Chapter 29 --- Dream Date

342 9 4
                                    

▬TRIXIE'S POV 

/ “Trix, ready na kayo?” / tanong ni kuya sa kabilang linya.

“Yes kuya. Ikaw na lang ang hinihintay namin.” sagot ko.

/ “Okay sige. Malapit na ko dyan.” / he said.

“Oks! Ba-bye.” Paalam ko and then we both ended the call.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko kasama sina Trish, Camile, Zarah, Lucy, Lea and Nessa. Hinihintay namin si kuya BJ kasi sa kanya kami sasabay papuntang Batangas para sa celebration ng birthday ni Sir Darrel. Bukas pa talaga yung birthday nya pero sabi nga nya eh Saturday pa lang, magpunta na para naman masulit ang place. Sunday kasi ng hapon or gabi kelangan ng umuwi gawa ng may pasok na kinabukasan.

Dito na sa QC nagpunta sila Trish para isang lugar na lang ang pupuntahan ni kuya kapag sinundo na nya kami. Syempre, ready na kami at ang mga gamit namin.

10 minutes pa ang lumipas and then tinawag na kami ni mommy. Dumating na pala si kuya. Nung isang araw pa ako nagpaalam kay mommy kaya alam nya kung saan kami pupunta ngayon. Payag naman lagi siya sa mga alis ko basta lagi lang daw akong magpapaalam sa kanya. Nasa bahay na nga pala si mommy since yesterday pa.

I kissed mommy goodbye na and then sumakay na kami sa kotse ni kuya. Buti na lang malaki-laki yung sasakyan nya at nagkasya kami.

After ilang hours, nakarating na rin kami sa isang napakagandang beach resort sa Batangas. Napaka-peaceful at napaka-relaxing nung place. Ngayon na lang ulit ako nakalanghap ng fresh air.

Dumiretso kami sa beach house nila Sir Darrel at nadatnan na namin siya doon kasama sina Carlo, Zack, Lawrence at ilan pang mga kalalakihan at kababaihan na sa tingin ko eh mga kaibigan nya rin. Ang dami na palang tao at karamihan sa kanila eh nakita ko na nung birthday naman ni kuya. Actually, kilala ko pa nga yung iba sa kanila.

“TRIXIE!!!” tawag sakin ni Zack pagkakita nya samin with matching pa-wave-wave pa ng dalawa nyang kamay. Yung tipong humihingi ng saklolo sa mga helicopter na dadaan kapag na-stranded sa isang island.

-____________________-

‘Tong lalaking ‘to para bang lagi ako nami-miss.

Sinalubong na kami kaagad ni Sir Darrel pagpasok namin doon sa beach house. Malaki, maganda, malinis at maaliwalas yung bahay. Masasabi mong bahay-bakasyunan talaga. Mukhang maraming kwarto yung bahay, hanggang third floor kasi eh.

“Woah! Nandito na pala mga tropa, Darrel!” kuya commented.

“Oo nga eh. Excited yata sa pagtanda ko. Haha!” sabi ni Sir.

“Hahaha! Magiging magkasing-edad na tayo bukas! Bleh! Haha!” kuya said.

“Bahala ka dyan. Haha! Oh eto na susi ng kwarto mo. Third door sa second floor sa right side.” sabi ni Sir kay kuya sabay abot ng susi.

“Yown! Papalit lang ako ng damit. Init pala nitong suot ko! Haha!” sabi ni kuya.

Panong hindi maiinitan eh naka-long sleeves pa! Parang ewan.

“I reserved three rooms for you, ladies. Good for four ang bawat kwarto. Okay na ba yon sa inyo?” Sir Darrel asked.

“Ay! Sobra po yun samin, Sir.” sagot ko.

Bale good for twelve persons yung rooms na ni-reserve nya. Sobra yun kasi pito lang naman kami.

“Pwede na po kami sa dalawa lang, Sir.” pagsingit ni Camile.

“Sa isa nga lang pwede na eh.” singit din ni Lucy.

“Oo nga isa na lang para masaya!” pagsang-ayon ni Zarah.

I Don't Wanna Fall In LoveWhere stories live. Discover now