Chapter 1

11 0 0
                                    

" Itanong mo sa akin kung sino aking mahal?, maniwala ka sana sagot ko di magtatagal, ikaw lang ang aking mahal, ang pag-ibig mo aking kailangan, pag-ibig na walang hangganan ang aking tunay na nararamdaman" Eksaheradong kanta ni Raijin ang nagpagising kay Odri nang umagang yun nang lunes.
Pag minamalas ka naman o, ke aga-aga may mambubwiset sa tulog mo, buti sana kung maganda ang boses ng kumanta, kaso daig pa nito ang umaatungal na baka sa pangit ng boses nito. At alam naman nya na kahit ilang beses na nyang nilait ng katakot takot ang boses na yun. Alam nyang di pa rin ito nawawalan ng pag-asa sa pagkanta.
Kaya wala syang choice kundi bumangon na kanyang kama at kumuha ng kutsilyo para patayin ang may-ari ng boses na yun. Kung pwede nga lang pumatay ng kaibigan.

Bumaba na sya para sermonan ang kapitbahay nyang ubod ng bait at gwapo pero saksakan naman ng kawalanghiyaan.

Kaya imbes na maghilamos inuna nya munang paulanan ng mura si Raijin na prenteng nakaupo sa harap ng bakuran nito at naninigarilyo. Magkatabi lang ang kanilang bahay at matalik nya itong kaibigan, at the same time worst enemy.

At nang makarating sya sa harap nito, ang hudyo di man sya tinapunan ng tingin, abala ito sa paglalaro sa cellphone nito.

"HOY! KURIMAW! ke aga-aga ang ingay ng bunganga mo, alam mong may natutulog pa, wala ka talaga ugali. Pasaway ka!" Duro nya dito. Pag ganito pa namang lunes na lunes ayaw nyang binubwiset sya.

"Ano naman bang problema mo? Aga-aga maoy ka"

"Anong maoy, di naman ako lasing ah! Saka pwede ba kung kakanta ka doon ka sa bundok at least ikaw lang makakarinig sa Golden Voice mo" Inis na sabi nya rito. Ayaw na ayaw pa naman nyang sinasabihan maoy, Di naman sya ganun ka ingay at isa pa di naman sya lasing.

" Edi takpan mo tenga mo, dami mong arte eh pangit din naman ang boses mo" sabi nito , tumayo ito at basta na lang syang binugahan ng usok na galing sa sigarilyo nito sa kanyang mukha.

" Ano ba yan, napaka mo talaga" Uubo ubong sabi nya, lahat ng usok nasinghot nya.

"Maghilamos ka nga bago mo ko sermunan, Good mood pa naman ako ngayon tapos sinesermonan mo na agad ako, Odri maaga pa para sa sintemyento mo" Saad nito sabay talikod sa kanya. Mabibigyan nya talaga ito ng award for Good manners and Right conduct. Ang bait bait kasi talaga ni Raijin. SOBRA.

"Oo na ako na masama ugali, ako na maarte, ako na lang lagi eh" nagtatampong sabi nya.

Nilingon sya nito. Natigilan sya bigla. Bakit ba may lalakeng mahaba ang pilik mata? Di maitatanging gwapo ang hudyo na ito. Biniyayaan ng mala Anghel na mukha itong si Raijin. Matangos na ilong, magandang mga mata, at pinakapaborito nya, ang labi nito parang ang sarap sarap halikan. Minsan naiingit sya sa mga babaeng dumaan na sa buhay nito. Ano kaya ang pakiramdam na mahalikan ng isang Raijin Maximiano. Almost perfect na talaga para sa kanya ang kumag. No comment na lang talaga sa ugali. Although may mabait naman itong side, bihira nga lang nya maicounter at minsan naiisip nya kung pano nya ito naging kaibigan. Marami silang pinagkaiba nito noon. Lalong lalo na sa ugali pero kalaunan nakasundo nya ito. Hindi kasi ito plastik gaya ng iba, kahit suplado sa umpisa.
Mahiyain sya noon, ngayon parang pareho na sila nitong walanghiya!
Pareho sila ng hilig ng musika. Pareho silang mahilig kumain ng Pancit Canton. Parehong mabilis uminit ang ulo nilang dalawa. Masyado lang malayo ang agwat ng edad nila, 23 na sya at ito naman ay 32. Pero di naman yun naging problema. Hanggang ngayon ba naman kasi eh isip bata pa rin itong si Raijin. Mahilig pa rin manood ng Anime. Oh diba hanep.

" Dalawang taon mo pa lang akong kilala hindi ba?". Bigla sabi nya dito. Gusto nya lang ito asarin makaganti man lang.

" Anong dalawang taon? Niloloko mo ba ako? Sampung taon na tayong magkakilala, sawang- sawa na nga ako sa mukha mo eh". Pangaasar nito sa kanya. Kasalukuyan nitong dinidilig ang mga halaman ng nanay nito sa bakuran.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 01, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Too Good To Say Goodbye Where stories live. Discover now