Ako nga pala si Red. Nagsimbang-gabi ako. Andaming tao sa simbahan. Sa karami-raming tao ay napunta ang tingin ko sa isang magandang dilag. Siya’y miyembro ng choir dun sa simbahan. Halos sa kanya lang nakatuon ang aking mga mata.
Natapos ang misa. Hinintay kong mawala ang mga tao sa simbahan. Bigla ko siyang nakita at nahulog niya yung panyo nya. Pinulot ko ito sabay hinabol siya’t tinanong, “Uhm, miss. Sayo ba tong panyo na toh? Nahulog mo ata eh.” Ngumiti siya’t nagpasalamat. Nagpakilala kami sa isa’t isa. “Salamat nga pala ha? Naku, importante pa naman sakin tung panyong ito. Ako nga pala si Annabeth”, pagpapakilala niya. “Ako naman si Red”, sabi ko.
“Annabeth, ang ganda naman ng pangalan niya, kasing-ganda niya”, bulong sa isip ko.
Mula noon, parati na akong nagsisimbang-gabi para lamang makita siya. Minsa’y nagkwentuhan kami at hiningi ko ang kanyang numero. Pagkalipas ng ilang araw, parati na kaming lumalabas at nagiging close na rin sa isa’t isa.
Isang gabi, sinabi ko sa kanya na magkita kami. Naroon siya. Ipinagtapat ko sa kanya ang aking saloobin. Ito ang sinabi ko, “Annabeth, mahal kita simula pa nung una. Nabighani ako sayo. Di ko alam pano pero pwede ba akong manligaw sayo? Mahal na mahal kita.” Natigilan siya. Tila sadyang mapait ang tadhana..
Tumakbo siya’t iniwan ako. Hindi ko alam kung bakit. BAKIT KAYA? May masama ba sa sinabi ko? Umuwi akong luhaan.
Ako si Annabeth. May gusto ako kay Red. Nakilala ko siya sa simbahan. Nahulog ko kasi yung panyo ko at siya yung nagbalik sakin nito. Mahalagang-mahalaga sakin ang panyo. Bigay kasi ito ng dating nobyo ko.
Niligawan ako ni Red pero hindi ko siya sinagot. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ex ko. Halos magda-dalawang taon nang pumanaw siya. Namatay siya dahil sa isang car accident. Mula nung nawala siya, ayoko nang umibig pang muli. Pero ewan ko ba, ano tong nararamdaman ko? Inlove na talaga ata ako kay Red. Pero, hindi ko alam ang gagawin ko.
Muli kaming nagkita ni Red. Ngumiti ako sa kanya. Hindi man lang niya ako pinansin. Tinext ko siya, sabi ko “Magkita tayo. Gusto kitang makausap.” Yun nga, nagkita kami sa tapat ng simbahan, dun kung san kami unang nagkita. Sinabi ko sa kanya ang lahat-lahat tungkol sa ex ko. Handa naman akong magmove on eh.
Disyembre 18, niligawan niya ako ulit. Nangako siyang hindi niya ako iiwan. Nangako siyang tutulungan niya akong makalimutan ang nakaraan ko. Nangako siyang aalagaan, hindi pabababayaan, at mamahalin ako habambuhay. Pasko na nang sinagot ko siya. Nang dahil sa kanya, umikot ulit ang mundo ko.. Nang dahil sa kanya, tumibok ulit ang puso ko.. Nang dahil sa kanya, natuto akong magmahal muli.
BINABASA MO ANG
DAHIL SAYO, NATUTO AKONG MAGMAHAL MULI (One Shot)
RomanceMatututunan kaya ni Annabeth mahalin si Red sa kabila ng paninimdim sa nakaraang pag-ibig?