TMYL #7

151 3 4
                                    

Nagmamadali ako ngayon at inis na dahil nasiraan pa ako kanina. Nakailang tadtad na rin ng tawag sa akin ang mga kaibigan ko dahil nga paniguradong late na naman ako.

"Hello?" I answered Isaiah's call irritatedly. Hinanap ko na ang purse ko para makapasok na sa loob.

"Alam mo sa inuman ka lang maaga pero kapag ibang bagay late ka." Mapang-asar na sabi nito.

If anyone can handle my bitchy attitude, it would probably Isaiah. Kaya pa nga nitong sabayan ang pagkamaldita mo. She's not the kind of person who gets offended easily, lalaban pa nga ito at sasagot kapag inaaway mo.

"Oh? Edi sana uminom na lang tayo para maaga ako." Sabi ko habang sinasara na ang kotse tsaka binigay sa valet ang susi nito.

The restaurant looks fancy. Dalawang malaking pinto na tila pinto sa palasyo ang bubungad sayo. There's a classy hallway where other people wait there. I told them that there's already a reserved table for us and they guided me to went there.

Bago pa man din ako makapunta ay hangang-hanga na ako sa paligid. The restaurant looks classy and comfy at the same time. Para kang nasa isang mansion because of how comfortable the seats are and the things around here. Pero ang bawat muwebles, the floorings, the chandelier, the paintings, they all look classy. Sobrang agaw-pansin pa ang spiral na hagdan nila na kulay ginto at kumikinang ang handle na parang may mga diamonds na nakakabit doon. Damn. I was wondering how much this place costs.

"Finally," medyo may kalakasang sabi ni Isaiah at nakuha pang pumalakpak.

I rolled my eyes at her as I continue scanning the place. Kahit pag-upo ko, I'm still checking it out.

Siniko naman ako ni Andy sa tabi ko. "Laway mo, baka tumulo." Bulong nito.

Nilingon ko ito at tiningnan kung ngingiti ba ito para malaman ko kung nagbibiro pero ngumisi lang ito. Kainis itong isang 'to.

"Oh, akala ko ba ako lang late? Nasaan na si Jaz?" Mataray na sabi ko.

"Kumalma pwede? May kausap lang kanina..." sabi ni Ed. Lumapit ito sa akin at may binulong. "Yung may-ari yata, close kasi sila." Sabi nito at tumango ako.

Wala namang bago. Kapag talaga may kaibigan kang sikat, maraming kakilala. At siguro, advantage na sa amin iyon.

"Nagugutom na ako.." reklamo ni Alaina sa amin.

"Ba't kasi dito tayo kakain?" Sabi ko sa kanila at nagcross arms.

Medyo kinakabahan ako. Mukhang mamahalin itong restaurant na ito.

Ano bang pwedeng iorder dito na mura lang?

Hindi na siguro ako oorder ng ibang drinks at tubig na lang. Mahal ko pa naman ang buhay ko kaya gusto kong mabayaran na yung singsing. Mukhang nakakatakot pa naman yung lalaking iyon. Tsaka hindi ko alam kung kailan uli kami magkikita kaya mabuting handa na ako. Kapag nagkita kami, masasampal ko sa mukha niya yung perang napag-ipunan ko. Huh, akala niya.

"Sorry, ang dami kasing chika nung may-ari sa akin eh. Kesyo nanakawan daw siya..." sabi ni Jaz nang makarating na sa upuan namin.

Kumunot ang noo ko. "Sino ba yung may-ari?"

Napasinghap naman si Isaiah sa tabi ko.

"Si Von sis,"

"Huh? Paano mo nalaman? Akala ko ba si Jaz lang nakakakilala sa may-ari."

Napasapo si Ed sa tabi ni Jaz. "Girl, Von J's pangalan nitong restaurant. Alam kong gutom ka pero basa basa din ha?"

"Malay ko ba? Hindi naman lahat ng restaurant ang pangalan is pangalan ng may-ari eh."

The Moment You Left (Marupok Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon