Epilogue

8.9K 129 57
                                    

May tatlong buwan na rin buhat ng lumipat sina Claire at ang kaniyang Pamilya sa Pillilia, Rizal. Malayo ito sa kabihasnan at kung tutuusin ay probinsyang-probinsya pa rin ang dating dahil kakaunti lamang ang mga developed establishments sa lugar, maging ang mga fast food chain ay dadayuhin pa sa Bayan kung saan ay naroroon rin ang Palengke.

Ang buong paligid ay napapalibuta pa rin ng malawak na bukirin at ang mga bahay ay hindi rin magarbo o mataas kagaya ng mga nakikita nila noon sa Makati at Taguig. Mabuti na nga lang at sanay ang kanilang Pamilya sa pamumuhay sa kabukiran dahil sa ganoon environment sila lumaki noong sa Palawan pa sila nakatira. Ang pinagkaiba lang ngayon ay walang malapit na Dagat sa paligid di tulad ng doon sa palawan na mga sampu o labinlimang minuto lang ay makakamasyal ka na sa tabing dagat.

Ang kaniyang mga kapatid na sina Mako, Niko, at Oyet ay hindi na rin naman nahirapan pang mag-adjust sa bago nilang buhay pero kung minsan ay mariringgan pa rin ang mga ito ng pahaging na sana raw ay bumalik na sila sa dati. Mabuti na nga lang at hindi mapilit ang mga ito at naiintindihan ng tatlo kung ano ang nakasalalay para sa maliit nilang sakripisyonh ito. Maging ang kaniyang Nanay ay kung minsan nagsasabi na sana'y sa Palawan na lamang daw sila tumira at tutal doon naman sila talagang lumaki at namuhay. Pero ang palaging dahilan niya ay tiyak na doon sila unang hahanapin ni Michael o nang kahit na sinong upahan nitong maghanap sa kanila upang takutin siya kaya mas makakabuti na doon sila sa lugar na wala silang kilala at wala kahit na simo ang may ideya sa kanilang totoong buhay at pagkatao.

Bukod sa pagpapalit ng pangalan sa tuwing may ibang tao sa paligid, ay lahat ng sim card nila ay pinalitan nila, maging ang lahat ng pera sa bank account ni Claire at nang Nanay niya ay kinuha na rin nila upang masigurado na walang makakatungtong sa kanila gamit ang mga koneksyon ng mga ito sa mga kilalang tao sa business world. Ang kaniyang sasakyan naman ay pinanatili niyang nakagarahe lamang at ang plaka niyon ay tinanggal niya upang walang sino man ang makakita o makapagturo kung sakaling may maghanap.

Mabuti na nga lang talaga at minsan siyang napunta ng Pilillia, Rizal ng magkaroon ng 2 days out of town event ang kompanyang hawak niya ng nagtatrabaho pa siya noon sa Publishing Company ni Amanda. Kaya naman naging madali na para sa kanya ang paghanap ng lugar na lilipatan ng walang ibang kahit sino ang makaka-trace sa kanila. Buti na nga lang din at available pa ang apartment na noong nirentahan nila, kaya di naging mahirap ang paglilipat nila.

"O nak, gising ka na pala." Bungad na bati ng Nanay ni Claire ng maabutan niya ito sa kusina. "Tignan mo at may pandesal at palaman pa ata diyan sa Mesa."

"Sige po." Sagot ni Claire.

Pagsilip niya sa orasan ay pasado alas-diyes na pala ng umaga, hindi niya namalayan ang oras dahil mag-uumaga na rin ng makabalik sayo sa pagtulog buhat ng mapanaginipan ang tungkol sa nangyaring tagpo sa kanila ni Michael may tatlong buwan na ang nakakalipas.

"Aba, mukhang tahimik ata ngayong umaga ah." Biro niya habang nagtitimpla ng kape. Kadalasan kasi ay maingay ang mga kapatid niya sa umaga lalo na't wala naman itong mga kaibigan sa lugar nila dahil may kalayuan sila sa bayan.

"Ay buti nga at tahimik at nang wala istorbo sa pagluluto ko at maging malinis naman din itong bahay natin." Natatawang saad ng kaniyang Nanay habang naghihiwa ito ng mga rekados na gagamitin sa pagluluto.

"Nasaan ba yung mga maiingay na yun Nay?" Tanong ni Claire ng makaupo siya at magsimulang mag-almusal.

"Nasa bayan, si Oyet nag-aayos ng mga requirements para daw doon sa pasukan sa susunod na semester. Si Niko naman ay pinuntahan yung interview daw niya para doon sa inaapplyang trabaho." Imporma nito sa kinaroroonan ng dalawang binatang kapatid. Kung sa bagay ay malayo na sila sa kabihasnan at walang mag-iisip na naroron sila sa Pilillia.

Pain in My Heart (Playboy Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon