Sariling Mundo

35 0 0
                                    

Sariling Mundo

Sa isang sulok ng kwarto
Nandito ako sa aking mundo
Kung saan walang gulo
Sarili ang kasama ko

Tunog ng mga kanta
Siyang bumubuhay sa aking tainga
Walang bahid ng problema
Mundo ko'y payapa

Hindi na kailangan ng iba
Masaya kahit akong mag-isa
Tanging kwarto at musika
Sapat na sapat na

Ang sarili kong mundo
Nagtatagal ng ilang minuto
Kailangang sulitin ko
Bago tuluyang lisanin ito




Tula Para Sa Aking Mga Naging SintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon