IKADALAWAMPU'T WALONG KAPITULO

96 9 6
                                    

IKADALAWAMPU'T WALONG KAPITULO

"Saan tayo pupunta? Jona?" tanong ni Renalyn habang hila-hila siya ng kaibigan niyang si Jona. Nakasunod sa kanilang dalawa sina Erica Cynnara, Chilles, Alliah June at Alliyah Gaille.

Mabilis silang naglalakad palabas ng mansion. Hindi sila napansin ng iba nilang kaklase na lumalabas dahil busy ang mga ito sa pagtuklas sa kung sino ang killer. Madilim na sa labas nang napagpasyahan ni Jona na tumakas sa mansion na ito.

"Aalis na tayo dito! Ayokong mamatay!" histerikal na sagot ng kaibigan.

"P-pero nasa gitna ng kagubatan ang mansion na 'to! Wala masyadong nadaan ditong mga sasakyan. Saan tayo-" sabi naman ni Alliyah Gaille na pinutol ni Jona.

"Hindi! Sigurado akong mayroong dadaan kahit isa man lang-"

"Tabi!"

Tinulak ni Alliah June si Jona palayo nang makitang may papalipad na kutsilyo dito. Nadapa si Jona at nagalusan pero si Alliah June ay napuruhan. Sa dibdib nito sumaksak ang patalim.

"AHHHHH! ALLIAH JUNE!"

"NANDITO ANG KILLER!"

"T-tumakbo na kayo..." mahinang utos ni Alliah June habang iniinda ang sakit na naramdaman. Napahiga ito sa kalsada. At unti-unti nang nawawalan ng malay.

"H-hindi! Hindi pwede, Alliah June!" Umiiyak na wika ni Jona. "Kasalanan ko 'to..."

"N-nasaan na 'yong killer?" nanginginig na tanong ni Erica Cynnara habang lumilinga-linga sa paligid. Palapit na sana siya sa kinaroroonan nina Jona nang biglang may tumama din na patalim sa likod nito.

"CYNNARA!" iyak nila.

"K-kaloka naman. A-akala ko madadaplisan lang a-ako. M-magaling pala tumira ang killer..." saad ni Erica Cynnara habang unti-unting pumipikit.

"'Wag!" iyak ni Chilles. Tumakbo siya sa kinaroroonan ng katawan ni Erica Cynnara. "Tama na..."

Napatingin si Chilles sa direksyon kung saan nagmula ang mga lumilipad na patalim.

"Kung sino ka man, tama na please..." pagmamakaawa ng dalaga.

"Chilles..." sambit ni Alliyah Gaille habang umiiyak.

Nanlaki ang mga mata nila nang lumabas mula sa kadiliman ng paligid ang killer. May dala itong flashlight at nakatutok ito sa kanila.

"Any last words?" tanong ng pamilyar na boses na ikinagulat nila. Sa sobrang pamilyar nito ay alam na nila kung sino ang killer na nasa harapan nila.

"Please, maawa ka! 'Wag mo kaming patayin!" pagmamakaawa ni Chilles.

"G-gagawin namin lahat, 'wag mo lang kaming patayin..." dagdag ni Jona.

"Bakit mo 'to ginagawa?!" galit na sigaw ni Alliyah Gaille habang umiiyak. "Anong ginawa namin sa'yo ha?! Tingin mo ba mabuti 'tong ginagawa mo?! Wala kang karapatang-"

"ALLIYAH GAILLE!" sigaw nila Jona at Chilles nang maglabas ng baril ang killer at pinaputukan si Alliyah Gaille sa ulo.

"Sorry. Ang ingay niya eh." kibit-balikat ng killer. "Ngayon... sino sa inyo ang uunahin ko?"

***

Mabilis na nagsitakbuhan ang Perlas sa pinakamalapit na banyo kung saan daw nawalan ng buhay ang isa na namang kaklase nila at ang pinaghihinalaan nilang killer.

"Christian John..." naiiyak na sambit ni Lyka nang makita ang walang malay at naliligo sa dugo na katawan ni Christian John Delapa.

"P-paano nangyari 'to?" naguguluhang tanong ni Quincy. Dinamayan niya si Lyka sa pag-iyak dahil sa nawalang kaibigan.

"'Wag muna kayong papasok." saad ni Christian Oliver at binuksan ng kaonti ang pinto para makapasok.

Lumapit si Christian Oliver at sinuri ang bangkay. Sa loob ng CR ay nakahiga ang bangkay ni Christian John sa bathtub na walang tubig o kahit ano na nagtatakip sa hubad nitong katawan.

Makikita sa mga pasa at sugat sa katawan nito ang karahasan na dinanas nito. Napapikit si Christian Oliver sa nakita. Tila nandidiri sa mga tinamo ng kaklase.

Minulat niya ang mga mata niya at lumapit pa lalo sa bangkay, naghahanap ng maaaring makapagturo sa kung sino ang tunay na killer. Sigurado siyang hindi hahayaan ni Christian John na mamatay siya nang hindi itinuturo ang may sala.

Pumasok sa loob ng banyo sina Stan at Mark Jayson.

"Ano, p're, may nakita ka na bang clue?" tanong ni Mark Jayson.

"Teka." sagot ni Christian Oliver nang makita niyang nakakuyom ang kanang kamao ni Christian John.

"Oh, 'wag mong sabihing hahawakan mo 'yan? Baka mapagbintangan ka pa kung sakaling dumating man ang mga pulis dito." wika ni Stan nang makita ang tinitignan ni Christian Oliver.

"Syempre hindi ko hahawakan 'to nang walang gloves." Kumuha si Christian Oliver ng plastic gloves sa lababo ng banyo.

Sinuot niya ito at hinawakan ang malamig na kamay ni Christian John. Ibinuka niya ito at nakita niya na sa kamay nito ay may nakasulat - gamit ang kutsilyo o kahit anong matulis na bagay na maaaring ginamit ni Christian John bilang panulat. Ang nakasulat sa palad nito ay ang mga letrang CJD.

"Mukhang ibang CJD ang tinuturo ng mga namatay." bulalas ni Mark Jayson.

Nagdilim ang paningin ni Christian Oliver nang mapagtanto na niya kung sino ang pumapatay.

"Kilala ko na kung sino ang mga killer." sabi nito.

"Mga? Ibig sabihin, hindi lang isa ang pumapatay?" tanong ni Stan.

"Oo. Tatlo sila. At sila ang mga nawawala nating mga kaklase."

+++

Nalalapit na tayo sa wakas! Yay! :> Hopefully, tuloy-tuloy na ang update! Kasi matatapos na eh. Haha! Salamat naman sa Dios! Hihi.

MANSION 49 (2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon