Updates! :)
Si Arwynn, yung totoo po oh. Naka-smile na naman sa attachment. Hehe!
More of my stories, characters and me below:
Facebook: Neri Joy Jayson
Wattpad: @Neri_Joy_Jayson
Twitter: @lady_25me
Instagram: @neri_joy_jaysonMaraming salamat dearest!
Kung akala niyo alam niyo na ang mga bagay-bagay sa Performance Brothers, well nagkakamali kayo. Mga pasabog na po ang mga susunod na chapter kaya walang bibitaw. Wink!Chapter Eleven
"Hintayin mo nalang ako sa malapit na cafe sa labas ng building ng unit ko. Alam mo naman yun di ba? Lumabas kasi ako. Babalik din ako kaagad." tugon ni Aimee kay Arwynn. Hindi na niya hinintay na makasagot pa ito bagkus ay binaba na niya ang telepono. "Hooooh!" huminga siya ng malalim. Not this time Arwynn. Once and for all titiisin naman kita.
Pagkababa sa drop point sa ibaba ng building kung saan naroon ang opisina ni Allen Cristobal ay agad na tsinek ni Aimee ang sarili. Inayos niya ang nagusot na laylayan ng suot niyang skirt. Nagsalamin siya at nag-retouch sa comfort room sa reception area.
"Relax lang Aimee. Kaya mo yan! Just be yourself!" bulong niya sa sarili. Hahakbang na sana siya papalapit sa secretary ni Allen nang bigla na namang tumunog ang kanyang phone. Si Arwynn na naman nang kanyang tingnan. Hindi na niya iyon sinagot pa. Tuluyan na niyang pinatay ang kanyang phone para hindi ito makaistorbo. "Tama na muna Arwynn di ba?" she once again gathered all her courage then smile.
"Hi good afternoon. I'm Aimee Joyce Libit. I have an appointment with Allen Cristobal." pagpapakilala niya sa sekretarya.
"Hello. I'm Samantha Duque his secretary. Actually we're expecting you Ms. Libit. Kausap lang ngayon ni Boss Allen ang private investigator niya pero paalis na rin yon. You can sit here na muna. Let's just wait for his visitor to come out."
"Sure." saka siya umupo at naghintay. Lumipas ang ilang segundo na inabot ng ilang minuto. Tatlumpong minuto. Naisip niya higit sa lahat si Arwynn. Pinatayan pa niya ito ng telepono. "Excuse me Samantha, parang ang tagal naman? Baka pwedeng sabihin mong nandito na ako. Baka nakalimutan niyang may appointment ako sa kanya." pakiusap niya sa sekretarya.
"Sorry Ms. Libit. Alam mo very professional yung si Boss Allen. Nasaktuhan lang talaga na nandito yung private investigator niya. Talagang matatagalan 'yon. Pasensya na talaga." humingi naman ito ng paumanhin.
"Ganon ba? Ganon kaimportante yung pinag-uusapan nila?"
"Yup. Di mo ba nabalitaan yung nangyaring disaster sa event ni Boss Allen last year sa Singapore. Yung may sabotahe something."
Agad niyang naalala ang balitang 'yon. She followed Allen that's why she's updated. "Di ba po okay na 'yon?"
"Yup! Yung private investigator na kausap niya ang nag-imbestiga sa nangyari at ang nakaresolba sa kaso. Kaya ayun malay mo may pinapaimbestigahan pa siyang bago. But I doubt!" then the secretary smirked. Tila may hindi pa ito sinasabi sa kanya. Wala siyang karapatang mag-usisa pero napaisip siya sa nais ipahiwatig nito.
"You doubt?" hindi na niya napigilan pa ang sarili.
"Wag mo nalang pansinin yung mga huli kong sinabi."
Saka naman bumukas ang pinto ng opisina ni Allen. Una itong iniluwa ng modernong design na pinto saka ang isa pang lalaki na may mahabang buhok. Abot ang buhok nito hanggang balikat nito. Naka-suit and tie ito at marahil iyon ang private investigator ni Allen na agad na ring umalis.
"Sorry Aimee!" Allen urgently approached her. Napakamot pa ito sa ulo. "I hope I didn't waste your time."
"Hindi naman po." yung best friend ko nga lang po pinatayan ko ng telepono ng dahil sayo. Siguraduhin mo lang na maganda ang kalalabasan ng pag-uusap natin ah! Iba ang lumabas sa kanyang bibig bilang iyon ang dapat. "Good evening po." inabot na siya ng gabi.
"Good evening too. So if you want to work with me you're hired. May event ako bukas sa Shangri-la BGC. Unang assignment mo 'yun." nakangiting sambit nito.
Hindi kaagad ma-digest ng kanyang isipan ang mga sinabi nito. "H-hired na po ako?"
"Yes you're hired. I hope I didn't waste your time. See you tomorrow." he winked before entering back to his office.
"T-talaga po ba?" she was left speechless.
"Congrats Ms. Aimee! Welcome to Allen Cristobal Events!" pagbati sa kanya ni Samantha na inabot pa ang kanyang kanang kamay.
"That was fast. Thank you so much!" namula siya at talaga namang kinilig sa magandang balita.
Pagsakay palang ng elevator habang abot tainga ang kanyang ngiti ay binuksan na ni Aimee ang kanyang phone. Nais niyang sabihin kay Arwynn ang magandang balita.
Nasan ka na?
Puntahan mo ko dito sa bar malapit sa bahay mo.
Where na u?
Aimee... Best friend...
Sunud-sunod ang dating ng messages mula kay Arwynn. "Hay naku Arwynn. Papunta na ako. Magtino ka na kasi at mag-girlfriend para hindi ako ang ginugulo mo!"
Kunyari'y nagpabebe pa siya pero sa bar din naman ang diretso niya. Pagpasok ay agad niyang iginala ang mga mata. "Nasan ka na Arwynn?" agad namang tumawag ng kanyang pansin ang grupo ng mga tao. Tila may nagwawalang customer.
"Excuse me." hinawi niya ang mga tao.
"Masama ba ako huh? Pakisagot naman oh." si Arwynn nga. Lasing na. Agad.
"Sir nakakaistorbo na po kayo sa ibang mga customer eh. Tara na po." pagbabawal dito ng isa sa mga staff.
"Naku sir kasama ko po siya. Iuuwi ko na po siya." agad naman siyang pumagitna. "Arwynn nandito na ako. Tara na nga."
"Aimee! Best friend ko!" bulalas nito.
Sige pagsigawan mo pa sa mundo kung ano ko sayo gago ka! "Ako nga tara na uuwi na tayo. Lasing ka na. After more than an hour talaga nalasing ka eh no." pagtingin niya sa mesa nito ay nakarami na ito ng nainom. "Ano'ng tingin mo sa alak, juice?" napailing nalang siya.
"Si kuya kasi Aimee eh." bigla nalang ito umiyak at nagsumbong na parang bata.
"Huy! Tumigil ka nga dyan! Para kang bata! Pinagtitinginan ka na nila oh! Umuwi na muna tayo Arwynn!"
"Yakapin mo muna ko... Sobrang lungkot ko Aimee. Ikaw nalang ang kakampi ko." at bigla siya nitong dinamba para yakapin. Nanlaki ang kanyang mga mata. Natulala siya sa loob ng ilang segundo. She wanted to treasure that moment. The moment he was so vulnerable and he has nothing to hold on to but her.
"Tahan na Arwynn. Tahan na. Darating ang panahon mappaatawad ka rin ni Ardel at mare-realize niyang wala kang kinalaman sa nangyari sa kanya. Tama na. Tama na." saka niya ginantihan ang mga yapos nito. Tulad rin ng isang bata ay nagawa niya itong patahanin.
"Tutulungan mo ko hindi ba?"
"Oo naman. Best friend mo ko eh." pinakadiinan niya ang salitang best friend.
"Salamat best friend."
Nang kumalma ito ay naaya na ito pauwi. Pagdating sa kanyang unit ay tinulungan niya itong magpalit ng suot na damit at pinaghilamos na rin niya ito. Napapalunok nalang siya habang sinisilayan ang katawan nito. Heto na naman po tayo. Be strong Aimee! Be strong!
"Aimee. Salamat." nakahiga na si Arwynn sa sofa sa kanyang sala at siyang akmang papasok na sa loob ng kanyang kwarto.
"Welcome." nakangiti at matipid niyang tugon.
"Pwedeng samahan mo muna ako rito?" napakaamo ng mukha nito.
Sa ganyang itsura niya ba ako na-in love. He's such an angel. Haaaaay.... Mabilis na tumibok ang kanyang dibdib. Tinutunaw siya ng mga mata nito. "Sige." kinakabahan siyang lumapit dito at umupo sa kabilang dulo ng sofa.
Walang umiimik. Patuloy ang pagkabog ng kanyang dibdib. Nakatitig lang sa kanya si Arwynn base sa kanyang peripheral eyeview. Hanggang sa ilang saglit pa ay lumapit ito sa kanya at iniharap ang kanyang mukhang papunta rito. Pinagdampi nito ang kanilang mga labi. Nagulantang siya.
No!!!!! Hindi mo pwedeng gawin ito Arwynn!!!!! Nooooooo!
BINABASA MO ANG
PERFORMANCE BROTHERS
General FictionThis is the story of Arwynn and Ardel, the Pineda brothers. A sequel of 'The Hottest Bed in Town'. Babala: 100% Performance Level. 100% Hot and Steamy. Read at your own risk.