Nakakunot-noo na inikot ni Jadiel ang paningin sa kanilang lahat bago nagsalita.
"Anong meron?" nagtatakang tanong nito.
Papano kasi, mga mukha silang nakakita ng multo.
"It's complicated." pailing-iling na sabi ni Aisa na lalong ikinataka ng binata.
Kinurot ni Sahania ang tagiliran nito at namilipit ito sa sakit.
"Anong sabi?" tanong ni Daniel kay Jadiel.
"It's about a Computer Programming Competition Abroad." balewalang sagot ni Jadiel.
"Gwapo na, matalino pa.. Package Deal!" malakas na sabi ulit ni Aisa at tinginan lahat dito.
Parang gustong mapakamot ng ulo ni Sahania.
Kung legal lang sana ang pumatay ay kanina niya pa pinagsasakal ang kaibigan at itorture ng paulit-ulit para madala.
Pasalamat nalang si Sahania at may ibang lakad ang mga lalaki niyang kaklase ng araw na iyon kundi ay doble ang kahihiyang aabutin niya.
"Hi Jadiel! Mga classmates mo kami dati! Sa History?!" labas ngipin ang ngiti ni Aisa na nakatanghod sa mga matatangkad na binata sa harapan niya.
Ngumiti naman si Jadiel dito.
"I know." sabi nito at tinapik sa balikat si Daniel hudyat ng nagsasabi na pupunta na sila.
"See you later!" kaway muli ni Daniel sa kanya at sinamahan pa ulit ng kindat.
Ngumiwi si Sahania na akala mo nandiri dito ngunit napalitan ng ngiti ng makitang nginitian siya ni Jadiel.
Sabay-sabay na tumingin sa kanya ang mga kaibigan pagkaalis ng dalawa at akala mo mga linta na pumalibot at dumikit sa kanya para usisahin siya.
"Sino yung Daniel na yun ha?!" nakapameywang na tanong ni Marykay sa kanya na halos matalsikan na ng laway niya ang mukha ni Sahania dahil sa sobrang lapit nito sa mukha niya.
"Pano kayo nagkakilala?" tanong naman ni Shimie.
"At bakit niya kilala si Jadiel?! pagdurugtong namang tanong ni Mae-ann.
"Higit sa lahat, bakit niya sinabing 'boyfriend to be' mo siya?" tanong naman ni Roseanne at ikinuros ang mga braso na akala mo nag-iimbestiga.
"Oo nga!!" singit naman ni Aisa na walang maitanong.
Itinaas ni Sahania ang kamay na akala mo sumuko sa pulis para lumayo sila sa kanya.
"Teka nga!! Isa-isa lang ng tanong mahina ang kalaban." sabi niya sa mga ito.
"Kung maka-oo nga ka jan Aisa di mo mapigil yang bibig mo, kung ipa-salvage kaya kita?!" naghahamon na sabi niya dito.
Dinilaan siya nito.
"Sige na, ikwento mo sa amin mamaya. Imi-meet daw tayo ni Kristin ngayon kasi umakyat sila ng Baguio ng mama niya para magbakasyon at gusto tayong makita. Dun mo na ikwento lahat." sabi sa kanya ni Roseanne.
Lumabas sila ng unibersidad at nagtungo sa pinakamalapit na fastfood restaurant.
Pagkatapos dumating ng order nila ay nagsimulang magkwento si Sahania.
"High School batchmate ko yang si Daniel. Siya yung first love ko na iniyakan ko ng bongga nung akala ko liligawan ako pero nag-girlfriend ng iba. Kailan ko lang nalaman na nagsinungaling ang bestfriend ko, este si Diane na nagsabi na pinaglalaruan niya lang ako at setup lang yung girlfriend niya dati para pagselosin ako. At bakit niya kilala si Jadiel? Magpinsan sila." mabilis at mahaba niyang salaysay habang nagsusubo ng fries na akala mo wala lang sa kanya ang kinukwento.
"Magpinsan sila ni Jadiel? Patay." nanghihinayang na sabi ni Shimie.
"Bruha talaga yang Diane na yan. So anong plano mo?" tanong naman ni Marykay.
"Wala. Hindi ko alam. Nasaktan nako ng sobra noon kaya nga dating galit ako sa lalaki. At nakilala ko nga si Jadiel. Hindi ko naman alam na magpinsan sila. Haays. Para akong pinaglalaruan ng tadhana." malungkot na sabi ni Sahania at saka bumuntong-hininga.
"Kung ano mang desisyon mo tol, susuportahan ka namin." sabi sa kanya ni Roseanne sabay tapik sa balikat niya.
"Tama. Tutal gwapo naman sila pareho." biglang sabi ni Mae-ann at saka sila nagtawanan.
Biglang nagsalita ang kanina pang naguguluhan na si Aisa.
"So teka.. Diko gets.. Ibig sabihin ba nun boyfriend mo na yung Daniel..?" inosenteng tanong nito.
Natigilan ang lahat at tumingin sa kanya.
Nagkibit-balikat lang ito.
Naiiling nalang silang lahat na sabay-sabay na hinigop ang inumin at inilayo ang mga tingin.
"Oh ano na? Di ko nga kasi gets!" pamimilit nito ngunit walang sumagot dito.
"Mga tol!!" umaalingawngaw na sigaw ni Kristin pagpasok sa loob at halos mahiya sila dahil nagtinginan lahat dito ang mga tao.
"Naku po, heto na..Magpanggap kayong di niyo kilala yan.." sabi ni Shimie na nagtakip ng mukha.
"Hoy!! Mga snob naman mga toh!!" sigaw muli ni Kristin pagkalapit sa table nila.
"Hinaan mo nga yang boses mo tol nakakahiya.." parang bumubulong na sabi ni Roseanne.
"Wala akong paki.. Na-miss ko kayo mga bakla!!" malakas paring sabi nito at ibinuka ang mga braso para yakapin sila isa-isa na nagsitayuan upang gantihan din ito ng yakap.
Pagdating kay Sahania ay natigilan ito.
"Uhm. Sino ka..?" nagtatakang tanong nito.
Nagtawanan silang lahat.
Nanlaki ang mga mata nito.
"Oh my golly!! Sahania??!!" hindi makapaniwalang sigaw nito at saka siya niyakap ng mahigpit.
"Sige pa, isigaw mo pa yung pangalan ko. Baliw." natatawang sabi ni Sahania dito.
"Ang ganda ganda mo na!! Bat ganun?! Pumuti ka lang at nag-ayos ng style eh diyosa ka na?! Unfair!!" parang nagtatampong bata na sabi nito.
Tumawa si Sahania at itinuro ang upuan.
"Maupo ka na nga. Madami tayong pagkukwentuhan." sabi niya dito.
"Chismis ba toh? Bet ko yan!" agad na sabi nito at saka umupo.
Napuno ng halakhak at kwentuhan ang buong lugar dahil sa kanila.
BINABASA MO ANG
The Non-Existent Me (COMPLETED)
RomanceSabi ng iba, sa ugali ka daw tumingin hindi sa itsura. Bonus na daw kung may nagmahal sayo na mabait na, gwapo pa. Ngunit para sa probinsiyanang kagaya ni Sahania ay panaginip lang na may lalaking gwapo na at mabait pa. Kung gwapo man, manloloko n...