Pagkatapos mangyare yung dinner date namin ni Ricky baby di na mapawi any ngiti sa aking labi aaaaaahhhhhhhh napapatili ako habang knwento ko ito Kina yen at Erica na di na maipinta ang mukha ..di siguro sila makapaniwala hahahaha kahit ako din naman feeling ko nanaginip pa din ako...
"At eto pa tinanong ko siya kung ano ba talaga ako sa kanya "ngiting ngiting habang namumula sa kilig
"O ano ka naman daw? No. 1 pinapaasa? "Naiinis na sabi ni yen
"Haha grabe galing din make arte arte ni rick huh hahhaha"tawa ng tawa si erica
"Ha-ha-ha Hindi a! Ang sabi niya sakin ay " parang nanaginip na sabi ko at halos mapunit na ang labi ko kakangiti
"Ano ka sakin? Your my special someone... Gustong gusto kita baby"
Kinikilig na sabi ko sa kanila"Ah talaga? Magaling din pala yang rick na yan magpaasa"sarcastic na sabi ni yen
"Aba! Sobra ka naman yen! Seryoso siya alam ko! " naiinis na sabi ko Kay yen
"Oo at sinabihan ka niyang gusto ka niya at special someone pero sinabi ba niyang gusto kita kaya liligawan na kita pwede ba? "Maarteng sabi pa ni yen at pinaikot pa talaga ang mata
"Mali bakla! Dapat mahal na kita Ivy can you be my girlfriend? " mas maarteng sabi ni Erica
"Alam niyo kayong dalawa napaka nega niyo din.. Bakit ba hinahadlangan niyo ang pagmamahalan namin ng aking Ricky baby! "Madramang sabi ko sa dalawa at nagemote na nga ako
"Alam mo kasi kaibigan kami diba? Nagpapakaprangka lang kami"seryosong sabi ni yen
"Yeah! She is tama kasi naman Yang si rick na yan na-"di na niya naituloy ang sasabihin niya at nabatukan na siya agad ni yen
"Aray! You hurt My head OMG what is the wrong with you!? "Himas himas ni Erica ang batok niya habang naiinis na pinapagalitan si yen
"Sige magenglish kapa at ipapalunok ko na sayo tong papaya! Sakit sa ulo! "
"Ang brutal mo talaga a! E kung ipalunok ko sayo tong isang sakong saging! At baka mawala Yang kasungitan mo ha! "
"Hoy! Magsitigil nga kayong dalawa para kayong aso't pusa e ...ang mabuti pa turuan niyo na lang akong magluto ng adobo"ngiting ngiting sabi ko pa
"At aanhin mo naman ang adobo aber? "Tanong ni yen at nakataas pa ang kilay habang si Erica ay nakatitig lang sakin
"Wala gusto ko lang matuto magluto at isa pa madali lang naman yun "pagdadahilan ko hahaha e kasi naman may naglagay ng letter sa locker ko ang nakalagay hi Ivy Alam mo bang favorite ko ang chicken adobo.. Matagal na akong di nakakatikim nun e pwede mo ba akong dalhan bukas? Thank you
Rick
Hahaha waaaah ibubuhos ko ang lahat ng powers ko para makapagluto ng masarap at malinamnam na adobo :)))
At buti na lang di na ko kinulit ni yen at tinuruan na lang nila ako ni Erica mgluto ng adobo kahit masakit na sa ilong ang mga instructions ni Ericka hahaha... Kahit trying hard yan love ko yan. Hahaha.....
---------------
Lunch time na OMG kinakabahan ako pero nasisigurado ko na masarap tong niluto kong adobo :)) o my anjan na siya Nasa canteen kasi ako at inaabanagan ko ang pag dating niya... Nang malapit na siya hinila ko siya palapit sa aking table.. Nagulat siya pero ngumiti din siya ng makilala ako
"Gutom kana for sure kaya eto o special chicken adobo ako nagluto niyan "excited na sabi ko at binuksan ko na upang malasap niya ang malinamnam na amoy ng adobo. Pagangat ko ng tingin parang di na maipinta ang mukha niya
Bakit di ba mukhang masarap tong adobo ko?
Baka natotouch siya kasi pinagluto ko siya?
Bakit parang di niya expect?
E siya nga tong ngsulat na favorite niya and chicken adobo?
Masubuan na nga basta mahalaga matikman niya ang pinaghirapan kong lutuin para sa kanya
"O tikman mo na masarap to"tinapat ko na sa bibig niya at parang nagaalangan pa kung kakain niya ba o Hindi"sige na tikman mo na masarap to"di na siya umimik at kinain na ang adobo napaubo pa siya
"Uy ok ka lang ba? Di ba masarap? "Nagaalalang tanong ko pa
"Huh Hindi ano-"di ko na siya pinatapos
"Huh Hindi ba masarap? "Nalulungkot kong sabi
"Huh ii-it's de-delicious... T-thank y-ou"nauutal na sabi niya
"Talaga? O eto pa o kain kapa"masayang sabi ko sabay tapat ulit ng kutsyara sa bibig niya kinain naman niya kahit mukhang napipilitan na siya
" RICK ANDERSON! WHY YOU ATE THE GO*AMN CHICKEN ARE YOU OUT OF YOUR MIND! MAGPAPAKAMATAY KABA!!" galit na galit na ang mala diyosang babaeng nasa harap namin
Di ko alam kung ano mararamdam ko kung maiiyak ba ako na matatae sa sobrang nerbyos! Si rick may allergy sa chicken? E sinong engkanto ang naglagay ng sulat sa locker ko? Nasapo ko ang bibig ko sa pagkabigla ang Tanga mo Ivy! Ang bilis mo maniwala!
At sino itong mala diyosa sa kagandahan na Nasa harap namin?
Paglingon ko Kay rick may mga pantal na siya waaaah!!!! Kasalanan ko Ito kung bakit siya naallergy waaaah magsosorry na sana ako bigla naman niya hinila yung diyosa papalayo at tuluyan na silang umalis
Ang shunga mo Ivy! Bakit ka naman agad agad naniniwala sa mga sulat na yan! Nasayang lang din ang effort ko lutuan siya ng chicken adobo tsk! Sigurado ako magagalit sakin si Rick nito haaaay! At sino yung babaeng hinila niya papalayo maloloka na ko kakaisip! Tatayo na ko nang may umupong halimaw at may dalang kutsyarat tinidor na biglang sumulpot at kinain ang chicken adobo na luto ko
"Ang sarap naman nito akin na lang to para di masayang .teka ikaw ba nagluto nito?"halos mapunit na ang labi ni mark kakangiti
Dahil badtrip ako di ko na lang siya pinasin.. Pinaikot ko ang mata ko at tumayo na upang makaalis na nang biglang magsalita si mark
"Ang babae ang minamahal at hinahabol Hindi yung Babae ang nahihibang at humahabol"sarcastic niyang sabi habang nakatuon pa din sa kanyang pagkain
--------------
Thank you sa pagbabasa busy lang kaya matagal ang update pasensiya na po :)-----Denella-----
BINABASA MO ANG
Pag-ibig
RomanceAng Pag-ibig komplikado, masakit, mahirap dahil May mga bagay na di para sayo at may mga bagay na kahit ayawan mo ng Paulit ulit Ito pa din ang nakatadhanang mapasayo.