Prologue

30 0 0
                                    

Misan sa buhay mo ay may isang taong sobrang tatatak sa buhay mo.

Sa paggising mo sa umaga, hanggang sa mga panahong nakatitig ka lang sa kisame habang hinihintay ang sarili na antukin, yung taong yun kaagad ang pumapasok sa isipan mo.

Kahit pa busy ka sa acads, dagdag pa ang ilang obligasyon sa bahay bilang panganay na anak, palagi pa rin may puwang ang utak mo na tumigil at isiping, "kamusta na kaya sya?"

Sa tuwing nakikita mo lahat ng love letters, balat ng chocolates, at mga bagay na binigay nya sa'yo, hindi mo maiwasang mapangiti kahit pa may kirot sa pinakadulong parte ng puso mo.

Kahit matagal na panahon na ang lumipas, at napakadaming bagay na ang nagbago, parang napakahirap pa din niyang bitawan at kalimutan.

Ganun kalakas ang impact niya sa buhay mo.

Ikaw, nakatagpo ka na ba ng ganitong tao? Ako kasi, Oo.

Siya si Red. Ang taong minahal ko ng sobra.

.. pero hindi kami nag-click eh.

Hindi ko alam bakit umabot kami sa puntong parang nagkalimutan na lang at parang walang pinagsamahan.

Mali, siya lang pala yun. Kasi ako? hindi pa rin siya nawala sa isip ko, lalo na sa puso ko.

SAYANG, kasi hindi ko pinaramdam sa kanya kung gaano ko siya pinapahalagahan.

hindi ko ginusto itong nangyari, hindi ko alam na hahantong tayo sa ganito,

.. tao lang din naman ako, nagkamali at nagsisi.

at SANA, bigyan pa kami ng pagkakataong magsimula muli.

Dear Red,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon