Araw ng Lunes, alas-diyes pa lamang ng umaga ay busy na agad si Trace sa dami ng nire-review niyang business report na ipinasa ng mga Managers sa kaniya noong nakaraang Biyernes, pati na rin ang mga dokumentong kinakailangan niyang pirmahan at ang mga business presentation na ipakikita niya sa nakakatandang kapatid na si Chris - ang kasalukuyang tumatayo na Presidente ng buong Hendelson Empire - para sa plano niyang business expansion sa sunod at mga darating pa na buwan at taon.
At nang biglang bumukas ang pintuan ng kaniyang opisina ay hindi na siya nag-abalang tignan kung sino ang istorbong dumating. Isa lang naman ang kilala niyang tao na basta-basta diretsong pumapasok sa kaniyang opisina ng walang abiso... si Jace, ang kakambal niya. Maliban rito, lahat ng mga bisita at empleyadong papasok sa kaniyang opisina ay dumadaan muna sa kaniyang dalawang masungit at pinagkakatiwalaang sekretarya na sina Rose at Beatriz.
"Good Morning, my very handsome twin brother!" puno ng siglang bati ni Jace pagpasok nito. "Ang aga-aga pa pero busy ka na agad, bro?" pag-uusisa pa nito sabay lapag ng box ng Country Style Donuts na pareho nilang paborito.
"Ang aga-aga tamad ka na agad." balik na komento niya sa kapatid ng di inaalis ang tingin sa harapan ng kaniyang Monitor. At nang akmang kukuha sana siya ng donut na dala nito ay biglang hinataw ni Jace ang kaniyang kamay sabay layo nang box ng donut mula sa pagkakapatong sa kaniyang table. "Hey! Bakit mo binawi? Pinagdadamutan mo na ba ako, Jace?" nakasimangot na baling niya sa kakambal.
"Because I didn't bought this for you, Trace." sagot nito sabay dila at make-face na parang bata.
"Then whose that for?"
"Someone special."
Napukaw tuloy bigla ang kaniyang atensyon at agad siyang napatigil ng dahil sa sinabing iyon ng kapatid. Pagbaling niya ng tingin ay saka lang niya napansin na bukod sa box ng donuts ay may hawak rin itong bouquet of roses, at hindi lang iyon basta roses... Purple Roses iyon!
Kaya naman mabilis na bumangon ang kuryosidad niya kung sinong tao ang pagbibigyan nito ng mga iyon. "Alright. I see we have a situation here, huh?" panimulang pag-uusisa niya. "Talk to me about it, bro. What's going on?"
"What do you mean what's going on?"
"Those," turo niya sa mga dala nito. Bukod sa pareho ang hilig nila sa mga pagkain ay merong rin silang tatlong importanteng rules na sinusunod. A rule they made since when they were young at magpa-hanggang sa ngayon ay patuloy nilang ginagawa.
Una, hindi nila bibigyan ng kahit anong regalo ang isang babae na kapareho ng mga bagay na personal nilang paborito o interes. Mas pabor pa na gastusan nila ng mamahaling mga regalo ang babaeng kanilang natitipuhan pero pagdating sa mga bagay na paborito nila ay nanganko silang dalawa noon pa man na hindi iyon ibibigay sa mga babaeng gusto nila lalo na kung hindi iyon ang babaeng nakikita nilang makakasama nila sa panghabang-buhay. Kumbaga sa isang salita, tanging ang babaeng ihaharap lamang nila sa Altar ang may karapatan na pumasok sa kanilang pribadong buhay.
Ikalawa, hindi sila magkakagusto sa parehong babae o kaya ay sa mga babaeng naging karelasyon o na-link sa kanilang mga kapatid na sina Vince, Daniel, Stefan, at Chris dahil ayaw nilang magkaroon ng kahit na anong sakit ng ulo o problema. Bilang mga lalake ay awtomatikong "Bro Code" na iyon na hindi sila dapat na magkakainteres sa iisang babae. Isa pa'y mas pinahahalagahan nila ang kanilang relasyon na magkakapatid kesa ang pagtalunan ang isang babae lang.
At ang ikatlo sa pinakaimportanteng tradisyon na sinusunod nilang lahat na magkakapatid na Hendelson ay ang pagbibigay ng Bouquet of Purple Roses. Nagsimula ang tradisyon na iyon sa kanilang Lolo kung saan ay palagi nitong binibigyan ng Bouquet of Purple Roses ang kanilang Lola sa mga espesyal na okasyon gaya na lamang ng Birthday o Anniverssary.
BINABASA MO ANG
One That Got Away (Playboy Series #4)
Roman d'amour(Tragic Romance) Trace is a rich young businessman and a well-known playboy. At hindi niya iyon itatanggi, in fact, nagagawa pa nga niya pagsabayin ang mga babaeng nilalandi niya. And Ella is just another innocent victim of Trace's game. Dahil ang...