Chapter 1: Truth or Dare?

75 4 0
                                    

     Bakasyon na !!!!!!!!! Mabuhay ang Independence Day !!!!!!!! xD

     Ngayon ang first day ng pagkakalaya namin mula sa matagal na pagkakapiit namin mula sa matragal na pagkakakulong namin sa kulungang tinatawag nilang paaralan. xD Nandito kami ngayon sa beach house ng isa sa mga pinakamatalik kong kaibigan na si Trixie Ortigas. Parang farewell party na nga namin ito eh.

     Kaninang madaling araw pa kami nakarating rito. Inayos muna namin yung mga gamit at saka namahinga para naman may lakas kami ngayon. Pagkatapos naming mag-almusal ay dumiretso na kami agad dito, pano ba naman kasi yung mga classmates ko, excited masyado. Ako naman dumiretso na sa may lilim. Mamaya na ako mag -su-swimming. Yung mga kaklase ko nagmamadaling bumalik sa loob. Bakit ba kamo ??? Eh sa nakalimutan daw nilang mag-sunblock !!! Ghad !!!! Para dun lang ???!!!!! Saktong palabas naman na si 'Nay Ising kasama ang lima pang katulong bitbit ang mga pagkain namin.

           "Nay Ising !!! Dito na po !!!!!!!!!!!! " 

          "Oh iha. Ikaw pala. Heto nga pala yung pinadadala ni maam Trixie  na kakainin niyo daw. "

         "Naku salamat po 'Nay Ising. Iwan niyo na lang po dito. "

        "Oh sige iha. Bahala ka na diyan at babalik na kami. "

         "Sige po, salamat po ulit. "

      Kanina pa ako kwento ng kwento rito eh hindi pa pala ako nagpapakilala. I’m Rianne Rix Romualdez, 14 years of age at nag-aaral sa Wattpadnime Academy. BTW, nandito ako ngayon sa may kubo at ini-enjoy ang mga snacks na dala ni Manang Ising kanina. Ansarap eh ^_^ Yung mga classmates ko naman ay enjoy na enjoy na sa pag-su-swimming kaya ako lang mag-isa ang naiwan rito na kumakain. Ayaw daw kasi nilang tumaba eh, tsssss, are =.= Kukuha pa sana ako ng kakainin ko nang may dumakma sa kamay ko at takpan ang bibig ko.

          “Huwag kang sisigaw,” bulong niya.

     Nanlaki ang mga mat ko at biglang kumulo ang dugo ko. Dahil nasa likod ko siya, bigla akong um ikot kaya naman nabitiwan niya ang kamay ko. Sa pagkakataong ito, ako naman ang humawak sa kamay niya at ubod-lakas ko siyang ibinato.

          “AAAARRRRRRRRRRRRAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY!!!!!!!!!!!”

      Tinignan ko siya ng masama sabay hawak sa kwelyo ng damit niya at bigla ko siyang pinatayo.

          “Hoy Cayden Castanedas, kung magbibiro ka ng ganyan huwag sa’ken, maliwanag ? Papatayin mo naman ako sa nerbiyos eh. Sa susunod na gawin mo ulit yan sa’kin hindi lang yan ang aabutin mo !!!”

 

     Nakita kong nagsilapitan na ang mga kaklase ko kaya itinulak ko na si Cayden palayo. Baka mahawa pa ako sa ka-eng-engen nito eh. Eeeewwwiiieee !! Nang makita ni Trixie kung sino yung tinulak ko, agad niya itong nilapitan at tinulungang tumayo.

          Okay ka lang ba Cayden ??? May masakit ba sa’yo ????”

How Painful LOVE can BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon