Chapter 7

12 1 0
                                    

Aga ko nagising ano kaya magawa ngayon?  Hmmmm kakatamad bumangon.. Nagitla ako ng biglang tumunog yung cellphone ko....

Rick:
Good morning Ivy baby I miss you..   Sorry last time di kita naihatid. May pinagawa lang sina mommy ..take care :)

napatitig ako sa phone ko na parang di pa din nagsisink in sakin yung text niya...

OMG Ivy baby?  Yieeeee nagpagulong gulong ako sa sobrang kilig at halos mapunit na yung  labi ko kakangiti kinikilig ako!  Sa simpleng text niya.. maganda na yung mood ko yieeeee.....

Ako:

Ok lang ...naiintindihan ko naman take care din :)

nagwawala na ko dito sa kama sa sobrang kilig wuhooo ..di na siya nagreply baka nga busy lang...

Nagshower na ko ... Pagkababa ko naabutan ko sina mama at papa na naglalambingan.... Grabe ang sweet talaga nila.....kakainggit ...yakap yakap ni papa si mama sa likod habang may binubulong bulong... Si mama naman parang nakikiliti kaya nagpipiglas pero di siya hinahayaan ni papa makawala ayieeee...

"O anak kumain tayo gising kana pala sabayan mo na kami ng papa mo"ngiting ngiting sabi ni mama

Hinalikan ko si mama at si papa sa pisngi... At umupo na ako sa harap nila "sweet naman sana lagi  kayong ganyan.. Lately kasi parang lagi kayo tahimik ni papa"  sabi ko habang nakain ng sinangag at Bacon.  Pagangat ko ng tingin nakangiti si mama at papa sa isat isa pero parang may lungkot sa kanilang mga Mata ...

"Oo naman anak mahal na mahal ko yung mama mo e "lambing pa ni papa kay mama"kahit sincere yung pagkakasabi ni papa may nahagip akong lungkot sa kanyang mga mata

Hinaplos ni mama ang pisngi ni papa "ikaw talaga Marlon puro ka bola!"namumulang sabi ni mama

Pagkatapos namin kumain... Napansin kong parang nakagayak sina mama at papa

"Ma aalis kayo? "Ngunot noong tanong ko

"Oo anak may aasikasuhin kami ng mama mo... Kung gusto mo para di ka mainip mamasyal kana muna habang wala kami ng mama mo o eto bumili ka ng mga kailangan mo"inabutan ako ni mama ng 1000 Oo syempre di naman kami mayaman sakto lang  sa pangangailangan namin...

"Salamat pa...  Ingat kayo ma... Pa... "Masayang sabi ko at hinalikan ko sila sa pisngi

Pagkaalis Nina mama at papa naggayak na ako... Madami na din ako kailangan bilhin... Naglista na ako ng mga dapat bilhin

Napkin with wings

Powder

Facial soap

Liner

Lotion

Siguro kailangan ko ding magpaganda para lalong mainlove sakin si rick hihi makabili nga ng lip tint yun uso ngayon e saka pangkilay ...kaso pano ba yun gamitin!??? Ugh!!  Papaturo na lang ako Kay Erica expert yun e...

Lip tint

Eyebrow  (dark brown)

So inlove (pabango sa bench)

Ayan ok na yan may sukli pa ko siguro makaka-kain pa ko sa jollibee :)))

Naglalakad na ako papunta sa kanto para makasakay na ng jeep.. Simple lang ang suot ko fitted na jeans at plain white shirt na fit din naka puting sapatos din ako.... Ayoko kasing nagsasandals lagi akong nagkakapaltos....  Lalo na kapag doll shoes

Habang namimili may nakita na akong pangkilay sakto may libreng ngmamake up magpapaturo na din ako :)) ....madali lang pala to e

D na ko nagpalagay ng kung ano ano as mukha ko ..dahil yung pagkikilay lang naman any gusto ko matutunan saka mas maganda pa din kapag natural beauty....

Makakain na ginugutom na ako syempre sa favorite Kong jollibeee hahhahaha

Habang nilalasap ko ang favorite kong chickenjoy.. May halimaw na umupo sa tapat ko at walang pakundangang kinain ang fries ko at sinawsaw pa sa chocolate Sunday ko!

"Hoy! Akin yan wala kabang pambili ha! "Naguusok na yung Ilong ko sa inis Kay Mark .talagang panira to e

"Ang sungit naman ng honey ko ..penge lang naman.. Saka mas masarap kumain kapag may kasabay diba? "Nakakalokong  ngumiti pa itong halimaw na to

"Nang-iinis kaba?  Sa yaman mo na yan di ka makabili? Atsaka wag mo akong tawaging honey dahil di ako sayo! "Inis na inis na sabi ko. Sana nanaman lubayan niya ako diba?

At ang mokong tawa pa ng tawa at nilagay and dalawang fries sa ilong niya at ginagaya ang expression ko na nagagalit... at bigla pa siyang humalakhak ng malakas grabe sarap bigwasan yung gwapo niyang mukha!  O my... Pinupuri ko siya?!  Yuck!  Pero sige gwapo naman talaga siya nuknukan lang ng yabang at kamanyakan!

*kringggg****

Nagmissedcall si rick sakin at may isang text din

Rick:
Hi busy kaba?  Pwede ba kita yayaing magdinner mamaya? 

Ako:
Di ako busy hehe sige mamaya na lang :)

Rick:
Ok sunduin kita take care :)

Ang sweet talaga ni rick yieeeee may date kami mamaya..... Para na akong tanga na ngingiti ngiti dito haha di ako makahinga sa kilig lande Ivy!

"Women like you is such a turn off"sinabi niya yan at may pasmirked smirked pa si halimaw!

Nag-usok ang ilong ko sa mga salitang binitiwan niya.. Aba talaga tong animal!  Na ito ay Ginagalit ako a!

"Hoy!  Anong sinasabi mong turn off ha!  Baka gusto mong bigwasan kita Jan!" Napatayo na ako  habang naguusok na ang ilong ko sa galit

"It's true Ivy when a man does not feel a challenge while winning a women's heart he get bored "smirked  and turn his back on me! Aba at nilayasan na ako ng halimaw na ito

Lagi na lang talagang panira to e sobra! mark wag ako! ....Hay maige pa makauwi na lang at makatulog at baka sapian ako mamaya ng kahihiyan. Tipong parang napipi na dahil wala akong masabi... Kailangan magustuhan niya din ako tulad ng pagkagusto ko sa kanya...  Yiiiieeeeee dinner date yiiie

---------------

"O bakit di mo ginagalaw ang pagkain ayaw mo ba? Do you want anything else?"Nakangiting sabi ni rick sabay aambang tatawagin ang waiter ..pinigilan ko na siya agad

"Huh Hindi... Ano di lang ako sanay sa ganito kagarbong restaurant... Nakakahiya tuloy ang suot ko"yumuko na ko dahil nahihiya talaga ako as in!  Pano ba naman ang suot ko lang naman ay gray printed shirt and black fitted jeans.... White shoes o diba samantalang nakadress silang lahat pasyosyalan. na out of place tuloy ang outfit ko!  E sa jollibee lang ang alam ko e!!!

"Hahaha ok lang yan kaya kita dinala dito kasi I want you to feel special... Kaya please wag kanang mahiya sakin"matamis pa siyang ngumiti at hinawakan ang kamay ko

Omy gulay!  Para na akong kamatis sa pula yung puso ko gusto nang tumalon sa dibdib ko at magpaangkin Kay rick!  Aaaaah ivy kumalma ka diyos ko! Palakasan na ng loob to!  It's now or never!

"Talaga special ako sayo..   Bakit ano ba ako sayo?"feeling ko matatae ako na ewan... Natatakot ako sa pwede niyang isagot... 


"Ano ka sakin?  Your my special someone... Gustong gusto kita baby"

-------

Maraming salamat po sa mga nagbabasa ng Pag-ibig yiiiiie kanino kayo team RICVY or team MARVY
Itrry ko po na magupdate agad salamat po sa pagsubaybay

----------------Denella-------------------



















Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon