Naiihi ako...tama,nakaupo pa ako sa kubeta nang napaisip ako.
'Di kaya may koneksyon sa akin ang mga taong nakakabungguan ko?'
'Ito kayang singsing na ito?Di kaya masakit dahil iyon ang ikinamatay ko dati?
Malay mo......nakalunok ako ng singsing noong buhay pa ako at di na nakahinga...Haayy nga naman oh...'
'S-si M-muscle pain?!" napatakip nalang ako ng bibig ko dahil tsaka ko na lamang napagtanto na nakalabas na ako ng cubicle at muntikan akong makapasok sa CR ng boys imbis na lalabas na sana ako ng CR magkaharap lang kasi ang pinto ng CR ng boys at girls eh.Ayun,nakita ko ang mga lalaki sa loob na biglang hinila pataas ang mga zipper nila at agad ko naman tinakpan ang mata ko at dali-daling lumayo mula doon.
'Asan na si A?!!!!' nagmemental breakdown na ako dahil pagbalik ko sa mesa namin wala na si manok na walang pakpak na masarap ibabad sa marinade.
'M-maghuhugas ako ng pinggan?!'
'Kyaaaa!!!'
"FUCK!" nagulat ako nang mabunggo ako sa isang matangkad na lalaki at agad naman itong sumigaw.T-teka?!ano daw sabi fat?!ako fat?!loko toh ah!
"Oh shit! My ring!" agad naman itong tumakbo at pinulot ang singsing yung singsing na napulot ko kanina na gumulong nang makabungguan ko siya.
"Muscle pain?!!" napasigaw ako dahil siya na naman pala.Tatlong beses na ito at kahit isang beses di ko talaga nagustuhan ang presensya niya kita ko na agad kumunot ang noo niya at halatang naiinis.
"Muscle pain?" agad nitong sinabi pero halata naman sa tono yung hindi naman talaga siya naghahahanap ng sagot dahil yung pagkasabi niya parang andaming kung ano-anong salitang di kanais nais ang pinagsamasama halimbawa na nito ang p*tang i*a,g*go ka at iba pa.
"Someone take this freaking bitch!she stole my ring!" hindi sa slow ako pero hindi talaga agad nagsink in sa akin yung sinabi niya.sino nagnakaw ng ano?
"Kyaaaa!!!hindi ako nagnakaw ng carpet!!promise mamatay man ako ulit!" napasigaw na lamang ako dahil biglang nagsuguran ang mga lalaking nakaitim at nakasuot na tila isa itong uniporme.
"Hindi nagtatagumpay ang kasamaan tandaan niyo yan!!" bigla ba naman nila kasi akong sinakay sa isang magarang sasakyan at nakatali ang mga kamay ko gamit kang isang panyo at nasa likod ko pa iyon kaya hindi ako makagalaw ng matiwasay at napapagitnaan ako ng mga lalaki kanina na nakaitim.
"Do you want to die or better shut your f*cking mouth?!you thief!" napatigil ako ng sandali nang biglang sumulyap ang isang lalaki mula sa harapan ng sasakyan(sa tabi ng driver's seat.)
"Better"sinabi niya ito ng walang ekpresyon at inilipat ang tingin niya sa salamin ng sasakyan.Kausapin ko kaya?
"Muscle pain...." mahinang pagtawag ko sa kaniya ngunit sa tingin ko iyon ay sapat na para marinig niya.
BINABASA MO ANG
Undestined
HumorAng sabi nila kapag nakatadhana na daw ang isang bagay wala ka nang magagawa.......pero nasa iyo ang desisyon kung iiwasan mo ito o haharapin mo na lamang ang mga maaring mangyari Wala akong pakialam sa hinaharap na nagaabang sa akin pero ipangako m...