Chapter 40

198 5 7
                                    

Tatlong araw akong nakahilatag sa kama dahil sa lagnat ko. Kaya tatlong araw ring hindi pumasok sa opisina si Cyrus. Dahil sa pagbabantay nito saakin. Wala siyang ginawa kundi alagaan ako sa loob ng tatlong araw.

Hindi ko ba alam kung bakit niya iyon ginagawa.

So eto ako  ngayon maayos na ang pakiramdam at nagbibihis na rin para dalawin ang dati kong manager . Dahil kanina pag gising ko tumawag siya. Kailangan ko daw siyang puntahan sa bahay niya at may importante daw siyang sasabihin.

Nagtatampo pa nga saakin nung una e. Bakit daw  hindi man lang ako dumalaw sa bahay niya ng makauwi ako. Pero sorry lang ang nasabi ko at nagpaliwanag. Kaya ayun bigla nitong sinabi na kailangan ko siyang puntahan.

Matapos akong nagayos lumabas na ako at bumaba sa hagdan. Ilang palapag na lang para makababa ako. Pero bigla akong natigilan ng marinig ko ang boses ni Cyrus na parang may kinakausap. Dahilan para umatras ako at sumilip. May kausap nga siya walang iba kundi si R-Rachell? Nakaupo ang mga ito couch.  At parang may pinaguusapan. Kaya mas lalo akong lumapit at pinakinggan ang mga usapan nila.

"Cyrus, Ano ka ba? Bakit mo ginawa iyon?" rinig kong sabi ni Rachell.

"Huwag ka mag aalala parte iyon ng paghihiganti ko."

Nang marinig ko iyon mas lalo akong nacurious. Dahilan para muli akong lumapit at pilit klaruhin na marinig ang usapan nila.

"Pero Cyrus, hindi ka ba natatakot sa mga plano mo. Paano kung malaman niya na ikaw yung lalaking nakasama niya sa bar."

Nang marinig ko iyon bigla akong napatanong. Anong ibig niyang sabihin?

"Don't worry Rachell. Maganda nga pagnalaman niya. Para naman maramdaman niya yung sakit na nararamdaman ko hanggang ngayon." malamig niyang sabi.

"Cyrus, hindi ka ba nasasaktan sa mga ginagawa mo. Akala ko ba mahal mo siya?" napatayo ngayon si Rachell.

Kaya naman agaran akong napaatras.

"Oo, mahal ko siya. Pero noon lang yun. Dahil ngayon nababalot ako ng poot at galit sakanilang mag-ama. Hindi ko pa nakikita ang tatay niya, kaya hindi pa ako tapos." napatayo na rin ngayon si Cyrus.

Dahilan para manghina ako at unti-unti na ring humakbang pabalik sa taas.

Isa lang ang ibigsabihin nito. Naghihiganti siya, pero bakit? Bakit kailangan niya pa gawin iyon?

Akala ko maayos na ang trato saakin ni Cyrus. Dahil inalagaan niya ako sa loob ng tatlong araw. Pero isa lang pala iyon sa mga plano niya.

Hindi ko man lang magawang magalit sakanya dahil nangingibaw parin ang pagmamahal ko kay Cyrus. Sa loob ng tatlong taon walang ibang inisip kundi siya. Siya ang dahilan ng lahat kung bakit ako noon umiiyak at nasasaktan sa mga paratang ng mga tao saakin. At hanggang ngayon siya parin ang dahilan kung bakit muling nasasaktan ako.

Ilang oras pa ang nakalipas bago muling lumabas. Wala na akong nadatnang Cyrus at Rachell dito sa ibaba. Kaya naman nagpaalam ako sa mga katulong at umalis para puntahan ang manager ko.

Hanggang ngayon lutang na lutang parin ako. Dahil sa mga narinig ko kanina. Hanggang sa makarating ako sa tapat ng bahay ni Mrs. Legazpi.

Pinagbuksan naman ako ng katulong nito ng makita ako sa tapat ng gate.

"Ma'am... Andito ka na pala kayo. Kauuwi niyo lang po ba?" tanong saakin ni Manang Lusil.

Natawa naman ako at pumasok.

"No... Actually, uhm last month pa ako nandito. Atsaka anjan ba si Mrs-"

Natigilan ako ng may biglang yumakap saakin. Ouch a!!!

When A Man Fall In Love (Isabela Boy Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon