HELLO READER/S ^_^
Nandito kami ngayon ng girls sa 7/11 hinihintay namin ang boys. Ngayon nga pala ang birthday ni Axel may nabili na 'kong regalo isang t-shirt, nabili ko 'to kahapon sa sm. Nag sm kami ng girls pagkatapos ng exam
Natapos na din ang exam. Medyo mahirap pero keri lang
Dala namin ng mga girls ang pagkain, boys na ang bahala sa inumin.
------
Di nagtagal, dumating din sila Axel. Lahat sila ay nakasando at shorts. May dalang isang galon ng mineral water si Casper. Lahat sila ay nakaback pack tulad ng samin ng girls.
Sinalabong ng isang mahigpit na yakap si Aira nang kanyang nobyo na si Casper at hinalikan ito sa pisngi. Ang sweet talaga ng dalawang 'to.
"Ready na kayo?" Tanong samin ni Warren na katabi ko ngayon. Naka white na sando siya na tribal
"Ready'ng-ready na kanina pa nga kami dito naghihintay e isang oras na ata" Mataray na sabi ni Nikka. Ayaw niya kasing pinaghihintay siya lalo na na matagal na oras "Sunog na sunog na balat ko dito oh" pinakita niya ang dalawang braso niya na wala namang pinagbago sadyang maarte lang ang isang 'to. Nakasilong naman kami, ang sabihin niya excited lang siya.
"Okay okay. Tara na. Alis na tayo" Sabi ni Aaron. Naglakad kami papuntang Coco Valley Richnez Waterpark kung saan mag suswimming kami. Hindi na kami nagdala ng kotse dahil malapit lang naman 'to pwede nang lakarin. Mataas ang sikat ng araw kaya nagtitiis kami ngayon. 'Di na 'ko nakapagdala ng payong dahil sa excitement din.
Nang makarating kami ng Coco Valley. Nawala sa tabi ko si Axel. Siguro nagbayad na siya, nakasilong kami nila Daniela sa gilid. Si nikka, jieselle, aira at allysa ay nagpipicture-picture sa paligid. Ang boys naman tumitingin sa loob nanchichicks na naman sila
"Let's go guys" sabi ni Axel. Pumasok kami sa entrance fee kung saan tinatatakan kami sa pulso.
"Anong cottage tayo?" Tanong ko kay Axel na katabi ko ngayon
Sumilay ang ngiti niya sa labi "22" maiksing sagot niya. Umakbay siya sakin habang papunta kami sa cottage.
Maganda ang swimming dito at malinis
Unang pasok mo, makikita mo agad ang ganda nito. Kaliwa't kanan ang mga cottage nakapalibot sa buong pool. Ang unang pool ay pambata kung saan may palaruan. Mababaw siya siguro hanggang tuhod ko lang 'to. May nakikita rin akong nagsuswimming na bata don karamihan mga batang edad 6-8
Ang katabi niyang pool ay pang eded na namin pero may hati ito. Ang unang hati ay siguro hanggang beywang ko at ang pangalawa ang 4&5 ft doon ay may padulasan tig iisa sa kabila, kulay asul at mga bato ang nakapiligid don
Nakikita ko din na may pool na mahaba. Sa gilid ito nakapwesto. Nakapaikot 'to sa buong cottage
Nakarating kami sa aming cottage. Nilapag ko agad ang bag ko sa upuan at ang mga pagkain ay sa lamesa.
Nawala bigla ang mga lalaki. Nauna sila sa pagligo. Hindi man lang muna sila kumain
"Bihis na tayo Ally" kinuha ni daniela ang bag niya at nagtungo sila ni Daniela sa cr. Naiwan kami nila Aira at Jieselle dito sa cottage. Inaayos ni aira ang mga pagkain sa lamesa at ako naman ay nililibot ang tingin sa kabuuan ng resort. Sariwa ang hangin, kitang kita ang bawat ilalim ng pool. Halatang malinis talaga 'to
Nakikita ko ding maraming naliligo. Di naman masyadong maraming tao. Tama lang.
Nagpaalam ako kila aira na magpapalit lang ako. Nagtungo ako sa cr, pagpasok ko walang tao wala sila Daniela at Ally dito siguro nagswimming na din. Sa unang cubicle ako pumasok binilisan ko ang pagbihis dahil alam ko magpapalit na din ang dalawa.