Collection of One Shot Stories

18 0 0
                                    

"Steph! Gising na!"

"STEPHANY! ANO BA? GUMISING KA NA!"

Hay! Ano ba yun? Ang ingay naman ni mama. "OPO! ITO NA!" 

Tinignan ko yung orasan, omygosh! 5:15 na! 6:00 pasok ko! Nagmadali na akong kumain, magtoothbrush, maligo, magbihis at mag-ayos ng sarili ko. Phew! Nagawa ko yun lahat in 30 minutes na kadalasan ay mahigit isang oras. No choice ako eh, malelate na ako.

Papunta na akong school nang bigla kong naalala si Brian. Sinong Brian? Siya lang naman yung masugid kong manliligaw. Sabi ng karamihan, pinaasa ko lang daw siya. Eh kasi naman, pumayag akong magpaligaw sa kanya pero after almost 1 month eh pinatigil ko. Di ko rin alam kung bakit! Ang weirdo ko masyado hayy!

Pero aaminin ko, nagkaroon din naman ako ng feelings para sa kanya eh. Kaso masyado talaga akong nawawala sa sarili. Hay ewan! Sayang din siya noh. May itsura, mabait, galante, sweet, showy, lagi akong pinapakilig at hindi niya ako ikinahihiya sa mga kaibigan niya. Kaya nung nalaman ng mga kaibigan niya na yun nga, parang "pinaasa" ko daw si Brian, nagalit sila sa akin.

Pero sabi ni Brian sa akin, hindi daw siya susuko, kahit ilang beses ko pa daw siyang tanggihan at patigilin sa panliligaw niya sa akin. Hay ewan! Naguguluhan ako, kinikilig ako sa mga sinabi niya but at the same time, naaawa din sa kanya.

"Steph!" -Nicole 

"Uy! Hello Nicole." (sabay yakap sa kanya)

"Hmm, himala medyo late ka ngayon ah."

"Oo nga eh. Na-late kasi ako ng gising. Pero infairness, kahit late ako nagising, di ako late. Daig ko pa yung mga panahong ang aga ko magising eh hahahahahaha."

"Oo nalang Steph. Ang dami mo pang sinasabi. Tara na bilis!"

English class ang first subject namin. Prinesent lang namin yung Reader's Theathre na pinagawa sa amin ni Mrs. Padilla, by group. Luckily, pangatlo kami sa pinakamataas among the 6 groups. Ok na rin yun! 

At dumaan na ang filipino at chemistry subject and tenen! RECESS NA! Ito lagi eksena namin ni Nicole, sabay lumabas ng room, magtatalo sa bibilhing pagkain, lakad dito, lakad doon. Hanap ng pogi dito, hanap ng pogi doon. 

Then boom! Bigla kong nakita sila Brian at mga kaklase nyang lalaki.

"Steph!" -Jerico, classmate ko naclose friend din ni Brian.

"Oh bket?" Ginulat ako nito ah!

"Malapit na valentines day ah! Di kami malibre libre ni Brian, nag-iipon para sayo." Spoiler talaga to maskikelan. Lagi syang ganyan. -_-

"Hala weh? Di nga?"

"Oo nga. Bulaklak nga ata ibibigay sayo? Di ko lang sure."

"Ewan ko sayo. Nicole tara na nga sa room." Hinila ko naman tong si Nicole na busy sa kadaldalan niya at pumasok sa room. Pero aaminin ko, kinikilig ako na parang nanghihina sa sinabi ni Jerico. Ewan ko ba!

February 14. Valentines day na!

Uwian na! Naunang lumabas ng room si Nicole, nakakatampo naman yung babaeng yun, iniwan ako.

Ang dami ko nang nakikitang mga kaek-ekan sa paligid, ang daming nagtitinda ng bulaklak, candies at chicolates na heart ang shape at kung anu-ano pa. Marami na rin akong nakikitang may couples sa paligid. Nakakaurat! Buti nalang nakita ko na si Nicole at isang lalaki? Di ko masyadong mamukhaan kung sino.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Collection of One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon