Chapter 1: The Real Problem

215 7 4
                                    

CHAPTER 1

Ganito pala ang pakiramdam kapag nalaman mong ikinasal na yung taong pinakamamahal mo. Alanganing maiiyak ka, at alanganing matutuwa. Maiiyak ka kasi syempre masakit, at kung may paraan para maka-move on, first step dun ang pag-iyak. Matutuwa ka dahil ayon sa palasak na kasabihan, mararamdaman mo ang tunay na kalayaan kapag ikaw mismo ay natutong magpalaya.

Pero sa totoo lang, ayokong sabihing natutuwa ako. Hindi ako kabilang sa mga hipokritong ayaw magpakatotoo sa nararamdaman nila. Sinasabi nila "I'm happy now. I've already moved on." Pero mapapansin mong bukambibig pa rin nila yung taong yun; udpated lagi sila sa status sa facebook o tweeter; o kaya naman active lagi sa usapan kapag ang topic ay yung past nila.

Aminado akong nasasaktan ako. And the hardest part of the day is waking up every morning. Rindido na yata si Lord sa prayer ko na "Lord, please bring me back to yesterday," bago ko imulat ang mga mata ko sa umaga. Pero if there's something that time is not capable of doing, it's to lie. Time is the most honest element of life; dahil kung anong inihain nito sa iyo araw-araw, oras-oras, minu-minuto, yun ang fact.

PLS. 4GIVE METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon