P RO L O G U E
Masama bang umibig sa taong alam mong may gusto sa Best friend mo? Sabi nila, kapag umibig ka daw siguradong magiging isa kang dakilang TANGA, masasaktan at masasaktan ka talaga.
Inilihim ko sa kanya dahil alam kong hindi pwede alam kong, hinding-hindi niya ako magugustuhan.
Minahal ko siya ng patago sa parang alam ko.Pero pano kong alam na pala niya. Pano kung napagod ka na? Ipapatuloy mo pa ba?
As long as you hold someone deep in your heart, you can never lose them. …
- CHAPTER I
S u m m e r P a r a d i s e
Lahat ng mga estudyante sa campus namin sabik na sabik na lumalabas ng gate. Lahat naka-ngiti puno ng tawanan dahil ano pa ba? Summer na. Hello ! No more stress outputs, projects and assignments. Haha Stress Free.
“Abby! Anong plano mo ngayong summer vacation?” tanong ko sa isa kong bestfriend. “Ahh.. siguro mag-siswimming lesson ako. Interesting right? Eh, ikaw? Anong plano mo Leih?” sagot niya sabay labas ng phone nito. “Siguro sa bahay nalang muna ako. May summer class si mama. Di kami tatravel. Wait napansin mo ba sina Annie at Kristelle?” “Ahh wala eh. Siguro nasa itaas pa yun. Hintayin nalang natin sa hallway.” Sagot nito, umuo nlang ago bilang pagsang-ayon ko.
Last day na kasi ngayon at bukas wala ng pasok. Anyways, ako nga pala sa Agatha Leih Crisostomo. 2nd year high school. Itong kausap ko isa siya sa mga bestfriend ko. Si Abby Santiago. Ang silent but dangerous sa grupo. Hindi siya isang biyolenteng babae ha. Ang ibig kong sabihin tahimik pero napaka matalino lalo na klasi. Minsan nakakatakot. Hinintay pa namin yung dalawa pa naming bestfriend. Si Annie Adalon ang war freak na mabait naman sa grupo. at si Kristelle Hernandez. Ang fashionista at mahinhin sa grupo.
“Hi girls ! sorry natagalan kami. Kasi si ma’am Vernice may pinagawa pa.” sabi ni Kristelle sabay pahid sa pawisan nitong noo. “Sabihin mo, ang bait mo lang talaga at pati ako idinamay mo pa. Jusko Telle!” si Annie halatang naiinis dahil kay Telle. “Tama na nga yan. Tara na, unti-unti ng nawawala ang mga tao dito.” Pang-aawat ni Abby sa dalawa.
Ng palabas na kami sa campus, as usual ako at si Abby na lang ang maiiwan kasi nga hatid-sundo kami. So tambay, tambay din pag may time sa guard house. Nagpaalam na sina Annie st Kristelle sa amin. Ilang buwan din kaming hindi magkikita-kita.
Ilang minute ang lumipas nagpaalam na din si Abby dahil andyan na ang sundo niya.
Kinuha ko ang phone ko para pampalipas oras,
SCROLL
SCROLL
SCROLL
SCROLL
Okaaay …. Found it.
Wattpad. Magbabasa nalang muna ako. Now Reading Voiceless habang nasa kalagitnaan ng aking pagbabasa, may narinig akong pamilyar na boses. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Okay here we go again stupid heart. Butterflies and bees in my stomach. Lord please help me po!