"Pakawalan niyo kaya ako dito!" malakas kong sigaw habang hinahampas ng malakas ang malapad na pinto ng aking silid.
"Manahimik ka dyan Mara! Habang hindi ka nagtatanda hindi ka makakalabas dyan sa iyong silid!"
"Ma, parang awa mo na pakawalan mo ako dito! Hinihintay na niya ako!" pagsusumamo ko sa aking ina na nasa labas lang ng aking silid.
"Hindi ka makakalabad hanggat hindi ako nakakasigurong hindi ka na babalik sa lugar na 'yun!" matigas niyang sagot.
Wala na akong ibang pagpipilian kundi gawin ang dapat. Kailangan ko siyang makita. Hindi ako mabubuhay ng ganito lang, ng nakakulong.
Alam kong hindi rin ako pakikinggan ng kahit sino sa bahay na ito. Kahit anong pagmamakaawa ko. Dahil lahat sila malaki ang takot sa mga magulang ko.
"Patawarin mo ko ma. Kailangan ko itong gawin para makasama ang lalakeng mahal na mahal ko."
Pagkatapos nun. Isang malakas na pagsabog ang yumanig sa buong kabahayan.