Third person POV.
Pinaupo ni jes si cassandra sa couch nagulat naman si cassandra sa sinabi ni jes
Umupo naman agad ito, tumayo si jes at may kinuhang emergency kit
Sa isip ni jey sobrang alalang alala sya sa nangyari kay cassandra gusto niya itong tulungan kanina kaso dahil sa kilala syang lalake na suplado at sikat
Hindi niya ito malapitan lalo na nandun sa tabi ni cassandra si zey
Nagulat si cassandra ng biglang hinawakan ni jes ang binti nito, pakiramdam ni cassandra na napakaswerte niya dahil concern pala si jes sa kanya
Nilagyan ni jes ang binti ni cassandra ng benda
"Wag mong tatanggalin yan" seryosong sabi ni jes sa kanya
Gustong gustong sumigaw ni cassandra sa kilig na nadadama niya
Tumango lang si cassandra, tumayo na si jes at niligpit ang kalat
Bigla naman niyang hinawakan ang bewang ni cassandra para alalayang makapunta sa kwarto niya
Pakiramdam ni cassandra itong nangyari sa kanya ay hindi niya pinag sisisihan dahil kahit napilayan sya ang kapalit naman ito ay ang pag alaga sa kanya ni jes
Naihatid na ni jes si cassandra sa kwarto nito, bago pa man umalis si jes bigla itong nagsalita
"Nxt time kung uuwi kana paki inform naman ako, hinintay kita ng 4 hours sa parking lot"
Nagulat naman ang dalaga sa sinabi ni jes hindi niya ineexpect na sobra pala ang tagal ng hinintay nito
"S-sorry hayaan mo sa susunod---
"Wala ng susunod" sabi nito at lumisan na sa kwarto ni cassandra
Biglang tumulo ang luha niya, nag sisisi sya sa ginawa niya
Nakalimutan lamang niya ang usapan nilang dalawa nun dala na din sa pagkapilay ng binti niya kaya umuwi sila agad ni zey
Sa isip isip niya kung concern sa kanya si jes bakit hindi ito pinuntahan sa clinic para alalayan at kamustahin
Naalala niya na hindi nga pala alam ng lahat ng students sa campus nila na asawa niya si jes
Isa lamang syang hamak na studyante pag nasa campus sila..
Hindi niya maramdaman kay jes na asawa ang turing nito sa kanya sa campus kahit na nasa bahay
CASSANDRA'S POV.
Nagising ako sa sikat ng araw, panibagong araw na darating
Naalala ko ang nangyari kagabi pakiramdam ko pinag bagsakan ako ng langit at lupa
Nag sisisi ako sa nangyari...
Bumaba nako para kumain, nakita ko si manang na naglilinis
Nasan kaya si jes?
Tulog pa kaya sya?
"Manang nasan si jes?"
"Umalis po ma'am"
Tuwing weekends lagi nalang sya umaalis akala ko nandito sya
Akala ko kahit galit sya sakin hindi niya ko matitiis na hindi alagaan
Pero hindi pala...
Tiningnan ko ang nakabenda kong binti tuwing inaalala ko ang ginawa niya sakin kagabi sobra akong natutuwa dahil may concern pala sya sakin
Kaso nung nagsalita sya about sa hindi na daw mauulit ang paghintay niya sakin
Gusto kong umiyak gusto kong mag wala ang saket saket...
*message...message*
From:handsome zey
Hi beautiful princess be ready ok? Susunduin kita dyan para hindi kana mahirapan baka sabihin mong makapal mukha ko dahil ako na nga ang nag aya tapos pahihirapan pa kita haha eat ur breakfast...
Natuwa ako sa txt ni zey napaka caring niya talaga kahit minsan hindi sya nag bago sa pakikitungo sakin
Si sam naman nagtxt sakin kahapon para kamustahin ako napaka drama pa ng txt niya hahaha
Kumain nako at nagbihis..
Habang nag aayos ako narinig ko ang sasakyan ni jes
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko
Nag suot ako ng dress na black at pinartneran ng stilleto
Bumaba ako at nakita ko si jes na nakaupo ang lalim ata ng iniisip niya
Madalas ko na syang makita na laging malalim ang iniisip
Napatingin naman sya sakin
"Where are you going?" Tanong niya
"Uhmm inaya kasi ako ni zey lumabas "
"No... Stay here" sabi niya
"But why?"
Nagulat ako ng bigla syang.......
------------------------------
Ok pabitin muna saglit
MY nagbabasa ba? Comments ang vote... Anong masasabi niyo sa chapter na to?Nagugustuhan na kaya ni jes si cassandra?
Mamaya nako mag uupdate sana merong nagbabasa thankyouu
BINABASA MO ANG
Campus Hearthrob Is MY HUSBAND
Romantizmtype of being obsessed *lahat gagawin mo na para lang mapansin ka *magpaganda baka sakaling magustuhan ka *sundan mo kung saan saan *titigan sya ng husto at magpabebe sa harapan niya *pagselossin sya kahit naman walang dahilan para mag seloss sya ka...