#1

8 0 0
                                    

Hello mga doi, welcome sa buhay ko—

Blag! Binalibag na pagbukas ng pinto.

"PUSANG AMA KA ARTURO!"

Bumaba ako sa kinalalagyan ko sa hagdan, sa tapat ng bintana, at pinuntahan yung amo ko. Ang aga-aga beastmode nanaman.

"Woi wala akong kinalat ah." Tinatamad kong sinabi.

Meeoow na tinatamad...

"'Meow-meow' ka pang nalalaman diyan." Sabi niya sabay turo sa labas ng pinto.

Ako'y napatingin naman, di ko mawari kung pinapalabas ba ako ng bahay o hindi eh.

"Pusang ina naman..." Walang ganang bulong na meow ko sa sarili ko.

"Arturo panindigan mo kami."

Bumungad sakin ang isang puting pusa na may apat na maliliit na kuting. Isang puti, dalawang dark-gray, at isang tatlo kulay—orange, black, white. Sinara ko yung pinto suot-suot sa pagmumukha yung ekspresyon na tinatamad ako at naglakad palayo, pabalik sana sa pwesto ko kanina. Walang kulay orange sa lahi ko oi, di sakin yan potek di ko nga kilalala eh.

Binuksan ulit ng amo ko yung pinto at kahit ayaw kong pansinin, dinig ko naman sa kanya yung pagkatuwa doon sa mga pusang galang iyon. Mukhang aampunin pa ata, takte.

"Hello, ang cute-cute niyo nama—"

Pagbalik ko sa pwesto ko ay, dumungaw nalang ulit ako sa bintana. Takteng buhay yan... By the way, siya nga pala amo ko, Arthur ang pangalan niya at mahilig siya sa pusa. Obvious naman siguro. Kaming dalawa lang nakatira rito sa pamamahay na ito—sa ngayon.

Umalis ang mga magulang niya, nasa 1-week trip, nag-iisang anak lang siya at masaya naman siya doon. Gaya niya, di ako mahilig makipagsocialize. Graduating na siya ng SHS. Track niya— ewan ko, anung pake ko diba? Pinipilit niya lang mag-aral dahil di naman siya makakapagtrabaho agad, ayaw niya naman ng wala ding ginagawa para sa "kinabukasan" niya.

Basta ako dito lang ako para sa kanya. Tagahulog ng baso pag inaantok na siya at kailangan niya matapos ang mga assignment. O kaya taga-type ng gawain niya sa laptop kahit hinahagis niya ako minsan mula sa keyboard. Minsan tagabantay niya ako pag natutulog siya, para siguradong safe siya, doon ako sa mukha niya natutulog. Minsan pag nakadapa siya, binibigyan ko siya ng massage kahit minsa'y binabato niya ako dahil bumabakat yung kuko ko. Minsan tinatry ko mag ayos mga gamit niya pero lagi ako nasisigawan. Minsan ako na rin punasan niya ng kamay pag naghuhugas ng pinggan.

Pero kahit ganyan kasungit ang amo ko, mabait naman siya, lagi ako may pagkain araw-araw. Maayos naman siya makitungo sa kapwa kahit ayaw niya makipagsocialize.

"Woi Arturo, kamukha mo tong dalawa oh."

Napatalon ako sa kalabit niya at pinakita sakin yung dalawang dark-gray na kuting.

"Dios mìo ka!"

Nagulat na meow.

"Pusang ama ka na talaga Arturo haha! Mula ngayon kasama na natin sila sa bahay." Maligalig niyang sabi, sabay alis at kumuha ng mapaglalagyan nung mga kuting.

"Fuck..."

"Hoy Arturo, ano na!?" Biglang sumbat netong pusang inang toh.

"First of all, who you?"

Pusang Ama ka!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon