MAHIWAGA

17 0 0
                                    



  Ano nga ba ang kahulugan ng salitang mahiwaga kung iyong maririnig? Masyadong malawak na maaari nating gamitin sa iba't-ibang aspekto ng buhay ng tao sa mundo. Maari din naman nating I konek ang salitang ito sa mga nawala na sa mahal natin sa buhay. Kung saan at ano ang pinagmulan ng mga ito wala sino man sa atin ang eksaktong makakasagot ngunit tayong mga nasa paligid ay may kanya-kanyang interpretasyon at ideya.

Sabi nga ng isang awitin, "Mahiwaga ang buhay ng tao, ang bukas ay di natin piho". Mula sa mga katagang ito masasabi natin na napakamisteryoso ng ating mga buhay at walang nakakabatid o nakaka-alam kung ano ang maaring maging bukas o mangyari sa atin.

Tayong mga nilalang sabi nga ay nabuhay ng dahil sa pagmamahal at pag-ibig ng ating mga magulang. Nagmula din tayo sa tinatawag na biyaya ng Panginoon kung kaya't narito tayo sa mundo na ating kinagagalawan.

Ngunit naisip at napagtanto mo ba kung paano nangyari? Naisip mo ba rin ng mula sa sinapupunan ng ating mga magulang ay nagkaroon ba ang sino man sa atin na mamili kung sino at kanino tayong mga magulang lalabas at magiging ka miyembro ng ating pamilya. Napagtanto mo ba rin o napili kung sa mayaman na angkan o mahirap na angkan tayo mapupunta? Sa mapagmahal at mapag-arugang mga magulang ba kung maari? Sino man sa atin ay ayaw ng buhay na hikahos o buhay na pabayang mga magulang, ngunit bakit ganoon nga ba, di man natin naisin doon tayo dinala ng ating kapalaran. Na siya nating masasabi na simula at sapul ng ating buhay ay mahiwaga na.

Sa ating mga paglaki at tatahaking buhay ano at sino tayo. Me nakaka-alam ba o nakakakita ng mga posibleng mangyari sa ating magiging buhay? Ang tanging nauunawaan ko sa ganang akin ay bilang anak ng aking mga magulang ay obligasyon at katungkulan ko ang sundin sila at tuparin ang nais nilang mangyari sa aking hinaharap. Ito ay hindi mahiwaga pero kanilang nakikinita na kahit sinong mga magulang ang pag-aaral ang susi sa tagumpay ng bawat darating na henerasyon tulad ko. Ang mga napapanood ko sa sine o telebisyon karaniwang hindi nagtatagumpay ang mga anak na naging sutil o hindi sumunod sa mga magulang. Mga anak na tumaliwas sa swerte na hindi lahat ay binigyan ng pagkakataon. Sa aking palagay hindi na ito sakop ng salitang mahiwaga kung magkaganoon. Ito ang kapalarang nais maaring patunguhan ng isang indibdwal.

Sa aking pagmumuni-,muni ng salitang mahiwaga, isa sa aking naiisip ay ang mga mahal sa buhay natin na paano na sila matapos ang kamatayan. Ano ang nangyayari sa kanila? Saan sila nagtutungo matapos iwan nila ang kanilang mga katawang lupa? Sila ba ay naghahanapbuhay pa rin para sa pang-araw-araw tulad ng ginagawa natin dito sa ating mundo? Mayroon pa rin bang mahirap o mayaman sa kanilang estado? Sila ba ay nagugutom at nauuhaw pa rin tulad ng dati? May mga oras pa rin ba ang kanilang pagtulog tulad natin? Maraming katanungan ngunit ang mga kasagutan ay wala ni isa man ang makakapagsabi. Sa kadahilanan na wala ni isa man sa mga yumao ang bumalik at nagkwento ng buhay sa kanilang pinaroonan.

Sa susunod na inyong mababasa ay kwento ng isang Kahiwagaan na kung paano nangyari at bakit nagkaganoon. Maaring kathang isip lamang ngunit maari rin namang magkatotoo kung papaganahin ang isip at imahinasyon ng isang tao. Kaya nga tinawag na mahiwaga....... Malalim na ang gabi at abalang-abala pa sa pananahi ang dalawang magkapatid

na babae. Tinatahi nila ang mga kamisa at saya nila, na isusuot nila para sa isang misa

kinaumagahan. Ibinilin ng kanilang ina na siguruhing nakasara ang pinto at mga bintana

ng kanilang bahay, kundi ay papasok ang duwende, na bumibisita sa kanila tuwing

hatinggabi. Upang malaman ng kaniyang mga anak kung ano ang duwende, ikinuwento

niya ito:

"Katulad lang ng mga ordinaryong tao ang mga duwende. Tuso silang mga nilalang,

ngunit matulungin din. Ilan sa mga kapilyuhang ginagawa nila ay ang pagsira sa mga

muwebles at mga larawan, pagbasag sa mga salamin, baso, plato, at tasa. Kung hindi

sila makahanap ng mga bagay na sisirain o babasagin, kinukurot nila ang mga pisngi,

braso, at katawan ng mga tulog na babae, upang maging mabigat ang pakiramdam nila

pagkagising. Kung hindi kinaasaran ng mga duwende ang mga nakatira sa bahay na

madalas nilang bisitahin, nagpapakita sila ng kabaitan sa mga ito. Sinasabing dinadalhan

nila ang mga kaibigan nila ng mga masasarap na pagkain at ipinagtatanggol sila mula

sa mga masasamang nilalang. Maraming tao tuloy ang sabik ngunit balisang makakilala

ng duwende. Itinuturing nila ang mga nilalang na nagtataglay ng kakaibang karunungan

dahil sinasabing alam na alam nila ang mga lihim at ikinikilos ng mga tao. Ngunit kung

sakaling ang mga naging kaibigan ng duwende ay biglang nagsabi ng anumang masama

o nagbalak ng masama sa kanila, kahit pa hindi sila marinig ng mga duwende, ay

parurusahan sila at hindi na muling babalikan.

"Ang duwendeng binabanggit ko rito ay madalas sa bahay namin habang ang nanay

ko, o ang lola ninyo, ay buhay pa. Parati niyang sinasabi sa aming isara ang pinto at

mga bintana bago kami matulog. Isang gabi, nang nagtatahi rin kami ng kapatid ko ng

kamisa at saya, nakalimutan naming isara ang mga bintana at pinto. Ilang segundo bago

maghatinggabi, naroon ang isang maliit na nilalang na nakatayo sa aming pinto. Maliit

siya, kasinliit lamang ng isang dalawang taong gulang na bata; pula ang kaniyang mukha;

mayroon siyang mahabang bigote at maputing kulot na buhok. Maigsi ang mga braso

niyang balingkinitan, ngunit malaki ang mga kamay niya--malaki para sa kaniyang braso."

Nang marinig ng mga dalaga ang kuwento ng kanilang ina, natakot sila. Nang

maghatinggabi, narinig nila ang mga tunog: takla, takla, takla. Gawa ito ng duwende.

Takot na takot ang dalawa. Lumingon ang panganay, at nakita niya ang duwende na

pumapasok sa pinto. At katulad ng inaasahan, tumakbo at tumalon siya papasok ng

bahay, papunta sa mga dalaga. Dahil doon, nasipa niya ang isang gasera, na nagpaliyab

sa mga kamisa at saya.

Mula noon, naging maingat na ang magkapatid at ang buong bayan ng Legaspi sa

duwende. Isinasara na nila ang kanilang mga pinto at mga bintana bago sila matulog sa

gabi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 13, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MAHIWAGA...Where stories live. Discover now