Sabi nila, Masarap magkaroon ng bestfriend. may taong proprotekta sa'yo. may taong magpapasaya sa'yo. pero handa mo bang itaya ang pagkakaibigan? para sa hinahangad mong pagmamahalan?
Ako si princess. grade three pa lang ako. palagi ko nang kaklase si Ivan. pati sa highschool , hanggang ngayong college.magkaibigan kasi mga magulang namin. kaya kung nasaan ako, nandun din siya.Isang araw…
“bakit ka sumali sa fraternity?”-Princess
"wala lang gusto ko lang."-ivan
"alam mo bang dikado yan?”-Princess
"alam ko tong pinapasok ko"-ivan
matapos ang araw na yun, hindi ko na siya nakikita sa school. hindi na rin siya nagtetext. kamusta na kaya siya?pinuntahan ko siya sa bahay nila, pero hindi ko siya naabutan. namimiss ko na yong bestfriend ko. namimiss ko na si ivan.ang lalaking lihim kong minamahal..lumipas ang mga araw. madalang na siyang pumapasok. minsan kinausap ko siya,pero parang iniiwasan niya ako.
“ano bang nangyayari sayo Ivan?” -Princess
“wala"- Ivan
“meron kang hindi sinasabi sakin eh"-Princess
“wala akong dapat sabihin” -Ivan
“anong wala? bakit palagi kang absent? bakit palagi kang umiiwas? bakit hindi ka nagrereply sa text ko? –Princess
bigla siyang umalis palayo sa akin. hinabol ko siya.
“Ivan ano ba talagang nangyayari sayo?" -Princess
humarap siya sa akin at nagsalita:
“Bakit mo ba ako pinapakeelaman? Ano ba kita ha?” —Ivan
natahimik ako sa sinabi niya. ano ba niya ako? isa lamang akong hamak na bestfriend. hanggang dun nalang yun.umalis siya at hindi na nagpakita. hindi narin ako nagtext. hindi narin ako pumupunta sa kanila.makalipas ang dalawang linggo…may natanggap akong balita. nasa ospital daw si ivan. malubha ang lagay.agad akong sumugod sa ospital. pero pagdating ko. wala na siya.namatay si ivan sa hazing…halos namatay narin ang puso ko. parang ayaw ko na ring mabuhay.. T_T iba tong nararamdaman ko eh…T_TMAHAL ko siya pero huli na…MAHAL ko siya pero wala na…niyakap ako ng mama niya at iniabot sakin ang cellphone ni ivan.
“Princess , basahin mo to”
..–”Pare. Wag nyong gagalawin ang bestfriend ko. Ginawa ko naman ang sinabi nyo diba? Nilayuan ko sya. Basta wag nyong gagalawin si Princess.. MAHAL KO YUN EHH”-Ivan
–end.