Chapter Thirty: The Blood Hater
=Mayumi's POV=
Pag mulat ko ng mata ko nakita kong nasa tabi ko si Mr. Principal natutulog habang hawak-hawak ang kamay ko. Mahina akong natawa. Ang lakas niya kasing humilik eh. Buti nalang at maayos kaming naka uwi.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga tsaka ako bumangon at tinanggal ang kamay ni Mr. Principal. Dahan-dahan akong umalis sa kama para hindi ko magising si Mr. Principal.
Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina. Naabutan ko naman si Magic at Sabino na kumakain ng macaroni. Sabay silang tumingin sakin ng mapansin nila ako. Ngumiti naman ako.
Tumayo si Sabino at pinaghatak ako ng upuan. "Upo ka. Kanina pa kami kumakain dapat kumain ka narin."
Nginitian ko siya. "Thank you." Sabi ko at naupo. Bumalik naman siya sa upuan niya at pinagpatuloy ang pagkain niya.
"How are you?" Nagawi ang tingin ko kay Magic. Hindi siya nakatingin sakin pero alam kong ako ang kinakausap niya.
Nagsandok ako ng macaroni at nilagay sa plato ko. "Im fine and I will always be fine." Sagot ko at sinubo ang nasa kutsara ko.
"Uhm, Yumi. Nitong mga nakaraan kasi madalas ang pagkawala mo ng malay. Sigurado ka bang okay ka lang?"
Tinignan ko si Sabino. Binigyan niya ko ng nag aalalang tingin.
"Epekto yan ng hindi niya pag inom ng dugo." Diretsong sabi ni Magic. Sabay tuloy kaming napalingon ni Sabino sakanya.
Gulat namang bumaling ang tingin sakin ni Sabino. "Hindi ka umiinom ng dugo?! Alam mo bang nag search ako about vampires at ang sabi dun ang tanging pagkain niyo lang ay dugo at karne ng baboy o kahit anong hayop." Dire-diretsong sabi ni Sabino.
"Well, sa tagal naming nananatili sa mundo niyo at sa tagal naming nakikisalamuha sa mga tao nasanay kami sa pagkain ng tao. Tsaka mas prepare ko talaga ang pagkain ng tao keysa sa err-- dugo." I lied.

BINABASA MO ANG
She's A Blood Hater
VampiriYannie Mayumi Beils is a vampire. Isang bampira na hindi mo hihilinging makita. Pinipigilan ang nakasanayan. Inaayawan ang kagustuhan. Pinapatunayan niya ang isang bagay... SHE'S A BLOOD HATER! Pero hanggang kailan?