(A/N Hello po! 1st story ko po to :) Dedicated sa aking ever loving BESTFRIEND na si BlackTrack <3 Neng! Pagpasensyahan mo ako at pinagnanasahan ko ang ex-crush mo! Hahaha! Enjoy po :D )
~~
"Oh, wag mong ubusin agad yang pera mo. Para makapagmeryenda kayo mamaya." Sabi sa akin ng aking INA bago siya umalis
"OPO na Ma! Alis na po kayo! Quarter to 9 na oh. Diba may meeting kayo?" Pang ilang beses ko na sinabi to kay mama pero wala talaga siyang tigil sa kakapaalala samim -_-
Nandito kasi ako kila Lola. May sakit kasi siya kaya kami ng pinsan ko ang nakatoka sa pagaalaga. Hehe. Well, si Kuya lang naman talaga ang magbabantay kaso gusto ko rin eh! Bakit? Hehe. Malalaman niyo rin mamaya
"AY! Oo nga! Basta ha! Alagaan niyo si Lol~"
"MA -_-" Ako yan
"Tita naman -_- Parang wala kang tiwala sa amin ni Ej -_-" Si Kuya Nathan yan. Pinsan ko, at tulad ko, naiirita na rin kay Mama -_- Grr.
"Aba'y wala talaga! Oh sige na aalis na ako" Humalik na siya sa pisngi namin at umalis. HARD to si Mama magsalita eh -_-
Pero anyway...
"Hihihi~ KUYAAAA! Bibili lang ako sa tabi ha?" Sigaw ko kay Kuya kahit nasa dining area lang naman siya
"Tsk! Oo na! Dalian mo!" At lumabas na ako ng nakangiti.
Oo! Nakangiti! Parang ganto oh =>
^_____________________^
Pano ba naman kasi, sa tindahan sa tabi namin ay may GWAPO! Ang alam ko, Julius pangalan nun eh. 4th year na siya sa pasukan at 3rd year na ako sa pasukan ^_^
May buzzer dun tas pipindutin mo kung bibili ka. Pero wait. Hmmm... Ano kayang bibilhin ko?
Coke? Naaah! Masyadong maaga.
Chocolate? Mamaya na yun!
Fudgy Bar? Okay!
*Bzzzzzt.
Hihihihi~ Yan naaaa! Makikita ko na siyaaa! ^U^
"Ano yon? Uy ikaw pala."
From this face => ^_________^
To this => -_________-
Yung yaya kasi nila ang nagbenta. -_- Kabadtrip eh. Kakilala niya ako BILANG girlfriend ni Julius ESTE! Apo ni Lola -_- Lagi kasing nasa simbahan si Lola at kasama niya yung Yaya nila Julius
"Ay. Hello po. Fudgy Bar nga po." Sabi ko na lang
"Ilan? Oo nga pala, pakisabi sa Lola mo na dadaan ako sa inyo mamaya" Nakangiting sabi niya
"2 po. Sige po. Sasabihin ko po kay Lola" Nakangiting sabi ko
BAKIT?! Pampa Good shot! Malay niyo pag niligawan ako ni Julius tas ang sasabihin nung yaya nila,
"Abay mabait yan si Emily! Boto ako sa kanya iho! " Oh diba!
"Eto oh. Sige. Dadaan na lang ako mamaya"
"Sige po."
Nung pabalik na ako, may narinig akong naguusap.
"Ya. Sino yun?" Boses lalaki! At kaboses niya si--
"Ay putragis ka Julius! Ginulat mo naman ako! Yung apo na babae ni SIster Fe! " Yung Yaya
"Ha?! Yung Emily?!" Aray ha! YUNG Emily daw T^T Hindi SI Emily?! T^T