"Help me.."
Sobrang dilim ng lugar,halos wala akong makita..teka asan nga ba ako?
"I want to go back.."
Boses..nakakarinig ako ng boses..boses na galing kung saan.
"..."
Nais kong magsalita..nais kung tanungin kung sino at saan siya ngunit walang ni katiting na boses na lumalabas mula sa aking mga labi.
"Tulungan mo ko.."
"Sino ka?"
Nasabi ko yun gamit ang isang mahinag boses..boses na sa tingin kong hindi niya lubusang maririnig..
"Ako si--"
"-ince,Prince,Prince!!"
Dream?Panaginip lang pala lahat ng iyon?Kung kelan namang malalaman ko na kung sino siya,tsaka naman ako nagising..
"Hoy Prince!Aba,umayos ka na kundi malelate tayo."
"Oo na,oo na..hindi mo naman ako kailangang sigawan."
Siya yung kasama ko ngayon sa dorm,kaibigan ko "daw" siya nung highschool,bestfriend ko "daw".Isa siyang babae,pero hindi mo mapagkakamalang babae,medyo boyish kasi ang dating niya,tapos yung boses,medyo malalim kaya mas bagay sa kanya ang pagiging lalaki.
Bakit may "daw" sa mga sinasabi ko?Kasi maging ako hindi sure kung totoo lahat ng iyon..it's been a year since I lost my memories..lahat..ni sarili kong pangalan,magulang,mga kaklase..lahat nga taong naging parte ng buhay ko sa loob ng 16 na taon,lahat ng iyon nawala sa isang iglap lang.
Minsan nagtataka ako sa aking pagkatao..kung ako nga ba talaga to..kung ako nga si "Prince" at hindi ibang tao na omookupa sa katauhan ni Prince.Minsan natatanong ko sa sarili ko Sino nga ba ako? dahil maging ako hindi ko rin alam..Masasabi nating ako to pero hindi ako..
Ang tanging ala ala lang natira sakin ay itong locket na suot suot ko,kapag tinitignan ko parang may mahalagang memory sa locket na to..parang sobrang halaga nito..
"Oy Prince..tara na!"
Paanyaya sakin ng kasama ko ngayoon na si Queeny,mula ng magising ako sa hospital hanggang ngayon,siya ang kasama ko..parang totoo nga yung sinabi niya sakin na matalik ko nga siyang kaibigan..pero hindi mo maiwasan na mag doubt kasi tuwing nakikita ko ang maganda niyang ngiti..may naaaninag din akong konting kalungkutan kaya hindi ko maiwasang maisip na parang may tinatago siyang kalungkutan.
"Oo na,oo na."
Sabi ko kanya na may ngiti sa aking mga labi.Pagkasabi ko nun ay bumawi din siya ng ngiti.Pero sa hindi malamang rason..bigla nalang tumibok ang aking puso..
***
Meow~
Pusa?May pusa sa sa loob ng campus?
Meow~
"Nyaaa?"
Ha?Boses ng isang babae yun ah?
"Meow meow?"
Nag patuloy lang ang mahiwagang tunog at tila tinatawag ako nito.Katatapos lang ng klase namin at ngaon nautusan akong magtapon ng basura.
Pumunta ako sa lugar kung saan nanggagaling ang tunog at pagkarating ko dun,may nakita akong pusa..tama pusa..at isang babae.
Pero parang pamilyar ang mukha ng babae.
"AHA!"
Bigala ko nalang naisigaw yun kaya nakuwa nun yung atensyon ng babae.
"Prince?"
"Huh?"
Nagtataka din ako kung sino siya,pero parang pamilyar talaga eh.
"Ah,wala..hindi mo nga pala ako kilala..teka,ako nga pala si Sheena..oo si Sheena..kaklase mo dati at.."
BINABASA MO ANG
Me and I
Teen FictionHi,ako si Prince..may amnesia ako..gusto ko mabalik lahat ng ala ala ko pero parang naiisip ko hindi na dapat at mabuhay na ko kung ano ako ngayon..pero lahat ng maga nakilala ko noon,unti unting bumalik at tila nagpapapaanyaya na bumalik na ko kung...