Dear Red 1

0 0 0
                                    

Hindi inaasahan ang pagtatagpo namin ni Red.

Sa tuwing iisipin ko kung paano nagsimula ang lahat, hindi ko maiwasang mapangiti, iyon ang itinuturing kong pinakamasayang nangyari sa buhay ko.

.. dahil sa unang pagkakataon, nagawa kong magmahal, at mahalin.

At kahit matagal na panahon na ang nakalipas, sadyang malaking bahagi siya nang buhay ko kaya magagawa kong ikwento sa inyo ang pagsisimula hanggang sa pagtatapos ng aming istorya.

Una kong nakilala si Red sa school. Transferee ako kaiht 4thyr na ako, kaya medyo ilang pa ako dahil bago ang lahat sa paningin ko-- ang environment, ang mga estudyante, at mga teachers.

First day ng first periodical exam nang magtagpo ang landas namin, dahil nangako ako sa sarili ko non na pag-iigihan ko na muli, nagpaka-studious ako. Pero kahit anong aral ko sa Math ay hindi ko pa rin ito maintindihan, kaya bago magsimula ang exam ay pumunta muna ako sa room ng mga boys para magpaturo ng Math sa Top 1 ng klase namin na si Robert para naman kahit papaano ay may masagot ako at mabawasan ang kaba ko na baka mangamote ako sa Math.

Pagkadating ko doon, maingay at magulo. May narinig akong sumigaw ng tanong, (nakalimutan ko na ang tanong) at dahil alam ko ang sagot, sinigaw ko. Nanlaki na lang ang mga mata ko nang malaman kong hindi ko pala kaklase ang nagtanong, kaya medyo napahiya ako dahil nagmukha akong 'sabatera.'

Nalaman ko na lamang na ang lalaking nagtanong ay si Red, siya ay mula sa pilot section nang itanong ko kung sino sya sa kaklase kong si Dom. Kaya medyo, napa-'wow' ako dahil mataas ang tingin ko sa mga estudyante mula sa pilot section. From that moment, he got my attention right away.

Second day ng exam, maaga muli akong pumasok para tumambay sa library at doon mag-aral ng Physics. Sa kamalas-malasan nga naman ay naiwan ko ang scientific calculator ko sa bag, at tinatamad na ako bumalik sa room para kunin iyon dahil sa first floor pa iyon at ang library ay nasa third floor. Sa kakapalan ng mukha ko, nanghiram ako ng scientific calculator sa grupo ng lalaki na nasa kabilang table lang, nagulat naman ako na nandun pala si Red at ang scie cal nya ang pinahiram sakin.

Oo, nakakakilig kaya sinipag talaga akong sagutan nang maayos ang exam ko non sa Physics.

Third & Last day ng exam, pumasok muli ako ng maaga. Merong part sa sarili ko na, gustong makita ulit si Red kaya kahit madali na lang ang ie-exam ay tumambay pa rin ako sa library at doon mag-aral.

Pero higit pa pala sa inasahan ko ang nangyari, nakita ko si Red na papasok sa library kung nasaan ako kasama ang mga kaklase kong sila Kate at Dom. Naglakad sila patungo sa la mesa kung saan ako nakaupo at nag-aaral. Pinilit ko ang sarili kong kumalma, ayokong ngumiti dahil baka mahalatang kinikilig ako.

Binati ako ni Kate at Dom, si Red naman ay ngumiti lang. Umupo kami sa iisang la mesa, at nag-aral ng greek mythology. Noong una ay tahimik lang si Red, binabasa ang hand-out na binigay ng aming teacher, (parehas lang ang subject teacher namin sa halos lahat ng subject) pero ilang minuto rin ay nagsalita na rin sya, nagtatanong na rin at nakikiparticipate sa review. natawa pa nga sya dahil "canton girl" ang ginawa kong code name dun sa isang character sa the odyssey. iyon ang unang pagkakataon na nag-usap kami.

Pagbalik namin sa room ni kate, nagkunwari akong hindi kilala si Red at tinanong ko kung sino sya. Sabi naman nya ay, "Ah, si Red? Pinsan ko yun."

Shet, pinsan pa ng tropa ko. <3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear Red,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon