♥★CHAPTER 7★♥

105 6 1
                                    

Hindi ko na lamang mapigilan at naluha na lamang ako dahil sa sari saring nararandaman ko pagod,lamig,gutom,takot at iba pa.

Dahil nga sa  nakakakita ako ng mga kaluluwa at dahil sa ulan nakita ko ang mga waterghosts.Natakot ako dahil nga noon ay wala naman talaga sila sa akin maaring gawin ngunit dahil isa na ako muling tao......gagawa sila ng paraan upang maagaw sa akin ang katawan ko at kung mangyayari man iyon ay tiyak na wala na akong pagasang magtagumpay sa aking misyon.Iba na ang kanilang itsura dahil yung iba ay naagnas na at yung iba manas na o parang bloated dahil nga nalunod siguro at mukhang hindi pa din nahahanap ang bangkay nito.


Palapit na sila sa akin kaya hindi na ako nagdalawang isip kung hindi tumakbo agad kong hinubad ang aking mga tsinelas na ibinigay ng mabait na matanda dahil kung susuotin ko ito mas mahihirapan lamang ako tumakbo at malaki din ang chansa na madapa ako ulit dahil nga sa napigtas na ang isa nito.Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya nagdirediretso lamang ako.


"Yes!" masaya kong sinabi dahil may may nakita akong gusali na maari ko munang taguan agad akong pumasok doon.


"Aahhh!!!" napasigaw nalang ako dahil hinabol pala ako ng mga waterghosts hanggang doon at ang malala pa nakita ko na may mga ligaw na kaluluwa din na nakatingin sa akin at mukhang balak nilang agawin ang katawan ko....Ang sexy kong katawan.....


"Ano ba?!" nagulat ako nang sumigaw ang isang lalaki na matangkad at nakasuot ng mukhang mamahalin na suit at mayroon din itong  kurbata ngunit nagulat ako dahil napaakap na pala ako sa kaniya at basang basa na ang suit niya dahil nga basang basa na din ako dahil sa ulan.


"T-tulungan mo ko.." sinabi ko ito habang tinuturo ko ang mga nanghahabol sa akin.nakakainis man dahil magmumukha akong mahina ay sinabi ko na ito dahil napakalapit na nila sa akin.......

~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°

Hala ka!Bakit andilim?! Hindi kaya nakuha na ng mga kaluluwa kagabi ang katawan ko at kinulong muna nila ako?!Ano nang gagawin ko?!


"TULUNGAN NIYO 'KO!AKO TALAGA MAYARI NG KATAWANG ITO!!PALABASIN NIYO KO!!" pagsisigawan nang ako ay makatayo dahil napakadilim pa din ng aking paligid.


"Aahh!" napasigaw na lamang ako dahil nadapa ako nang subukan kong maglakad.Nakakainis!ansakit tuloy ng tuhod ko.Wala na akong magawa dahil napaupo na lamang ako mula sa aking pagkadapa at napahawak nalang ako sa tuhod ko dahil nga masakit ito.May nakita akong liwanag kaya napatayo ako at subukan maglakad tungo dito kahit pa iika ika.


"Abusado ka din noh?!" biglang nagliwanag ang paligid at dahil ako ay nanatili sa dilim ng may katagalan lahat sa paligid ko ay malabo medyo masakit sa ulo hindi ko maaninag ang mukha ng nagsasalita ngunit nakikita ko ang pigura niyang  matangkad  at masasabi ko na lalaki ito dahil sa kaniyang pananamit na parang nakasuit at kurbata.


"Hay nako....ano pa ba naman aasahan ko?!nagpasok ako ng isang pulubi sa aking hotel...At ngayon ano?!umaasa naman ako na magpasalamat siya sa akin." T-teka!si muscle pain toh ah!


"Hindi mo ba ako namumukhaan?Hindi ba tayo magkakilala?" magkasunod kong tanong dito at nakatingin lamang ako at naghihintay ng kasagutan sa mga iyon.

UndestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon