HER SIDE

35 5 4
                                    


°°°°°°°°°°°°
Her Side
Jen Ileen Embestro

Naglalakad ako pabalik sa bahay nang bigla akong nakaramdam ng gutom. Buti nalang at madadaanan ko ang paborito kong Burger Shop.

Binilisan ko ang lakad ko para makarating agad doon. Pero bigla akong natigilan ng makita ko siya sa paborito naming tambayan sa park.

Kasama ng ipinalit niya sa akin.

Napangiti nalang ako ng mapait. Di pa rin ako makapaniwalang sa dalawang taon namin na magkarelasyon, isang taon na pala niya akong niloloko. Umalis na ako sa pwesto ko bago pa nila ako makita. At ito nanaman, tumulo nanaman ang mga taksil kong luha.

Limang buwan na kaming wala pero eto parin ang epekto niya sakin. Ang sakit pa din.

"Hello ma'am. Welcome to Anying's Burger Shop. What do you want to order?"

Napatalon ako sa gulat. Nandito na pala ako? Di ko man lang namalayan.

"Miss. Okay ka lang? Sorry. Nagulat ata kita." Nag-angat ako ng tingin. At napanganga ako sa nakita ko!
Bakit ang gwapo niya?

"Miss?" Natauhan na ako sa muling pagtawag niya.

"Ahh. Spicy Cheese Burger. Pakidagdagan ng Hot sauce ah." Sabi ko tsaka bumulong sa sarili. "Yung kasing hot mo."

"Miss? May sinasabi ka pa po?"

"Ah eh. Wala! Thank you!" Sabi ko nalang.

Nakangiti lang ako habang tinitingnan siya papunta sa counter. Ngayon ko lang siya nakita dito. Bago siguro siya.

"Here's your order miss." Nakangiti niyang sabi sa akin nang binigay niya ang order ko.

"Can I ask you a question?"

"Go on miss."

"Drop the miss. Bago ka lang ba dito?"

Ngumiti muna siya bago sumagot. That smile. "Matagal na ako dito Jen. Hinihintay lang kita."

--

"Jeeeeeeeeeen! Gumising kana!" Napabangon ako agad dahil sa lakas ng boses ni Mama.

"Ma naman. Aga aga pa ii."

"Bata ka! Anong oras na kaya!"

"Opo na ma. Eto na. Papasok na."

Pagkatapos kong magprepare, umalis na agad ako ng bahay. Una kong pinuntahan ang paborito kong Burger Shop.

"Oh Jen! Ang aga mo ata." Bati sa akin ni Manong Anying. Siya ang may-ari ng Burger shop na ito.

"Ah manong. Matanong ko lang. Anong pangalan ng bago niyong crew?"

Napakunot ang noo niya sa tanong ko. "Ha? Sinasabi mo Jen? Wala kaming bagong crew. Bakit?" Wala?! Ibig sabihin.. Hindi totoo yon? Panaginip lang yon?! Akala ko pa naman.

Umiling nalang ako. "Wala po manong. Sige po! Daan nalang po ulit ako mamaya! Yung favorite burger ko po ah!"

Napatawa naman siya sa tinuran ko. "Sige sige iha. Ingat ka."

Dumiretso na ako sa University na pinapasukan ko. Scholar lang ako dito. Hindi nga naman kasi kami ganun kayaman.

"Jen. Okay ka lang? Kanina ka pa parang tulala. Di mo na ata naintindihan lessons natin eh." Sabi sakin ng bestfriend kong si Pauline. Nandito kami ngayon sa Cafeteria at kumakain ng Lunch. Natapos ang pang umagang subjects ko na lutang. Iniisip ko pa rin kasi yung napanaginipan ko.

My Dream (Her) Where stories live. Discover now