Chapter Forty Three.
(A/N: ALRIGHT. FIRST TIME MAGKA POINT OF VIEW SI BEBE JHOPE)
Jung Hoseok
"Hahaha! Ang saya talaga kasama ni IU!" sabi ko habang malapit na kami sa University.
Sa kalagitnaan ng pagtawa namin ay biglang nagsalita si Taehyung.
"Si Samantha.." Naka pout na sabi ni Taehyung.
Biglang nagbago ang pakiramdam ko.
Bigla kasing pumasok sa isip ko si Samantha.
"Nasaan si Samantha?" Tanong ko.
"Hindi na namamansin.. Ano bang ginawa nyo do'n?" Tanong naman ni Taehyung.
Napaka seryoso ng mukha ni Taehyung kumapara sa araw-araw nyang facial expression.
Kaya naman nung pagkapasok namin sa University ay alam ko na naman na nakaabang na ang mga babaeng magsisitilian.
Nakakatuwa ang mga Filipina, masyadong mapagpahalaga sa koreans.
Hinanap ng mata ko si Samantha.
"Hyung, si Samantha!" Sabi ni Jimin.
Napalingon ako sa Semi-park ng University na ito at doon, nakita na namin si Samantha.
Lumapit kami dito para batiin sya.
"Hey Samantha!" Sabi ko habang nakangiti.
Pero hindi gaya ng inaasahan ko na wala manlang pinakitang ekspresyon sa mukha si Samantha.
Wait, may problema ba?
"Samantha?" Tanong ko at pinigilan sya sa braso.
"Excuse me lang," pero hindi sya nagpumigil at tuluyang lumakad ng palayo sa amin.
Nagkatinginan kaming pito bago nakita ko si Jungkook na tumakbo.
Siguro susundan nya si Samantha.
"Anong nangyari?" Tanong naman ni Jin hyung.
Napa kibit-balikat nalang ako.
For sure, may dahilan 'to.
~•|•~
Samantha Angeles
"Excuse me," sabi ko bago piniglas ang pagkakahawak ni Jhope sa kamay ko.
Matapos kay IU, ako naman ang kakausapin nila? Ano, Option lang ako?
Tanggap ko naman kung hindi ako mahalaga sa kanila, pero ang sa akin lang ay sana ipaalam nila kung ayaw na nila akong kaibiganin pa.
Tumakbo ako papuntang Empty room na kung saan pwede akong mapag-isa.
Mabuti na 'to para iwas narin sa issue.
"Sam.."Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa boses na tumawag sa akin.
"Hey,"
Ang amoy ng pabango nya, ang mga lakad nya, at lalo ang boses nya ay kahit hindi ako nakatingin sa likod ko ay kilala ko na.
"Jungkook?"
"Ako nga."
Lumingon na ako sa kanya at hindi ako nagkakamali. Sya nga.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang sinasalubong ang mga tingin nya.
"I thought we're dating each other?" Tanong nya na nakapag paiwas ng tingin ko.
Dating? Tss, akala ko rin e. Pero sino nga ba ang magtatangkang makipag date sa isang Jeon Jungkook?
Bukod sa pagiging sikat nya ay mahirap makuha ang atensyon nya.
"Dating? Sa tingin mo date pa ba maituturing 'to? Hindi e. Hindi Jungkook!"
Paalis na sana ako ng hilahin nya ako sa isang sulok ng room na ito.
Sinandal nya ako sa pader habang tuloy parin sa pagtibok ng mabilis ang puso ko.
"Hindi kita maintindihan, Samantha. Inumpisahan mong magbigay ng motibo tapos ngayon umiiwas ka na lang? Hindi ako manhid. May mali ba sa mga nangyayari?"
Sinasalubong ko ang mga tingin ng mga mata nya. Ang bawat hininga nya na para bang nagsasabi na huwag syang layuan, huwag syang iwasan.
"Samantha Angeles.."
Tinawag nya ng buo ang pangalan ko. Damang-dama ko ang mainit nyang hininga dahil napaka lapit nya lang sa akin.
"Jungkook.. Wala naman akong karapata--"
"Are you that uncomfortable with me hanging out with IU?"
Nabigla ako sa tanong ni Jungkook.
Anong ibig-sabihin nito?
~•|•~
Vote and Comment!
=)
BINABASA MO ANG
Seducing Jeon Jungkook (On-Going)
Ngẫu nhiên•Makilala ka ng Bangtan Boys. •Mapalapit ka sa kanila at maging close sila. •Akitin mo si Jungkook. •Maging Boyfriend si Jungkook. •Matapos lahat ng plano, Break their Friend's heart. Break JUNGKOOK'S HEART.