IKADALAWAMPU'T SIYAM NA KAPITULO
"'Wag mo kaming patayin! Utang na loob!" pagmamakaawa ni Joanna.
"Please, maawa ka..." umiiyak na sambit nila Andrea.
Ang iba sa mga babae ay tahimik lang na umiiyak o kaya tulala lang. Ang mga lalaki naman ay mga wala pang malay.
Lahat sila ay nakagapos ang mga kamay at paa. Sama-sama silang nasa iisang sulok ng isang madilim at madumi na silid.
"Pag-iisipan pa namin kung anong gagawin namin sa inyo. Hehe." sabi ng boses ni Caudal o mas kilala bilang si Angelo.
"Gusto namin maging masaya ang pagpapahirap namin sa inyo! Exciting, 'di ba?" boses naman ni Julius ang kanilang narinig.
"Kailangan engrande ang pagkamatay niyo. Para hindi malilimutan." wika ng boses ni Diomel.
Hindi nasisikatan ng araw ang mga killer kaya hindi makita ng iba ang ekspresyon ng mga ito habang nagsasalita sila. Sa loob ng kulong na kwartong ito, ang sinag ng araw ay nakatapat sa mga kawawang estudyanteng papatayin ng kapwa nila kaklase.
"Sige, maiwan muna namin kayo at nang makapaghanda na kami. Magpaalam na kayo sa isa't isa, ha?"
Nagtatawanan ang tatlo nang iwan ang kanilang mga bilanggo sa silid.
"A-ayokong mamatay..." umiiyak na sambit ni Andrea. Naiyak na lang din ang iba sa kawalan ng pag-asang makakatakas pa sila.
"S-siguro naman may paraan pa para matakasan 'to..." wika ni Cricel at sinubukang pakawalan ang sarili. Pero dahil sa mahigpit na pagkakatali sa kanilang mga kamay at paa, wala rin siyang nagawa.
"Gisingin natin ang boys... b-baka may maisip sila." suhestiyon ni Chanel. "Lira, Francenne, kayo ang malapit sa kanila, subukan niyo silang gisingin."
Sinubukang batukan ni Lira si Mark Jayson na katabi niya kahit pa nakatali ang dalawang kamay nito. "Uy, gumising na kayo!" sigaw nito.
"CABULAO!" sigaw ni Francenne sa tainga ni James Paul.
Nagising naman nila ang dalawa. Pati ang ibang mga katabi nito ay nagising din.
"Guys, kailangan na nating makaalis dito. Papatayin nila tayo..." naiiyak na sabi ni Chyarrel. Sumang-ayon naman ang iba sa kanya.
Dahil gising na ang ibang boys, siniko at ginising din nila ang mga katabi nilang lalaki na tulog pa. Huling nagising si Mark Joshua na nagsabi, "A-anong nangyari...?"
"Paano tayo makakatakas kung pare-pareho tayong nakagapos dito?" nawawalan ng pag-asa na tanong ni France. Sa kanyang tabi, nakayuko lang sina Hope, Renz, at Joshua James. Si JM naman ay nakatingin lang kay Xian na tahimik lang.
"Teka, asan sila Alliah June?" nagtatakang tanong ni Joanna habang lumilinga-linga sa paligid. Ang iba rin ay napatingin sa kani-kanilang mga katabi.
"Oo nga! Pati sina Chilles, nawawala!" (Pauline)
"Hindi kaya..." (Ronalyn)
"Ano 'yon, Madz?" (Marielle)
"Hindi kaya napatay na din sila ng killer?" takot na tanong ni Ronalyn na nagpatahimik sa kanilang lahat.
"Hindi imposible..." pagbasag ni Kevin ng katahimikan. Napatingin ang iba sa kanya.
"Oo nga, kanina ko pa napapansin na wala sila noong nireresolba natin kung sino ang killer. Akala ko lang ay nagCR sila sandali pero..." sabi ni Fren. "...hanggang sa mahuli tayo ng mga killer, wala pa din sila."
"Nabawasan na naman tayo..." bulong ni Stan na narinig naman ng lahat.
Natahimik sila at hindi na mapigilang mapaiyak ng mahina ang iba. Tila nawawalan na sila ng pag-asa na malalagpasan pa nila ito. Lalo na't mismong mga kaklase pa nila ang papatay sa kanila.
They feel betrayed, hurt, and hopeless. Iniisip nila kung ano bang masama ang nagawa nila sa mga kaklase nilang iyon at naging dahilan pa para magtanim ng galit at magplano na patayin silang lahat. Gaano kasama ba ang ginawa nila sa mga 'yon na kailangan pa umabot sa punto na papatay sila?
Ang masayang trip dapat nila ay nauwi sa patayan.
"Alam ko na kung paano tayo makakatakas." sabi ni Lyndon.
Gulat silang napatingin sa kanilang kaklase na bihira lang magsalita at sa hindi inaasahang pagkakataon pa.
"Paano?" tanong nila. Pati ang nananahimik at umiiyak na mga kaklase nila ay napatingin sa kanya.
"Para makatakas tayo, kailangan din nating pumatay."
"A-ANO?!"
+++
Ilang kabanata na lang. :) Salamat sa patuloy na pagbabasa at pagsuporta!
BINABASA MO ANG
MANSION 49 (2016)
Mystery / ThrillerUNDER MAJOR REVISION Normal na mga estudyante lamang sila mula sa section ng Perlas na nagbalak na magsama-sama upang magsaya. Ngunit sa kalaunan ng kanilang pananatili sa isang mansyon sa kakahuyan ay unti-unti ang pagsaksi nila sa mga 'di pangkara...