Chapter 11

79 3 1
                                    

Arthur’s POV

Ang tahimik naman. Si Louis lang ang nagdadaldal. Kumakain pa naman kami ngayon. Nakakabanas ang katahimikan. Kung tatanungin niyo ako kung bakit ang tahimik ko, Kasi tinatamad ako magsalita. No other reason. Hahaha.

Yung totoo na nga. Kasi naman tong si Charlin ehemm Chao, close nga pala kami, eh sobrang … slow! Ewan mas makupad pa sa hinihingal na pagong ang utak. Grabe yung jokes ko hindi magets. Yung sarcasm ko kailangan pa i-explain. At syaka yung feelings ko kailangan pang ipakita? Ay mali! Tae, kahit anu-ano nasasabi ko.

“Oy ano? Nanakaw ba mga boses niyo? O yung vocal cords niyo? Tsk. Anlabo niyong dalawa. Halata naman kasing may gusto sa isa’t isa, in denial pa. Diyan na nga kayo. Tapos na’ko kumain.” sabi ulit ni Louis tapos biglang alis.

Syempre wala pa rin akong imik. Sapol kaya ako dun sa sinabi niya. Na nanakaw vocal cords ko. Wag kayong mag-expect! Hahaha.

Maya-maya ay narinig kong tumutunog cell ko. Bigla naman akong napatingin kay Chao. Kasi naman akala niya yata cellphone niya, teka may inaantay bang tawag ang babaeng to. Buti nga! Diyan ka na nga. Sino ba kasi tong bwisit na to?

At pagtingin ko sa screen, nagulat ako. Kasi naman …

“Hello! Sean? Asan ka bang bata ka? One month ka nang di umuuwi sa bahay ah? Please naman Sean umuwi ka na! Ano ba kasi ang gusto mong patunayan? Anak please … ”

Hindi ako makapagsalita. Tamad talaga ako. Kay Chao lang ako nagiging madaldal masyado. Kasi naman ang sarap asarin. Pero sige na nga sasagot na, baka mabulok laway ko.

Magsasalita na sana ako kaso naunahan na naman ako ni mama. Tama yung magaling kong nanay ang nasa kabilang linya. Siya lang tumatawag sa’kin ng Sean eh. Ay may isa pa pala. Pero secret na lang kung sino. Ang bading nga pakinggan.

“Alam mo naman siguro ang mangyayari kapag patuloy ka pang nagmatigas Sean? Bibigyan pa kita ng one week.”

Ayun! Bastos din ang nanay ko noh? Binabaan ako. Pero seryoso yun. Mukha lang joke ang conversation namin pero mark her words, siguradong gagawin niya kung ano ang sinabi niya. Teka gets niyo ba ako? Sige explain ko in details. May flashback din ang buhay ko.

*some time ago, hindi ko na tanda eh

“Look Sean! Ano ba ang sinabi ko sa’yo? Bakit ba kasi ang tigas ng ulo mo ha?” nag-aalburuto na naman si mama.

“You said na i-date ko siya, kaya ayun! Dinate ko naman, Fine dining pa nga. Hinawakan ko pa nga kamay. Kinilig naman siya. Answerteng babae nga.” sarcastic kong sagot eh sa mainit din ulo ko.

“ Hindi mo ba kilala kung kaninong anak siya? For God’s sake Sean when are you gonna grow up?”

“I think you should ask that to yourself mom. Hindi na’ko bata para i-pair kung kani-kaninong anak ng business partners niyo.”

Pagkasabi ko nun umalis na’ko. Ayoko nang makinig sa mga nonsense reasons niya. Mula kasi ng namantay si papa dahil sa plane crush eh naging ganun na si mama. Kesyo para daw sa business. Eh pakialam ko ba?

“Sean! Wag kang bastos, bumalik ka rito! Sean!”

Hanggang isang araw nakilala ko si Arianna. Hindi siya anak ng kung sinong mayaman na partner ni mama sa negosyo. Actually, wala silang pangalan sa business industry pero naging magkaibigan agad kami. Simple lang siya pero maganda. Sobrang bright ng ngiti niya.

“Hey, okay ka lang ba mister? Kasi kung hindi eto yung panyo oh.” sabay abot niya sakin ng panyo.

“Mukha ba’kong iiyak? Tsk. Wag kang assuming miss ah!” ayan nasungitan ko tuloy, ganda pa naman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Occupation: FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon