"Tumila na"

14 0 0
                                    

Ilang hakbang mula sayo
sa maulang gabing ito
Mas pinili ko nalang
lumayo sa piling mo,
Pagkat sabi mo di pa
sapat pagmamahal ko,
di pa sapat na maging
akin ang puso mo.

Umasa ako na tayo
hanggang dulo,
Umasa na walang gigiba
sa pagasang ito
Pagasa na noon pa ay
pinakita mo nung una
Noong una na ako ay
mahal mo pa.

Bawat patak ng ulan dama ko
dito sa puso,
Bawat patak dinudurog ang
puso ko.
Patak na pilit binubura sa
puso kong mahal kita
Pero hindi magawa dahil
ikaw lang walang iba.

Oo,walang iba hindi ako
tumingin sa kanila
Hindi nagmahal ng iba
pagkat takot ako na mawala ka
Kung tinanggap mo lang
ang paliwanag ko
hindi sana tayo nagkakaganto.

...

"Patak ng pagsuko"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon