Chapter 6: The Reason
----
Maya maya pa ay may umakyat na lalaki sa stage. Matikas ang tindig kaya hindi halatang nasa late 40's o early 50's na ito. Sya siguro ang emcee.
Kinuha nya ang atensyon ng lahat at saka bumati. "Goodmorning Mystic Mages! Nagsimula na naman ang isang school year ng pinakamamahal nating academy. I intoduce you, our headmistress, the beautiful Roena Firoa!" Nagpalakpakan ang mga estudyante sa pag akyat ng HM sa stage. Pagkarating nya roon at nakipagbeso muna sya sa lalaking nagsasalita kanina at saka bumaba ang lalaki.
"Kamusta mga Mystic Mages? So far ay nag eenjoy ba kayo sa inyong first day?" Masiglang panimula nya sa mga taong naroroon.
Nagsigawan na ang mga estudyante ng kani kanilang mga sagot at opinyon.
"Kalma, maari bang magsitahimik muna tayo?" Iginagalaw nya ang kamay nya pababa senyales na pinapatahimik nya ang mga estudyante.
Ilang sandali lamang ay bumaba ang ingay na naririnig sa buong lugar.
Nagsimula nang magsalita ang HM.
"Ganito, tataas kayo ng kanang kamay kapag nageenjoy kayo, at kaliwa kung hindi. Ayos ba?" Mungkahi nya na pinayagan naman ng lahat.
"Osige, itaas nyo na ang mga kamay nyo"
Unti unting nagtaasan ng mga kamay ang estudyante. May ilang walang itinaas gaya ng mga royals. Makikitang lamang ang nakataas ang kaliwang kamay.
Napangiti na lamang ang HM.
"Hwag kayong mag-alala. Nagsisimula palang ang school year, tama? Ipinapangako kong mas mageenjoy kayo dito habang tumatagal." Sabi nya sa mga estudyante na sinamahan nya ng sinserong ngiti.
"Ipinapakilala ko nga pala sainyo, ang hari ng White Kingdom ngayon, ang aking kaibigan, King Kerros Fiero" nagpalakpakan ang lahat maliban kay Luna na naguguluhan parin sa ngayon.
'May hari pala?' Napaisip sya sa sarili nya.
'Tekaaaa...'
'Fiero? Ibig ba sabihin ay tatay ito ni Keith?'Umakyat na ang hari sa entablado. Mahahalata mo ang pagiging hari nito hindi lamang sa suot na damit kundi maging sa aurang inilalabas nya. Magkamukha sila ni Keith, mag-ama nga.
Napangiti si Luna sa naisip nya. 'Magkamukha nga sila pero mas mukhang mabait naman si Haring Kerros kesa sa anak nyang mukhang any time eh magmemenopause na.'
"Magandang araw sainyo. Nandito lang ako para sabihing may ilan sainyo ang napasama sa Superiors, diba? Ito ay para matulungan kayo ng mga superiors na lalo pang magpalakas gayong hindi pa dumarating ang anak ng Light Goddess. Kung wala pa sya sa susunod na taon ay paniguradong mahihirapan tayong kalabanin ang kabilang panig. Kaya ko ito iniutos, hindi pwedeng aasa lang tayo sa pagdating ng anak ng Light Goddess." Nagbulungan ang mga tao matapos magsalita ng Hari.
'Okay lang! Basta ba makasama ko ang mga superiors. Kyaaaah!'
'Ugh. Kaya ko naman magisa di ko kailangan yang mga superiors nyo'
"Magkakaroon rin pala tayo ng pagsubok tuwing ikalawang buwan. Maghanda kayo dahil magkakaroon ng malaking papremyo ang mananalo maging ang matitipuhan naming mga kapwa ko hari." Maraming natuwa dito, ngunit may ilan paring walang pakealam sa kung ano man gaya na lamang ng anak ng taong nagsasalita sa harapan.
Tila bagot na bagot si Keith sa pakikinig sa ama nya. May anak bang ganito? Parang ayaw nya pa makita ang ama nya.
Napansin nya siguro na nakatingin ako kaya tumingin rin sya saakin.
'Anong tinitingin-tingin mo, babae?'
Iniwasan ko munang mag-isip ng kahit ano para hindi nya mabasa kung gaano ako kainis dahil ang yabang ng tono nya.
'Bawal ba? Pasensya kung ganon'
Napairap nalang sya sakin. Seriously? Inirapan nya ako? Ano sya, bading?'Hindi ako bading.'
Napatawa nalang ako.
'Okay, fine.'Hindi ko na naintindihan ang sinabi ng Hari dahil sa magaling nyang anak at wala na akong inabutan kundi ang palakpakan.
Muli, umakyat ang lalaking unang nagsalita kanina sa stage.
"That's it Mystic Mages! Have a good day and a good school year ahead. I'm Jonas Rayvin, at your service." Nagbow sya at bumaba na.
Unti-unting nag alisan ang mga estudyante sa Great Hall. Tatayo na ako pero nagsalita si Selene.
"Tara sa garden, Ris." Aya nya kay Irish.
"Sama na kayo samin, Luna." Napatingin ako kina Ria at Kara na ngumiti nalang saakin.
"Pwede bang kasama sila?" Tanong ko.
Ngumiti naman si Irish bago muling nagsalita. "Syempre naman! Tara na! Ang mahuli magiging alila!" Sabi nya bago nagteleport.
Great. Magiging utusan nila ako. Halata namang matatalo ako eh.
Sumakay si Selene sa isang lumilipad na bagay na hindi ko alam kung saan galing. Inexpand nya ito at isinakay sina Ria at Kara saka humarurot ng takbo.
"Bye, Boss!" Paalam ni Josh kay Keith at kumaripas ng takbo.
Maglalakad na ako nang maramdaman kong may humawak sa braso ko.
Hindi pa ako nakakalingon ay napunta na pala kami dito sa isang napakagandang lugar.
'Eto na yung garden. Pasalamat ka sakin, iniligtas kita kina Irish.'
Naglakad na sya paalis. Nanatili akong nakatayo. Lumingon sya pabalik saakin.
'Ano pang itinatayo-tayo mo dyan, babae? Sumunod ka sakin'
Sumunod ako sa kanya at dinala nya ako sa kung nasaan sina Irish, sa tabi ng fountain. Isang magandang fountain.
Nakita nila kaming magkasama ni Keith, imbes na magsalita ay nanahimik nalang sila. Siguro ay kinausap ni Keith sa utak nila.
Maya maya pa ay dumating si Josh na hingal na hingal.
"Naunahan ko si Boss Keith! Ang galing ko! Uutusan ko si Boss na bumili ng napkin don sa downtown, at dahil alila namin sya, wala syang magagawa at susundin nya ako. Pagsasayawin ko si Boss, tapos papaikutin ko sya sa campus na nadress! Tapos--" Naputol ang malakas nyang pagbigkas sa mga plano nya dahil tumikhim itong katabi ko.
"Tama bang pag-isipan mo ng ganyan ang amo mo, alila?" Mapang-asar na sambit ni Keith.
"B-boss..." Namumutla na si Josh. Mukha syang nakakita ng asong may pakpak na parang unicorn dahil sa mukha nya.
"As your master, I command you to buy sanitary napkins at the downtown. Place it on a clear plastic, understood?"
Humaba ang nguso ni Josh na parang bata dahil kay Keith.
"Hindi ka pa ba lalakad? You only have 25 minutes left to finish this task."
"25?! B-bye Boss!" Nagtatakbo na si Josh paalis. Nakarinig pa kami ng 'bakit ba di ako marunong magteleport?!' mula sakanya na ikinatawa naming lahat.
Naming lahat?!
Tumawa rin si Keith.
Tumawa. Rin. Si. Keith?
Napatitig nalang ako sa lalaking nasa tabi ko na mahinang tumatawa.
He has this boyish smile na bagay na bagay sakanya. Pati mata, ngumingiti.
Mas gwapo sya pag nakangiti.
Teka?! Ano?
Should I smile more often to be recognised by you?
Nakatingin na rin sya sakin. Kita ko sa mga mata nya ang sarili ko. Juskolord. Tulungan nyo ako.
------

YOU ARE READING
The Next Goddess Of The Mystic Land
FantasySa pagkarinig nya sa sikreto ng isang taong itinuring nyang kaibigan, magsisimulang gumulo ang tahimik at masaya nyang buhay. Mawawala ang kanyang mahal sa buhay at kasusuklaman sya ng mga tao dahil sa kasinungalingang sinabi ng ex-friends nya. Matu...