Three

728 43 3
                                    

"Hoi, malanditera! Ano tong nababalitaan namin na katabi daw ng room mo si Radar Troy Castillo?" Ito yung kunwari-mabait naming presidente kasama yung mga sikat na malalanditera sa campus.

"Ka---" magsasalita na sana ako pero sumabat yung tanga.

"Oo, bakit? May problema kayo dun?" Halos mahimatay yung kunwari-mabait naming presidente. Wala namang sumalo sakanya. Hahaha. Arte!

Bigla niya akong hinatak sa kung saan. Leche to.

"Sinong may sabing ipagkalat mo na magkatabi yung room natin?"

"Anong akala mo sakin, chismosa? madaldal? Sino bang pumunta sa room mo kahapon?"

"Bantayan mo yang maharot mong kaibigan ah. Ayokong may nakakaalam ng tirahan natin." TIRAHAN NATIN. Wow, nasa iisang bubong kami? Oo nga naman. Pero magkaibang room. Tss.

 ---

Tumambay ako sa library pagkatapos ng uwian. Ewan ko ba, gusto ko laging tahimik yung paligid. Dun lang kasi ako nagiging payapa. Yung malaya ka sa mga panlalait ng mga punyaterang pangit sa paligid mo. Malaya kang di makakarinig ng ingay, ng insulto at ng kung anu-ano pang nakakasakit na salita.

"Hoi, Pakiss."

"Bakit sa cheeks lang? Gusto ko sa lips." 

Kumuha ako ng tatlong libro na pag-aaralan ko sa condo. Pinaalam ko muna sa Librarian. Nabibwisit ako sa narinig ko. Kahit anong lakas ng music sa earphones ko, naririnig ko pa rin. 

Hindi ko dala yung Mazda ko kasi coding. Bwisit pa umuulan, wala akong dalang payong.

"Ayan, hindi magdadala-dala ng payong, umuulan pala. Loser." Nakasulpot nanaman siya. Nakakainis. Gigilitan ko na talaga to e!

"Alam ko bang uulan? Yung payong ko nasa sasakyan."

"Loser nga tawag sayo." lumapit siya sakin, pinayungan niya ako at hinawakan niya yung bewang ko.

LoserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon