Chapter 5(Inlove)

95 0 0
                                    

OMG! Inlove na talaga ako.

Umaga. Hapon. Gabi. Halos araw-araw kaming nagchachat.

Ang sweet niya.

"[Hi Blessy Babe]"

"Hello Babe."

"[Kumain ka na Babe?]"

"Hindi pa babe."

"[Kain ka na babe. Eatwell. Lalabs you]"

Gosh. Ang sweet niya.

**Sa school..

Nakasalubong ko siya.

Ngumiti lang ako. Ganun din siya.

"Hoy. Blessssyyyy?"

Kumaway na lang ako.

Nakita ko sina Monique. Nandun na sila sa tambayan ako na lang yung hinihintay nila.

"Himala Blessy. Ang saya mo ata ngayon? Abot hanggang Ermita pa yang ngiti mo". sabi ni Alyssa

Sasabihin ko na kaya sa kanila? Na inlove ako?

"Ahh. Wala." sabi ko.

"Guys laro tayo ng Truth or Dare."  sabi ni Jhian.

"Oo. Sige ba."

Inilabas ni Lenneth yung bottle sa bag niya.

Si Alyssa yung nasa gitna. Siya yung taga spin.

Kay Cheaya, huminto yung bottle.

"Uhmmn.Cheaya, truth or dare?" sabi ni Alyssa

"Dare na lang."

"Sige. Eto. Gawin mong BIO si Kenneth. For 1 week."

"What?? Kenneth. Ewww.Iba na lang."

"Oppps.Walang bawian. Yun na yun. Gawin mo na lang. Pag hindi mo gagawin ililibre mo kami. Burger at Shake."

"Haiisst. Oo na."

**Second round na sana pero nagbell na kaya pumunta na kami sa mga room namin.

Katabi ko nga pala si Jhian.

"Jhian? " sabi ko.

"Yes Blessy? What can i do for you?"

"Sa atin lang to ha? May sasabihin ako."

"Oo. Ano yun?"

"Inlove ako."

"Hah? Kanino? Kay Jomar ba? Hahaha"

"Ulol. Hindi. Si ano."

"Sino? "

"Si Thirdy."

"Hah? Kailan pa?"

"Basta. Haha. Ewan ko na. Ang sweet sweet niya sa kin. Babe pa nga tawagan namin eh."

"Ganun ba. Good luck na lang."

"Oo. Huwag mong sasabihin kahit kanino. Alam mo naman na malaki ang tiwala ko sayo."

**Dumating na yung teacher namin sa Araling Panlipunan**

Hindi ako nakikinig dahil si THIRDY ang iniisip ko.Lumulutang na ang isip ko.Nagdayday dreaming na ako.

Nang biglang..

"Miss Blessy?"  sigaw ng teacher namin.

Nagulat ako. "Ah yes sir? "

"Hindi ka nakikinig sa lesson natin. Iba ata iniisip mo?"

"Nakikinig po ako sir. "

"Kung nakikinig ka.Ibigay ang Meaning ng Acronyms na ito:ASEAN, APEC, WTO ."

"Ay patay. Sir ang Meaning po ng ASEAN ay Association of Southeast Asian Nations. Ang APEC po ay Asia Pacific Economic Corporation. At ang WTO po ay World Trade Organization."

"Very good Blessy."

***Hahaha. Buti na lang magaling ako sa Araling Panlipunan.

Hindi na naman ako nakikinig dahil si THIRDY lang nasa isip ko. Thirdy. Thirdy. Thirdy

Si Thirdy lang ang nagpapatibok sa puso ko.

RWL:Relasyong Walang LabelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon