay bumuhos ang ulan at kasabay noon ay ang pagsilong ng isang dilaw na payong sa aking katawan. Dumating ka. Tinanong mo ako kung anong problema at sabi ko naman may pinagdadaan na napakahirap malagpasan. Hindi sana kita papansinin ngunit may suot kang barong tagalog. Parang galing ka sa isang masining na talastasan at ikaw ay nagwagi dahil sa iyong mainit at purong ngiti. Mukha ka namang desente kaya kinausap kita. Gwapo ka ba noon? Ang aking salita ay hindi sapat upang maipaliwanag ang iyong kakisigan. Naalala mo pa ba noong pinahiram mo ako ng mabango mong panyo? Hindi ko pa nga binabalik e. Hindi mo naman kasi hinihingi. Hinawi mo ang basa kong buhok at sabay tayong sumilong sa isang makipot na waiting shed sa isang tabi.
Pagkatapos noon, sabay nalang tayong natawa sa isa't isa sa hindi mawaring kadahilanan. Alam mo ba? Noong nakasama kita, kahit paano nagkaroon ako ng pag-asa na malalagpasan ko din ito. Siguro dahil lagi kang nagpapatawa o siguro dahil ang gaan ng loob ko sa iyo. Hinila mo ako palapit sa malamig na agos ng tubig mula sa itaas. Pakatapos ay binuhat mo ako na parang isang sako. Ipinaba mo ako sa isang swing at bumulong ng 'mas maganda ka kapag nakangiti'. May kaunting saya at pagbilis ng tibok ang aking puso noon. Pero alam mo kung anong bumuo sa araw ko? Yung ang tagal nating nagkasama at nag-usap pero hindi pa pala natin naitatanong ang pangalan ng isa't isa. Nakakatawa. Ganoon pala ang pakiramdam ng makahanap ng taong iintindi sa iyo. Pagkatapos noon, hintaid mo ako sa aming tahanan at nagpasalamat. Ang saya ko noong araw na yun. At dahil 'yun sayo.
Kinabukasan, tinatamad akong pumasok at pakiramdam ko ay magkakatrangkaso pa ako noong araw na iyon. Pero tila nabuhay ang aking diwa at ako'y nagulat noong nakita kita sa silid namin. Bakit ka nga ba nandoon? Ayun, sabi mo lumipat kayo ng bahay noong isang araw kaya pala noon lang kita nasilayan sa lugar namin. Natawa pa ako kasi naalala ko na nakasuot ka ng barong tagalog habang nagbabasa sa ulan. Sinabi mo sa akin na galing ka sa isang pagpupulong ng iyong angkan subalit ikaw ay nabagot kaya naisipan mong maglakad-lakad. Patungo sa akin. Simula noon, lagi mo npakong sinasamahan at mas naging malapit tayo sa isa't isa. Sobra. Hindi mo ako iniwan lalo na noong sinabi ng dating kong kasintahan na gusto niyang makipagbalikan saakin. At naaalala mo pa ba yung ginawa mo? Sinuntok mo siya at sinabi mong 'wag na 'wag siyang lalapit saakin at pabayaan na lang ako. Sobrang saya ko noon kasi sa unang pagkakataon naramdaman ko na may halaga ako para sa ibang tao. Hindi ko pa kasi naramdaman 'yun sa pamilya namin. Kaya simula noong araw na yun. Alam kong may gusto na ako sa iyo. Hindi ko man masabi sayo ito pero pinapakita ko naman kung gaano ka kahalaga sa buhay ko. Binago mo ang buhay ko, ganun din ako sayo. Naging mas payapa ang takbo ng mundo natin. 'Di ko nga aakalain na ganoon pala 'yung epekto ko sayo. Sabi mo nagpakabait ka na ngunit may pagkapilyo pa rin. Subalit masaya ako dahil wala na ang hindi mo pagpasok mo ng paaralan, lagi ka ng nasa oras sa kalase att tumaas ang mga grado mo. Ako naman, nagkaroon na ng tiwala sa aking sarili kasi alam kong may susuporta sa akin. Alam kong nandiyan ka at 'di mo ako iiwan.
BINABASA MO ANG
Someday
Short StoryNagsulat ako ng liham para sayo. Sana pagkabasa mo nito, dumating na yung 'someday' na hinihintay ko.