Chapter 11Nagtaka ako sa picnic basket na nakita sa dining table pagkagising ko. May laman na itong pagkain ngunit di ko mahanap si Brandon, the whole house was quite kaya sumilip ako sa likod bahay ngunit wala ring tao. I went to the front door to check his car ngunit wala doon, where is he?
Nag unat ako upang pawiin ang sakit sa aking katawan, I'm so sore! Hindi ko alam kung makakapag insayo ako ngayon. Siguro naman maintindihan din ako ni Brandon. Ang hard niya kasi kahapon.
Hinalungkat ko ang basket at may mga sandwich doon at juice, may mansanas at mangga din. May fried chicken at rice. What's these for?
Narinig kong dumating ang sasakyan at nag park ito. Saan kaya siya galing? Sinalubong ko siya upang magtanong. Sa bukana pa lang ng pintuan ay nakita ko itong may hawak na brown envelope. He is wearing a cotton shorts at sleeveless shirt, he is so damn hot. He smile upon looking at me.
"Buti gising kana." Pambungad niya.
Tumango lang ako at nagtaka sa hawak niyang envelope.
"Ano yan?"
Huminto siya sa aking harapan at sinulyapan ang dala niyang envelope bago bumaling sa akin.
"An information from the office, pero mamaya ko na buksan dahil may pupuntahan tayo."
Tumaas ang kilay ko. Nagpatiuna na ito sa aking pumasok ng bahay.
"Pupuntahan?"
Dumeritso siya sa mesa at kinuha ang basket matapos ilapag ang envelope sa ibabaw ng divider.
"Alam kong masakit ang katawan mo dahil sa sparring natin kahapon kaya para maibsan ay maliligo tayo doon sa spring na libre." Pakindat niyang sabi at ngumisi.
I just realized what he says! Nanlaki ang mga mata ko sa excitement kaya halos tumalon ako sa tuwa.
"Really?" Malaki ang ngisi ko.
"Yup!"
"Ahhh! Okay, I'll go get change first!" Tumakbo na akong kwarto at nagmamadaling nagbihis.
At dahil hindi naman ako nagbibikini ay nag shorts lang ako na maiksi at spaghetti shirt. Pinatungan ko nalang ng sarong upang hindi ako lamigin mamaya pag uwi.
"Let's go!"
Matagal na akong hindi nakaligo ng mga spring at beaches. Puro sketch pad at tela ang kaharap ko at kung mag a-unwind man kami ay bar hap. Hindi mapawi ang ngiti ko ng papunta na kami doon gamit ang sasakyan niya. Ni park niya ang sasakyan malayo sa spring dahil hindi naman iyun kakasya doon dahil liblib.
Lumabas kami at kinuha niya ang basket at yung tuwalya niya ay isinabit niya sa kanyang balikat.
Sa di kalayuan ay may nakita kaming babae at bata.
"Nakakatampo kana Niño,huh! Noong isang linggo hindi mo ko binigyan ng bulaklak. Kung hindi pa ako dumaan dito ngayon hindi kita makita." Nakapout na sabi noong babae.
"Sorry ate Karly, isinama ako ni tatay noong isang linggo sa delivery ng mga bulaklak kaya hindi kita napuntahan, at ngayon naman ay nagsimba muna ako bago namitas para dalhin sayo." Paliwanag noong bata.
Nang nakalapit sa kanila dahil daanan iyun patungong spring ay nilingon kami noong babae and to my surprise ay buntis ito.
"Hi, maliligo kayo?" Maligaya niyang tanong sa amin.
Nahiya naman ako dahil hindi naman ito public place na para sa lahat.
"Oo sana,e." Sagot ko.
"Naku, maganda dyan wala pang esturbo!" Mapanuya niyang sabi kaya napasulyap ako Kay Brandon na nakatingin din sa amin.