"Alfonso, Sidney D."Kasabay ng pagbanggit ng pangngalan ko ay ang unti unti ring paglapit sa aking ng kaklase kong pangiti-ngiting nagdi-distribute ng mga test paper namin sa chemistry..
Nanlulumo akong napatingin sa papel na hawak hawak ko ngayon. Para akong tinakasan ng bait ng makita ko ang resulta ng exam ko sa chemistry na siyang pinaghirapan ko kagabi lang.
"TARAGIS NA SCORE YAN SIDNEY! PAMATAY AH!" rinig kong sigaw ng isa sa mga kaklase ko sa tabi ko. naramdaman ko nalang na may kumapit sa balikat ko na tila nanghihina at kumukuha lamang ng suporta mula sa akin. kahit siya ay nanghina ng makita ang resulta ng exam ko.
"So Ms. Alfonso got the highest score, Congratulations! Sana sa susunod ay ganiyan pa rin ang resulta ng mga tests mo" tuwang-tuwang anunsyo ng aming teacher na si Mrs. Hernandez
Muli akong napatingin sa aking test paper...
Alfonso, Sidney D.
27 out of 25"Puta! Pabibo! 25 ang perfect score pero 27 yung score niya? Aba isa kang petmalung lodi!" dagdag pa nung kaklase ko na ikinatawa ko nalang.
Hanep na score to. Nakakapanlumo sa tuwa.
Buti nalang eh nawala yung kagustuhan kong magpa-load kagabi nang makita kong Free Alert lang naman pala yung huling nagtext sa akin.
Naperfect ko tuloy yung test. Wala eh, ganon talaga.
"Hoy Maria Sidney, buong hapon mo nalang bang balak titigan yang test paper mo? Aba! Wag masyadong matuwa baka di na maulit!" yung tropa mong maninigaw na nga, may kasama pang hampas? putragis. masyadong mapanakit.
"Hoy ashley, yang kamay mo eh pigil pigilan mo ha. Nanggigigil ako!" sigaw kong pabalik at saka sinimulang ayusing ang gamit ko.
"dalian mo at hinihintay tayo ni peter"
ha? sasabay samin si peter? so what? si peter lang naman pala eh. ano naman? si peter lang naman yun.. si peter... bakit naman ako magmamadali?
andito
na
ako
sa labas...
at naiwan ko si ashley sa room.
"Hi Sidney!" narinig kong tawag sa akin ni peter.
unti unti akong humarap sa direksyon niya at unti unti ko ring nasilayan ang napakaganda niyang ngiti na maari kong maihalintulad sa buwan na siyang nagbibigay liwanag sa gabi...
unti unti siyang naglakad papunta sa kinatatayuan ko, kasabay ng bawat hakbang niya ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko.. ang paglipad ng iba't ibang klase ng ibon sa aking tyan na pinangunahan ng ibong maya... ang panlalambot ng tuhod ko, at ang pagtakas ng lakas sa aking katawan..
ang ganda ng ngiti niya..
peter,
gusto
kita--
gustong-gusto..
"hi ash! ako na magbubuhat nyan" nilagpasan niya ako at nagtuloy-tuloy papunta kay ashley.
taragis. wala namang ibang buhat si ashley kundi suklay! ako dito ang may dalang laptop at apat na libro hindi manlang naalok ng tulong!!
"hoy buknoy!" tawag ko sa manliligaw kong napadaan, na agad namang nagtatakbo papunta sakin nang makita niyang ako yung tumawag sakanya...
ang ganda ko lang naman talaga..
"buknoy pakibuhat naman itong laptop ang dami ko kasing bitbit" pagpapacute ko pa kay buknoy.
"lintek naman yan ate! kitang may inutos sakin yung teacher namin e! susumbong kita kay mama!" Aba't--
"Hahaha. Nakakaawa naman po si ate sidney. Peter, si sidney nalang tulungan mo! magaan lang naman tong libro ko!" rinig kong tawa at utos ng besh kong si ashley sa crush kong si peter na boyfriend niya. kayamot.
"sid, ako na jan" sabi ni peter sabay ngiti. taragis kang hayop ka. matutunaw ako.
"sige, salamat" kunwaring pa-demure kong sagot at saka iniabot ang laptop na hawak hawak ko.
taragis. nagkadikit lang naman yung mga kamay namin.
sabay-sabay kaming naglakad pauwi. And yes, mukha akong third party.
and another yes sa third party, hindi third wheel. bakit? dahil alam kong kami ni peter ang magkakatuluyan sa bandang huli.
pucha. bes na bes ang role ko dito ah. si bes na ahas, si bes na manunulot ng jowa. si bes na kontrabida.
"uy dito na ako, ash.. peter" pagpapaalam ko ng makarating kami sa kantong malapit sa bahay namin.
"sige, ingat ka sid!" pagpapaalam ni ash.
habang si peter naman ay lumapit sa akin...
"ah eto na yun laptop mo..."
"ingat ka...bes" tangina world.
"ingat ka rin.. bes" sabi ko na pinaresan ko ng isang ngiti.
isang ngiti na nagpakitang okay lang ako, na wala akong nararamdamang lungkot nang tinawag mo akong bes.. ngiting nagsasabing wala akong nararamdamang selos nang tumalikod ka mula sa akin at sinimulang habulin ang girlfriend mo na syang bestfriend ko..
etong ngiti na dinala ko hanggang sa pag-uwi ko. at eto ring ngiting to na suot ko pa rin, habang unti-unting tumutulo ang mga luha ko...
tangina, sinong niloko ko?
ang engot ko rin kasi, mahuhulog na nga lang, dun pa sa may sabit. ang engot naman din kasi netong si ashley, bakit pa pinakilala sakin tong si peter at ibinigay pa ang number ko.
at ang gago naman din kasi ni peter, pinaparamdam pang gusto niya ako..
"hi sid, nakauwi na ako! mukhang wala ka nanamang load eh? miss na kita ka-text =(
sya! goodnight, bes. sweet dreams =)
-peter"
pang-ilang basa ko na ba ito sa text niya kanina? tatlo? lima? baka nga mahigit sampu na e-- at madadagdagan pa--
"Because you have loaded last time,
here's a free line for you,"You're like a sundae..
You never fail to make my day.-FREE ALERT"
taragis nanaman tong free alert na 'to.
BINABASA MO ANG
Free Alert!
Short StoryWhat if Free Alert which is the one sending such messages turned to be your Lover?