a
AN : Sorry ='<
__________________________________________________________
[Kay's POV]
Umuwi kami ni Mom sa bahay. Hindi ko magawang itanong kay Mom ang tungkol sa mga sinabi ni Tristan. Siguro para malinaw ang lahat hihintayin ko nalang si Dad dumating. Hindi ako nagbihis. Nakaupo lang ako sa may sofa sa living room and patiently waited. Mamaya maya noond dumating na si Dad. Pagod na pagod siya at mukhang antok na antok. Itatanong ko pa ba? Or palalagpasin ko nalang muna? Pero kung hindi ko naman itanong 'to, hindi ako mapapakali. Kahit ngayon lang, magpapakaselfish ako.
"Dad. I need to talk to you with Mom." medyo nagulat si Dad sa expression ko. Lumabas si Mom sa kwarto niya at umupo silang dalawa sa sofa tapat ng inuupuan ko ngayon.
"A-ano ba iyon, Anak? Hindi ka pa nagbibihis at natutulog. May klase ka pa bukas ah?"
"Dad, may itatanong ako sa inyo ni Mom. Bakit nasa school ko si Tristan? Kayo ba nagsabi sa kanya na gusto ko siyang pumasok sa school ko? Umamin kayo." kalmado kong tinanong. Hindi ko maintindihan ang expression nila. Mukha silang worried na kinakabahan na hindi alam kung ano ang isasagot.
"A-ano kasi, Anak. Wala kaming sinasabing ganon kay Tristan." sabi ni Mom. "Promise."
"Eh bakit kayo ganyan? Bakit parang kinakabahan kayo ngayon? May kinalaman ba kayo dito?"
"Kay. Totoo ang sinabi ng Mom mo. Wala kaming sinasabing ganyan kay Tristan. Wala rin kaming kinalaman diyan sa pagtransfer ni Tristan sa school mo. Actually, kanina lang namin nalaman." pero bakit hindi ako convinced sa mga pinapakita nila saking expressions? "Nalaman ko nung sinabi ni Erik sakin kanina nung nagla-lunch kami. Nagulat nga ako eh. Ang totoo niyan kasi nung sinabi kong ipostpone yung engagement niyo pumayag siya pero may kondisyon. Akala ko tungkol sa business yung kondisyon. Hindi ko naman alam na ipapalapit niya si Tristan sa'yo."
"Alam niyo ba, nagmukha akong selfish kay Tristan? Parang niruin ko ng lalo yung buhay niya. Sinabi ko naman sa inyo na ayokong mapagkasundo diba?"
"Alam kong kasalanan namin 'to, sweetie." sabi ni Mom. "Sorry."
Si tito Erik talaga ang problema. Dapat malaman ni Tristan 'to. Teka. May naisip akong idea. >:)
(kinabukasan...)
"K-Kay? Are you alright? Mukhang wala kang tulog ah." kasama ko si Anjie habang naglalakad papuntang classroom. In the end hindi ako nakatulog kagabi kakaisip kung paano ko matatakasan ang kasunduan. Sabayan pa ng mga bulong bulongan tungkol samin ni Tristan kahapon. Ano kaya ang gagawin kong excuse? Magkaibigan kami? Nah. Hindi naman kami magkaibigan eh. Sigh. "Kay, ayusin mo nga yang buhok mo. Ano ba kase nangyari kahapon?"
"Hah? Ah eh. Okay lang ako, Anjie. Don't worry." I smiled. Nakita namin si Matteo sa upuan niya. Nakayuko siya at parang ang lalim ng iniisip niya.
"Good morning Matteo!" bati naming dalawa. Pero hindi siya tumingala. Sumagot lang siya ng good morning ng mahina.
"Oh? Pati banaman ikaw, Matt? What's wrong? Ano ba kasi meron kahapon!? Nakakainis naman. Share!!" sabi ni Anjie. Walang imik si Matteo. Hala. Ano kaya nangyari sa kanya?
"A-ahm. Matteo! Ayos ka lang ba?" sinubukan kong kausapin siya. Nakayuko parin siya. Naku wait! Hindi kaya galit siya sa akin dahil sa nangyari kahapon? Naku po! "Ahm, Matteo! Sorry kahapon. Wag ka ng magalit! Please! Sorry na!"
BINABASA MO ANG
Me + You = Hate = Love? [On going]
RomanceUmaasa si Kay na magkakaroon siya ng payapang love life hopefully with her labidabs, Matteo. Nang dahil sa isang kasunduan, nakilala niya si Tristan na masungit. Kailangan niyang maiwasan ang kasunduan na ito para sa pinapangarap niyang prince charm...