Munting Pasasalamat!

45.5K 646 129
                                    

Lubos po akong nagpapasalamat sapagkat akin pong nakilala si Binibining Carmela Montecarlos at Ginoong Juanito Alfonso. Nang dahil po sa kanila ay napatunayan kong ang tunay at wagas pag-iibigan ay hindi basta-basta mapipigil ninuman. Lahat ng unos ay makakayanang lagpasan basta't tiwala lamang.

Nakakatuwang isipin na may kagaya pa po ni Binibining Mia ang may taglay na kakayahan upang gamitin ang kanyang malawak na imahinasyon upang imulat sa mga kabataan ngayon na hindi biro ang pinagdaanan ng mga Pilipino noong tayo ay sakop pa ng mga Kastila. Na kung gaano kahirap ang buhay noon kumpara sa ngayon na madalian na lamang ang lahat.

Napatunayan din na ang wagas na pag-ibig ay makapaghihintay. May tamang panahon at pagkakataon para sa mga bagay-bagay.

Ang pag-ibig ng mga karakter sa kanilang pamilya at sa kapwa ay labis na kahanga-hanga. Tunay na isang huwaran kung maituturing.

Labis na kaalaman,payo at mensahe ang naikintal nito sa mga nakabasa. Tunay at karapat-dapat nga itong hirangin bilang isa sa pinaka-nangungunang Historical Fiction sa Wattpad.

Taos puso ang aming pasasalamat!!!

I Love You Since 1892 UndeniablyGorgeous: My ReactionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon