Dedicated to JFstories
Hi, Queen JF! Alam kong isa ako sa napakadami mong addicted fans. Kaya sana mapansin mo itong mga works ko for you. First time kong magsulat ng stories kaya hindi kasingganda ng works mo ang nagawa ko. I love you Queen JF!
-JamYna Vox
His Pain
Pain Castillo
Kasabay ng pagmulat ko ang pagpatak ng luha mula sa mata ko. Puting kisame ang bumungad sa paningin ko. Nasa ospital ako! Tandang tanda ko pa kung anong eksena ang nasaksihan ko bago lamunin ng kadiliman ang ulirat ko.
Masaya silang kumakain, maging ang kanyang mga mata ay nakangiti habang marahang hinahaplos ang pisngi ng babaeng minsan nang naging parte ng kanyang buhay.
I can see how happy he was with her. At ang kirot sa puso ko ang nagpapatunay kung gaano kasakit para sa akin ang tignan sila sa ganoong sitwasyon. Ngayon ay alam ko na ang dahilan ng panlalamig nya. Kasabay ng pagkirot ng puso ko ang panlalabo ng mata ko.
"I love you, at wala ng makakapagpabago ng nararamdaman ko sayo." Ang mga salitang pilit kong pinanghahawakan. Napangiti ako habang tuluyang mawala ang malay ko.
"You know how fragile you are. Your heart now is in a bad condition. Kailangan mo ng magpaopera sa lalong madaling panahon Ms. Castillo. Malala na ang lagay mo, at maaari mo itong ikamatay."
Tila nabingi ako sa narinig. Mamamatay ako? Hindi ko alam pero hindi ko maiwasang matawa. I dialed his phone number. I need to talk to him. He told me how much he loves me at panghahawakan ko yon.
"Pabebe, can we talk?" Narinig ko pa ang pagbuntong hininga nya bago sumagot.
"We're already talking, Pain. What is it?" He said coldly. Pero hindi iyan ang tatapos sa pag asa ko. I know we can still fix it.
"I mean, let's meet. I miss you, Pabebe. Don't you miss me?" May lungkot sa boses ko. Umaasang magbabago ang malamig na pakikitungo nya sa akin. Muli kong narinig ang malalim na buntong hininga nya.
"Fine, let's meet. 7pm sa Park ng Subdivision nyo." Mamasamasa ang matang tinignan ko ang cellphone. Pinatayan nya ko.
Nag ayos ako ng husto, pinaghahandaan ang muli naming pagkikita. Hindi ko alintana ang mga salitang binitiwan ng Doctor, maging ang malamig na pakikitungo nya ay hindi mapipigilan ang excitement na nararamdaman ko sa muli naming pagkikita.
6pm, isang oras bago ang napagusapang oras ay nagmadali akong pumunta sa parke. Hindi nawawala ang aking ngiti habang masayang nakaupo sa duyan.
Makikita ko sya! Magkikita kami! At alam kong sa oras na makita nya ko ay magbabalik ang malambing na side ni Kyo Montenegro. Hihihi
Hindi ko maiwasang mapangisi. Ngunit dumating ang alas siete ng gabi, wala pa rin ang hinihintay ko. Nagsisimula na rin ang unti unting pagpatak ng tubig galing sa langit. Shet , wag muna ngayon please, please, please.
Ngunit dumating ang alas otso ay wala pa rin sya. Hindi ko maiwasang kabahan. This is not him! Madalas ay on time sya, kaya nagtataka ako. Hindi kaya ay may nangyari ng masama sa kanya?! Nanlaki ang mata ko sa naisip.
Nakailang tawag na ko, pero ni isa ay walang sumagot. Kyo where are you?
10:30 pm, yet he's still not here. Nagsisimula na ring lumakas ang ulan. Pero nihindi ko magawang sumilong. Dahil baka hindi nya ko makita.
BINABASA MO ANG
His Pain #JFanfic
RomanceKyo Montenegro Disclaimer ❗❗❗ May eksena at karakter na kuha mula sa akda ni Jamille Fumah. Ito ay isang Fan-fiction lamang. Maraming Salamat sa suporta at pagbabasa ☺️